Chapter 20

1.4K 61 0
                                    


Julia's POV

Hindi na namin naabutan si Shi Ho kaya umuwi nalang kami.Hinatid na muna ako nila Primo sa bahay at nagsiuwian na din sila.Parang saglit lang tuloy kami dun.Isa o dalawang oras lang ata kaming andun.

Naghilamos na muna ako at chaka tumuntong sa kama ko para matulog.

---

Kinabukasan nagising ako dahil sa sunod sunod na pagkatok.

"Ang aga naman nila Zane"- nakapikit kong sabi.May pasok ba ngayon?

"Give me 5 minutes morons! Mamaya na tayo pumuntang HO!"- sigaw ko at nagtalukbong ng unan.

"Julia Hija gumising ka na malalate ka sa pagpasok"- napamulat ako at napabalikwas sa kama ko.

"Aish!"- ginulo ko ang buhok ko at tumayo.

Nasa bahay ka wala ka sa DU Julia! Naalala ko kasi sila Seth na laging katok ng katok sa kwarto ko nun.Bat ba bigla ko nanamang naalala ang masasayang araw namin? Psh.

Bumaba ako dahil nakabihis na ako uminom nalang ako ng gatas at chaka lumabas.


"Iniwan ka na ng Kuya mo"- natatawang sabi ni Manang. Ok lang.

"Nga pala may nagpunta dito. Kaibigan mo daw naka motor"- tumango lang ako. Nauna na daw si Kuya akala daw kasi ni Kuya hindi ako papasok pero may pumunta daw dito na kaibigan ko na naka motor.Sino naman yun? At kelan pa nagmotor yung tatlong lalaking yun.

Nadatnan ko sa labas si Primo na nasa loob ng sasakyan nakabukas ang bintana at iniintay akong lumabas.

"Late na tayo dalian mo"- nagmadali na ako at pumasok na sa Kotse ni Primo agad niya naman tong pinaharurot.

"Nagpunta kayo sa bahay? Naka motor?"- tanong ko na nakatingin kay Primo.Mabilis naman siyang umiling.

"Kelan pa ako nagka stalker?"- takang tanong ko.Sino kaya ang pumunta sa bahay na naka motor.

Hangang makapasok kami ng room ni Amber ay palaisipan padin sakin yung nagpunta daw sa bahay na naka motor.Hindi kaya isa yun sa tauhan ni Santi? Alam na yung bahay ko?! Patay ako neto!

"Ay patay! Ano ba?!"- gulat akong lumingon kay Amber ng gulatin niya ako.Napatingin dito samin yung iba kong kaklase dahil sa pagsigaw ko.

"Anong patay ka jan! Kanina ka pa tulala jan.What's bothering you?"- tanong ni Amber.Humarap naman ako sakanya.Tinignan ko muna sila Cassy na nakatingin samin.Nilapitan ko nalang si Amber at umupo sa sahig para kausapin siya.

"May nagpunta daw sa bahay na naka motor.Tinanong ko si Primo kung may nagpunta ba sa inyo sa bahay kanina hindi naman daw"- paliwanag ko.Nakikinig ba ang isang to? Panay lang ang pagtingin sa kuko niya eh.

"Baka naman napadaan lang at nahinto lang sa may tapat ng bahay niyo"- nakatuon padin siya sa kuko niya.Gupitan ko tong kuko niya eh!

"Sabi ni Manang kaibigan ko daw.Kelan pa kayo natutong magmotor?"- para akong tangang nagsasalita dahil hindi siya nakatingin sakin.

"Wala lang yun.Nag ooverthink ka lang"- ssgot niya.Inirapan ko lang siya.

"Ang inaalala ko baka tauhan ni Santi yun.Nag aalala lang ako sa mga madadamay sa bahay kung masigurado ko na tauhan nga ni Santi yun"- paliwanag ko.

"Tumayo ka na nga jan makita ka nila Ace na nakaupo jan.Tara ikain mo nalang yan"- Mag uuwian na ah? Kakain padin?

"Dalhin na natin ang bag natin.15 mins nalang bago mag uwian"- kinuha ko ang bag ko at nauna ng lumabas.Tinignan pa kami ng mga kaklase namin.Hindi namin ito pinansin at lumabas na.

Nang matigil kami sa may room ni Ace ay agad namin siyang nakita katabi si Zane sinenyasan namin ito na lumabas na at isama ang bag dahil wala naman silang teacher.

"Ang aga ng uwian natin ah"- nakangiting sabi ni Zane habang naka sabit ang bag niya sa balikat niya akala mo kung sinong maangas naka bukas pa ang polo niya.

"Daanan na natin si Primo"- tugon ni Amber at naunang bumaba.Nasa 2nd floor palang kami ng makita namin si Primo na tahimik na naglalakad.

"Lonely?"- pambibiro ni Amber.

"Papunta pa nga lang ako sainyo eh"- sabi niya at napakamot sa batok.

Sabay sabay na kaming nagpunta sa Cafeteria uminom lang kami ng C2 tas tumambay dun.Iniisip ko padin talaga kung sino yun eh. Pwede ding tauhan ni Santi.Kasi wala naman na akong kaibigan bukod kila Ace at kila Kuya? Tama baka isa sa kaibigan ni Kuya pero parang impossible? Bat naman sila mapapadaan dun eh pwede naman silang pumasok at chaka kilala naman sila ni Manang.Eh sino ba kasi yun?.I had all these questions running inside my head.

Natigil lang ako sa pag iisip ng sabay sabay tumunog ang cellphone nilang apat.So hindi ako belong?

"Hindi ako belong?"- nakataas kilay kong tanong.Agad naman nila iyong binasa.

"Mauuna na kami Julia pinapatawag daw kami ni Lucas"- nakatayo na si Primo at handa ng umalis.

"Bat hindi ako kasali?"- naka pout kong sabi.

"Dito ka nalang muna antayin mo ang kuya mo para sumabay"- bilin ni Ace at pinat ang ulo ko bago lumabas.

Ano kayang meron? bat busy ang mga iyon? Hindi talaga ako kasali? Tss.Napatingin ako sa fiber glass ng nagsisilabasan na yung mga estudyante tinignan ko rin ang wrist watch ko at chaka lumabas.

Nasan kaya sila Kuya? Hindi ko makita baka nasa Parking Lot.Binilisan ko ang paglakad ko para maabutan sila Kuya ng makarating na ako sa Parking Lot napangiti ako ng makitang andun pa sila Kuya.Nahagip naman ng Mata ko sila Ace na may kausap na lalaki hindi ko ito makita dahil nakatalikod.Kelan pa sila nagkaroon ng kaibigan?

Napalingon naman silang apat dito sa gawi ko at nginitian ako yung nakakalokong ngiti.Magsasalita sana ako para pagalitan sila ng dahang dahang humarap yung lalaking kausap nila at sa hindi inaasahan nabitawan ko yung hawak kong C2. At sa pangalawang pagkakataon nakita ko nanaman siya.

Third Person's POV

Napatingin ang lahat kay Julia dahil sa ingay na ginawa niya.Pati ang Kuya niya at mga kaibigan nito na aalis na sana ay napatingin dito.

Nakangising humarap ang binatang kausap lang nila Ace kanina at sa pangalawang pagkakataon naiyak nanaman ang Dalagang si Julia habang nakatingin sa gawi nito.

"Julia"- tawag ng kuya niya sakanya pero hindi niya ito magawang tignan dahil nasa binata ang atensyon niya.Bumuhos na ang kanina pang luha na gustong lumabas sa mata niya ng magsalita ito.

"Aren't you gonna Hug me? Hindi moko namiss?"- nakapamulsang sabi nito habang nakangisi.

Sa pagkakataong yun taimtim na nakatingin ang lahat sakanya ang Kuya niyang dapat aalis na ay napatigil ng dahan dahang lumapit ang Binata sa dalagang si Julia.Nang makalapit na ito ay binigyan niya lang ito ng isang ngiti.

"B-bu-buhay ka?"- naluluhang tanong ng dalagang si Julia sa binata.

"Isn't obvious? The Gorgeous Seth Cortey is alive and his standing infront of you"

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Where stories live. Discover now