Chapter 49

850 33 1
                                    


Pagkalabas ko ng Conference room naka sunod na agad sakin si Ellon na Assistant ko.

"Ah---Dr. Park mag rorounds po tayo. Ok lang po?"- tanong ni Ellon sakin ng makapantay na siya sakin sa paglalakad.

"Ilang pasyente ang pupuntahan natin?"- tanong ko habang naglalakad.

"30 patients po"- sagot ni Ellon.

"Ah Ellon pwedeng wag mo na akong i Po"- huminto ako at humarap sakanya.

"Ah---sige"- tango tango niyang sabi. Hindi ko na siya pinansin at pumasok na sa Elevator.

Nang maka baba na kami sa 4th floor ay agad kaming dumiretso sa unang ward na nasa malapit sa Nurse Station.

Pagkapasok namin ay agad ko silang nginitian. Lumapit ako sa isang pasyente na malapit sa pintuan na may benda sa ulo. Ngumiti ito ng makalapit ako.

"Kamusta po ang pakiramdam niyo?"- tanong ni Ellon sa babaeng pasyente na nasa mid 40's na ata.

"Ayos lang. Siya ba ang bagong Doctor?"- tanong ng babae na nakaturo sakin.

"Ah opo. Siya po si Dr. Park"- pagpapakilala ni Ellon sakin.

"Ang gandang Doctor naman ng batang eto"- nakangiting sabi ng matanda.

Magsasalita ulit sana si Ellon ng tumunog ang telepono niya.

"Nasa 4th floor pa kami nag rorounds----Ha?--- Hindi ba si Doc Terrence?----May surgery siya ngayon?---o sige papunta na kami"- humarap si Ellon sakin ng patayin niya na ang telepono niya. Nagmamadali siyang humarap sakin.

"Dr. Nicole. Pwede ka bang mag opera ngayon? May dumating kasing pasyente na naaksidente ta-----Anong nadamage?"- putol ko at naglakad na palabas. Mabilis kaming dumiretso sa elevator at pinindot ang first floor.

"Hindi ngayon makahinga ng maayos ang pasyente dahil sa dami ng dugong nag stay sa baga ng pasyente. Na damage din ang ulo dahil sa aksidente"- paliwanag ni Ellon. Lumabas agad kami ng elevator ng bumukas ito.

"Dalin agad siya sa operating room"- utos ko at dumiretso muna sa locker para magbihis.

Binuksan ko ang locker ko at kinuha ang susuotin ko. OperatingGown. Matapos kong suotin ito ay naglakad na ako palabas.

Nadatnan ko si Terrence na kakalabas lang ng operating room kung saan nag oopera siya ng bata.

"Goodluck Doc"- nakangiting sabi ni Dr. Terrence. Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy ang pag hugas ng kamay. Nang matapos ay tumapat ako sa pintuan na naging dahilan ng pagbukas nito.

Third Person's POV

Pagkapasok ng Doctor na si Nicole ay lumapit na ang ibang nurse na may hawak ng gloves at mask.

"Paki ayos ng suot ko"- utos ng dalaga sa babaeng nurse at mabilis na inayos ang lace ng suot niya.

Ang magandang Doctor na si Nicole ay busy sa pag oopera ng pasyente niya. This is her first time dito sa pilipinas. Napapanganga nalang ang assistant niyang si Ellon dahil sa bilis nitong mag opera. Nang tatahiin na ay napanganga nanaman si Ellon dahil sa bilis nitong mag tahi.

Nang matapos ay lumabas na si Nicole at sa labas nag unat unat.

"Ang cool niyo Doc! Ang bilis mong mag opera. Partida kararating mo palang"- manghang sabi ni Ellon kay Nicole habang nag huhugas ito ng kamay. Ngumiti lang ang dalaga at naglakad paalis.

Nang makarating na siya sa Locker Room ay agad na siyang nagbihis at lumabas.

"You did great Dr. Park. I heard na napaka galing mong mag opera"- nakangiting bungad ni Doc Terrence sa dalaga.

Lumingon ang dalaga sa wrist watch niya na nasa kanang kamay niya. Napag isipan niyang umuwi ng maaga dahil start na pala ng rehearsal niya bukas.

Pagkalabas niya ng Ospital ay wala siyang sasakyan at bodyguards na nakita.

"I can't believe this. They're insane"- bulong ng dalaga sa hangin.

Napabuga nalang siya sa hangin at kinuha ang telepono niya sa bag niya.

"Yeobosseo? Bring my car here. Im at the HSMC Hospital"- sagot ng dalaga at mabilis na binaba ang tawag.

Ilang minuto din ang lumipas at may humintong itim na sasakyan sa harap niya. Bumukas ang bintana ng sasakyan at nginitian siya ng naka sakay doon. Lumapit siya sa sasakyan na nasa harap niya at binuksan ang passengers seat doon.

"You can go now. Get off."- malamig na sabi ng dalaga sa lalaking nakasakay sa sasakyan.

"What? Paglalakarin mo ako?"- tanong ng lalaking nasa sasakyan.

"It depends. Kung may isip ka naman pwede kang mag commute, pero kung wala, sige mag lakad ka."- sagot ng dalaga sa binatang naka sakay sa sasakyan.

"Don't be so harsh. Ihatid mo nalang ako."- pagmamakaawa ng binata. "Don't be so rude Nics. Sa tagal nating hindi nagkita mas lalo kang naging maldita. Oh come on ihatid mo na ako"- dagdag ng binata.

"Ano ako bodyguard mo? No way. Ang layo kaya"- angil ng dalaga at umikot para buksan ang drivers seat.

"Pinagbuksan kita mahiya ka naman. Wag mo nga akong lokohin alam kong may pinasunod ka na magsusundo sayo"- dagdag ng dalaga na ikina kamot ng ulo ng binata. Napakamot siya sa ulo niya at lumabas na. Sumakay na ang dalaga sa sasakyan pero hindi padin naka sara ang pintuan ng kotse niya.

"What? Maaga pa you can go malling or what habang iniintay ang sundo mo"- suhesyon ng dalaga at mabilis isinara ang pintuan ng sasakyan niya.

Tumaas ang sulok ng labi niya at naiiling na pinaandar ang sasakyan niya.

Habang nagdadrive ay biglang tumunog ang telepono niya. Sinuot niya ang wireless earphone niya at sinagot ang tawag.

"Wae? (why?)."- bungad niya sa kausap niya.

"Where are you? Are you going home? Ipapasundo na---- Tell Patrick that i want steak for dinner"- putol ng dalaga sa pagsasalita ng lalaki sa kabilang linya. Magsasalita pa sana ang lalaki ng babaan niya ito ng tawag.

Muli nanamang tumunog ang telepono niya kaya naman pinindot niya ang tablet na nasa gilid ng manibela na naka konekta sa cellphone niya. Bumungad sa screen ang message doon ng unregistered number.

'Dr. Park. Umuwi ka na ba? Si Ellon to'

Mabilis niyang basa. Hindi niya na ito pinansin at nagmaneho nalang.

Gulat na napatingin sakanya ang guard na naka bantay sa labas ng village.

"Princessa? Bakit po kayo ang nagmamaneho? Asan ang sundo mo?"- tanong ng Guard sakanya.

"I don't know. Akala ko nga susunduin nila ako"- sagot ng dalaga sa Guard.

"Sige pasok na po kayo. Akala ko lang po kung sino"- tumango lang ang dalaga at sinara ang bintana ng sasakyan niya.

Nang maiparada na ng dalaga ang sasakyan niya ay mabilis siyang bumaba sa sasakyan niya. Nag bow sakanya ang mga tauhan nila na nasa labas.

"Princessa? Akala ko mamaya pa kayo babalik kaya hindi namin kayo nasundo. Pasenya po kamahalan"- yumuko ang lalaki.

"It's ok. I'm safe kaya ok lang."- sagot ng dalaga at pumasok na sa loob ng mansyon.

Nadatnan niya si Aric na naka upo sa sala habang nanonood. Napatayo si Aric ng makita niya ang dalaga.

"You're here? I thought mamaya kapa"- napairap ang dalaga sa bungad sakanya ni Aric.


"Handa na ang Hapunan Princessa!"- masiglang sigaw ni Eva sa princessa. Napahinto din si Eva at napaayos ng tayo ng mapagtanto niyang nakatingin ang lahat sakanya.


"Pasensya na he he"- paghingi ng paumanhin ni Eva at lumabas.



Nilagpasan niya lang si Aric at nagtungo na sa Dining table.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon