Chapter 43

996 38 1
                                    


Hiyawan. Ilaw. At kung ano ano pa ang makikita sa buong Arena. Wala pa ang Pixies ay mga humihiyaw na sila.

"Pixies! Pixies! Pixies!"- hiyaw ng mga tao.

Rinig na rinig sa backstage ang mga taong nag hihiyawan kaya naman mas lalong naeexcite yung tatlo.

"Wear this"- sinuot ni Ace sakanila yung earpod na nakokonekta kay Zane na nasa control room na.

"5mins!"- sigaw sakanila ng Manager nila. Inayos na nila ang sarili nila. Nicole was hot wearing her all black outfit. Isama mo pa ang buhok niyang hangang pwetan na. Pati sila Amber ay ganon kahaba ang buhok.


Mas lalong lumakas ang hiyawan ng marinig nilang ang boses ng idolo nila. At mas lalo pang lumakas ng lumabas sila habang kumakanta.

Habang sumasayaw ay kumakanta sila.

"Philipines! We want yah"- sigaw nila sa unang intro ng kanta nila.

Sa huling parte ng concert magisa nalang si Nicole at iba na ang suot nitong damit. Polo longsleeve na may black ribbon sa gitna na tinak-in sa black skirt na may silver line sa isang gilid nito.

Oraenmane natana wae nae namja yogiya
Naega mwoga akkawo nan niga antakkawo

Nakangiti siyang kumakanta sa harap ng maraming tao. Kinakawayan niya ang mga ito habang kumakanta. Nilalapitan niya din minsan mula sa stage.

Chabeoril ttaen eonjego dasi doraorago
Mot bon sai michin geoni gil makji malgo ga

Shut up shut up shut up yeah u
Shut up shut up shut up (just go)

Mas lalong naghiyawan ng kumanta na ang paborito nila na si She Yi/Nicole.

Yeah yeah yeah yeah yeah yeah neon oneulloseo
Yeah yeah yeah yeah yeah yeah nae aneseo
Yeah yeah yeah yeah yeah yeah oh~ wanbyeokhi kkeutnasseo

"She Yi! She Yi! She Yi!"

"Park She Yi! Park She Yi!"

"Thank You Philipines!"- sigaw ni Nicole ng matapos na siyang kumanta.

"Maraming salamat sa walang sawang pagsuporta samin. Thank you! We love you philipines!"- sabay sabay nilang sabi na ikina palakpak at hiyaw ng mga tao.

Pagkatapos ng concert nila mabilis silang nagpunta sa backstage. Habang papuntang dressing room nila ay dahan dahang tinatanggal ni She Yi ang hair extension niya. Nang matanggal niya na ay maingat niya itong hinawakan at nilagay sa lalagyan. Kinuha naman na yun ng PA niya at maingat na hinawakan. Hindi na siya nagtanggal ng damit niya at mabilis kinuha ang bag niya.

"Eodi ga? (Where are you going?)"- tanong ni Hailee sakanya.

"I have an appointment today. Pupuntahan ko si Tyler sa Ospital"- sagot niya habang inaayos ang laylayan ng polo niya.

"I have to go too"- sabat ni Ace na kakarating lang sa pwesto nila.

"Where's Zane?"- tanong ko.

"Papunta na dito. Siya ang sasama sayo"- bilin ni Ace kay Nicole.

"What about me? You'll leave me here? Lahat kayo may appointment"- pagmamaktol ni Hailee. Kakatapos niya lang magbihis.

"Go with Amber. Asan ba siya?"- tanong ni Zane sakanya na kakadating lang din.

"Kabute ka pre? Bigla bigla ka nanamang sumusulpot ah"- panunukso ni Ace sakanya.

"Kinidnap ni Primo si Amber"- nakasimangot na sabi ni Hailee.

"Sumama ka na nga samin. Dalian niyo baka maabutan tayo ng mga fans niyo sa baba"- nakapamulsang sabi ni Zane.

Hindi na sila nagtagal at nagtungo na sa elevator. Pagbukas na pagbukas ng pinto ng Elevator sakto namang kakapasok lang ng sikat na model na si Mirco kasama ang iilan sa mga kaibigan niya.

Hindi maalis sa mata ng binata ang dalagang si Nicole. He reminds something. Naka shades si Nicole kaya hindi niya makita ang mga mata nito.

"What a coincidence ang sikat na grupo nakasalubong namin at nakasabay namin sa elevator. Nakaka tuwa naman"- natutuwang sabi ni Bea. Napalingon sakanya si Zane at Hailee samantalang naka tingin lang sa pintuan ng elevator si Nicole. Pag hindi niya kilala lalo na na nakasabay niya hindi niya tinitignan.

"Just wear your shades. Maraming cameras sa baba. Im sure puro flash yun"- suhestyon ni Zane kay Nicole. Tumango lang si Nicole sakanya.

"Manager Ty. Wala ba tayong trabaho?"- may halong sarkastic na tanong ni Mirco. Si Zane ang nakaaway niya na Manager dahil sa pag uugali niya. Ayaw din kasi ni Mirco sakanya dahil kaibigan siya ni Julia. Si Zane ang dati niyang manager na sumuko agad sakanya at nag ka sagutan dahil sa paguugali ni Mirco.

"Ikaw wala ka bang trabaho? Magtrabaho ka naman hindi yung Manager mo ang gumagawa ng pera mo"- sagot ni Zane na may halong pang iinsulto. Napangisi lang si Mirco habang yung mga kaibigan niya ay natatakot na sa kung anong maaaring mangyari.

"Ah...She Yi. Ang ganda ng buhok mo. Maiksi pala yan."- pangiiba ni Bea ng topic. Lumingon ng onti si Nicole sakanya at ngumisi.

"Nagbalik na pala yung mga kaibigan mo. Sabagay naka ginhawa na pala sila. Pinatay lang naman nila si Julia para makaalis at para magkapera diba tama----

Hindi na natapos ni Mirco ang pagsasalita ng kwelyohan na siya ni Zane na ikina gulat nila. Kahit si Nicole ay napatingin na.

"Zane!"-

"Mirco!"- sigaw ng mga kaibigan ni Mirco. Ngumisi lang si Mirco sa galit na mukha ni Zane.

"Bakit totoo naman diba. Kayo ang may kasalanan kung bakit siya namatay. Kayo ang kasama niya. Pagkatapos ng libing niya inalisan niyo siya na parang walang nangyari. Ngayon na mga Artista, Manger o kung ano pa kayo bumalik kayo. Bakit?! Para ipakitang hindi niyo na siya kaibigan. Diba? Sino na ang kaibigan niyo? Ang princessa? Pera ba ulit ang habol niyo sakanya ha----

Hindi niya na natapos ang pagsasalita ng tumama ang kamao ni Zane sa mukha niya na ikina tili ni Bea.

"Mirco ano ba! Nasa elevator tayo!"- sigaw ni Brian sakanya.

"Wala kang alam gago!"- sigaw sakanya ni Zane at sasapakin sana ulit si Mirco ng tumunog ang Elevator.

Binitawan niya si Mirco at mabilis na lumabas ng bumukas ang elevator. Buti nalang at walang reporters ang nasa labas ng Elevator. Sinuot ni Hailee at Nicole ang shades nila.

Tama nga sila at maraming tao sa may labas. Buti nalang at may naka bantay doon.

Nang makarating na sila sa kotse padabog na pumasok si Zane sa loob. Hinubad niya ang necktie niyang suot at hinagis sa harapan niya.

"Bwesit! Bwesit! Bwesit talaga ang lalaking yun!"- bwesit na sigaw ni Zane sa loob ng sasakyan.

"Hayaan mo na. Tara na"- aya ni Nicole sakanya na tahimik na naka upo sa pasengers seat sa tabi niya.

-------

"Hindi padin tama ang ginawa mo Mirco! Alam kong galit ka sakanila. Hindi padin tama yun. Walang magagawa yang galit mo sakanila Mico"- saway ni Mark sakanya. Tahimik lang siyang nakasandal sa Sofa sa Sala habang hawak ang labi niyang may pasa.

"Kung hindi pa siguro bumukas yung elevator nagpatayan na siguro kayo dun."- dagdag ni Bea.

Tumayo na si Mirco at umakyat sa taas. Hindi niya pinansin ang mga kaibigan niya. Napahilot nalang sa sentido si Mark sa inasal ni Mirco.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Where stories live. Discover now