Chapter 56

702 26 0
                                    


Flashback.....

Isang taon...isang taon ang lumipas simula ng maging maayos ako. Nakakatayo na ako...nakakalakad. At higit sa lahat maayos na ang mukha ko.

Akala ko mamamatay na ako. I'm thankful dahil may nakakita sakin. That's King Laurence. Siya ang kaisa isang taong tumulong sakin. Sabi nila nung makita nila ako hindi na daw ako makilala dahil sa nasira kong mukha dahil sa pagkakasabog. Kalahating mukha ko lang naman ang hindi makilala nun.

Ilang buwan matapos ang surgery nahanap ako nila Amber. Hindi daw sila natahimik hinanap daw nila ako kung saan saan. Thanks to Nexus Organization nahanap agad nila ako.

They decide to stay with me habang nag papagaling. Nagpapasalamat ako at hindi nila ako iniwan. Kaya kasama ko sila sa Palasyo. Na amazed ako sa kagandahan dito sa Korea lalo na sa palasyong to. Ngayon ko lang napuntahan ang bansang to.

Napalingon ako sa pintuan ng pumasok ang Hari. Nakangiti siyang lumapit sakin.

"My beautiful daughter...." Napangiti ako. Simula ng mapaayos niya ang mukha ko tinatawag niya na akong Anak. Dahil na din siguro kamukha ko si Nicole yung anak niyang namatay.

Nung nahanap daw nila ako sa bangin. Nagbakasyon pala ang hari sa Pilipinas dahil kakamatay lang ng anak niya. Nag papasalamat ako sakanya dahil ginawa niya ang lahat para lang makaligtas ako.

"You really look like my Daughter." Nakangiti siyang tumingin sakin.

Inaalok niya akong maging anak niya. Hindi kasi alam sa buong Korea na namatay na ang Princessa. Hindi ko naman siya masagot agad dahil alam kong babalik din ako sa Pilipinas. Iiwan ko din naman siya. Ngayon ako nagsisisi sa pananaray ko kay Kuya. I really missed him.

"Did you made your decision?" Tanong niya sakin. Napayuko lang ako.

"It's ok. I'll wait for your decision. Let's go. You're friends are waiting."- inalalayan niya ako hangang sa makababa na kami.

"Anong balita?" - tanong ko sakanila.

"Hindi pa namin siya makita."- sagot ni Hailee. Pinakalma ko ang sarili ko. Kailangan hindi ako mawalan ng pag asa.

"Don't worry, hindi kami titigil hanga't hindi namin nakikita si Seth."- sabat ni Zane.

Hindi pwedeng mawala si Seth....Hindi pwedeng wala ang sasakyan ni Seth don. Kasabay namin si Seth ng mahulog kami sa bangin.

"By the way. May balita na ba kayo kay Kuya? Sigurado akong nag aalala na siya. Kelan tayo babalik sa Pilipinas?"- tanong ko sakanila na ikina tahimik nila at nag tinginan.

"Why?"- tanong ko dahil natahimik sila.

"She need to know the truth."- napalingon ako sa Hari ng magsalita siya. Anong dapat kong malaman.

Kinuha ni Primo yung ipad na naka patong sa sofa. May pinindot siya doon. Bigla niyang Inabot sakin yung Ipad.

"Is it true na patay na si Julia Mendoza?"- tanong ng reporter.

"Anong pinag sasabi nila. I'm not dead for pete's sake!"- singhal ko habang nakatingin sa ipad. Tinignan ko ang mukha ni Kuya. Iniintay ko siyang magsalita.

"Yes....she's...she's dead. My sister is dead. We just found out. Alam naming siya yun dahil nakita ko pa yung favorite niyang relo..... Hindi na namin siya makilala dahil sunog na sunog na ang katawan niya....Nung una hindi ako naniniwala dahil pakiramdam ko hindi yun si Julia. Pero nung makita ko yung mga gamit niya....parang gumuho ang mundo ko. It's my sister. My beloved sister."- Nasa kalagitnaan palang ng pag sasalita si Kuya. May tumulo ng luha sa mga mata ko.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Where stories live. Discover now