Chapter 76

131 3 2
                                    


Umalis na sila Dark sa parking lot dahil alam nilang matatamaan sila ng pagsabog. Agad niya nang pina andar ang sasakyan niya at dali daling lumabas. Yung ibang floor lang ang pasasabugin nila dahil gusto ni Julia na makitang nasira den ang pinaghirapan ni Santi. Hindi din nila pwedeng sirain ang lahat dahil baka mawalan sila ng ebidensya kung sakaling pumanig sakanila ang kapulisan. 

Naka abang na din ang ibang mga tauhan nila sa kung anong mangyayari. Kumunot ang noo ni Dark ng makita niyang papalabas si Primo at Aric.

"Nasaan si Julia?" Tanong ni Mirco. Mukhang naguguluhan din kagaya ni Dark at Ace. Hindi sumagot ang dalawa. Inihiga ni Aric sa sasakyan ni Dark ang babaeng dapat magiging human subject ni Santi.

"Nasaan si Nicole?" Tanong ni Ace sa dalawa, hindi ito sumagot nilabas lang ni Primo ang device kung saan oras na mapindot niya yon sasabog ang mga exploading device na nasa loob.

"Anong ginagawa mo?! Nasa loob pa si Nicole!" Sigaw ni Dark at pilit na inaagaw sakanya ang device.

"Bakit niyo siya iniwan?!" Galit na tanong ni Mirco. Kinwelyuhan niya si Primo agad siyang sinamaan ng tingin ni Primo at inalis ang kamay.

Julia's POV

Hindi ako nakapalag ng bigla nalang akong itali ni Santi sa may poste, sa sobrang pagmamadali niya hindi niya napansing maluwag ang pagkakatali niya. Isa talagang tanga kahit kailan.

"Sige pasabugin niyo ang building ko, kasama ka padin sa sasabog!" Sigaw ni Santi sakin at halatang nang gigigil.

"Akala mo makakatakas ka? Mamamatay ka din Julia, mamamatay ka kagaya ng mga kaibigan mo at ni Seth." Mas lalo akong nainis sakanya nang marinig kong lumabas sa bibig niya ang pangalan ni Seth. Hinayaan ko lang siya at hindi pinahalatang kayang kaya kong tumakas sa pagkakatali niya.

Tumawa lang si Santi at tumalikod na, doon na ako nakakuha ng pagkakataong tanggalin ang taling itinali ni Santi sakin. Hindi ko pa pwedeng mapatay si Santi gusto ko magdusa siya sa kulungan kasama ng mga kasabwat niya.

"Ngayon na Primo." Utos ko kay Primo. Hindi ko na narinig si Primo tumakbo ako kay Santi at sinipa siya. Agad naman akong tumakbo huli na ng mapagtanto kong nasa 3rd floor ako, natanaw ko pa si Santi na palabas sa main door ng building niya.

Gamit ang natitirang lakas ko binasag ko ang salamin na nasa gilid ko, hindi ko na nainda ang sakit inilabas ko ang tali ko na may hook at hinagis yon kung saan may makakapitan.

"Pasabugin mo na Primo nakalabas na ako." Narinig ko pang nagbilang si Primo. Bago pa mag tatlo ay nakatalon na ako, kasabay non ang malakas na pagsabog. Dahil sa lakas ng pagsabog nakabitaw ako at nahulog sa may isang sasakyan.

Ininda ko ang sakit na naramdaman ko. Dahan dahan akong tumayo at inayos ang sarili ko. Hindi pa pwedeng makawala si Santi. Bumaba ako sa taas ng sasakyan at lumabas ng parking lot. Sira sira na din ang parking lot, may mga tao den na nagtatakbuhan dahil sa gulat nila.

Tumakbo ako palabas at hinanap ng mata ko si Santi. Agad ko siyang nakitang tumatakbo papunta sa sasakyan niya hindi na 'ko nag aksaya ng oras at dali daling sinundan siya. Napatigil ako ng biglang may humila sa braso ko. Sinamaan ko ng tingin si Mirco pati nadin si Dark.

"May mga galos ka anong ginagawa mo?!" Galit na tanong ni Mirco. Hindi na ako nagsalita at mabilis na inagaw ang kamay ko, kahit may mga dumadaang sasakyan binilisan ko ang pagtakbo ko para mahabol si Santi.

Nakasakay na siya ng sasakyan ng makarating ako sa sasakyan niya kaya naman ang ginawa ko ay umakyat sa bubong. Napadapa ako ng umandar ang sasakyan ng mabilis. Bwesit!

Gamit ang katana ko sinubukan kong butasan ang sasakyan niya upang may mahawakan ako, nagtagumpay naman ako kaya kumapit ako don. Napalingon ako sa gilid ng makita ko ang sasakyan ni Genesis doon inaabangan ako kung sakaling may mang yari.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon