Chapter 55

866 27 1
                                    


Maagang nagising si Nicole para mag work out. Mamaya pa naman ang rehersal niya kaya mag wowork out muna siya.

Nagsuot na siya ngayon ng Loose Sleeveless na malaki ang butas sa gilid kaya kitang kita ang suot niyang sports bra. Pagkatapos niyang magsuot ng sapatos niya ay mabilis siyang lumabas.

Bumungad sakanya si Mimi. Maagang nagising si Nicole para mag work out. Mamaya pa naman ang rehersal niya kaya mag wowork out muna siya.

Nagsuot na siya ngayon ng Loose Sleeveless na malaki ang butas sa gilid kaya kitang kita ang suot niyang sports bra. Pagkatapos niyang magsuot ng sapatos niya ay mabilis siyang lumabas.

Bumungad sakanya si Mimi. Nagbow lang si Mimi sakanya pagkatapos ay sabay silang bumaba ni Mimi.

"Nakahanda na ang breakfast kamahalan."- nakangiting sabi ni Mimi kay Nicole. Sumilip muna si Nicole sa mga pagkain na nasa lamesa.

"Kailangan niyo po munang kumain bago magpunta sa pupuntahan niyo. Uminom na po kayo ng gatas."- paalala ni Mimi kay Nicole. Walang nagawa si Nicole kaya naupo siya sa upuan at sinimulan ng kumain.

Pagkatapos kumain at uminom mabilis tumayo si Nicole at lumabas. Naramdaman niya namang naka sunod si Aric sakanya.

"Mag g-gym ka?" tanong ni Aric mula sa likod niya.

"Nope. Mag a-archer ako." maikling sagot ni Nicole kay Aric at lumabas.

Sumalubong naman si Butler George sakanya at nag bow.

"Naka handa na ang golf cart kamahalan." saad ni Butler George. Naikot ni Nicole ang mata niya ng marinig niyang tinawag siyang kamahalan.

Naglakad nalang siya palabas hangang sa makalabas sa gate. Mabilis sumakay si Nicole sa Golf Cart at mabilis din itong umandar.

Nang huminto ang golf cart sa may malaking field kung saan naka ayos ang mga pang archer ni Nicole. Bumaba siya mula sa Golf cart at dumiretso sa may bench doon at inayos ang suot niyang rubber shoes.

Pagkatapos ay dumiretso siya sa may basket kung saan andun ang bow and arrow niya. Nang kunin niya ito napa taas ang kilay niya at humarap sa mga taga bantay niya at naka assign sa mga gamit niya.

"Hindi to akin." seryosong sabi ni Nicole. Napatingin naman si Aric at Butler George sa mga naka sunod na lalaki sakanila. Napatingin din sila sa mga lalaking nagbabantay doon.

"Nilinisan po namin yung inyo at namali po kami ng hawak kaya naputol yung string. Sorry po Princesa. Hindi na po mauulit."- naka yukong sabi ng lalaki. Napataas ang kilay ni Nicole at napapikit. Alam nilang matagal ng iniingatan ni Nicole ang gamit na iyon pero nasira pa nila. May sentimental value kasi yun kay Nicole kaya todo ingat siya doon. Naiinis siya pero hindi niya ipinapakita.

Nawalan na siya ng ganang mag archer kaya naman naglakad siya pabalik sa golf cart na sinakyan niya kanina.

Pagkabalik na pagkabalik sa bahay ay umakyat agad siya sa kwarto niya para magbihis dahil may rehersal pa siya ngayon.

Pagkatapos niyang magbihis at mag ayos ay kinuha niya ang bag niya at bumaba.

"Ang bilis mo naman atang bumalik."- bungad sakanya ni Aric at sabay silang naglakad papuntang garahe. Bago pa makapaglakad si Aric hinarang na siya ni Nicole.

"I'll drive"- maikling tugon ni Nicole. Magsasalita pa sana si Aric ng iharang ni Nicole ang kamay niya sa mukha ni Aric. Tumahimik na si Aric kaya naman naglakad na si Nicole papunta sa sasakyan niya.

Agad siyang pumasok at agad niya ding pinaandar ang sasakyan niya.

Habang nag mamaneho biglang tumunog ang telepono niya kaya naman agad niyang pinindot ang pindutan sa may tabi ng manibela niya.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Onde histórias criam vida. Descubra agora