Chapter 62

1.1K 34 23
                                    


Julia's POV

Kasalukuyan akong nagbibihis ng biglang bumukas ang pintuan ng kwartong tinutuluyan ko at pumasok mula doon si Seth at si Desha. Dali daling tumakbo si Desha sakin at niyakap ako.

"Hi mommy!"- masiglang bati ni Desha. Medyo sumigla na siya ngayon kumpara kanina. Napatingin din ako kay Seth na nakangiting nakatingin samin.

"Kanina pa siya dito?"- tanong ko kay Seth. Naupo muna si Seth sa upuan at chaka umiling.

"Hinatid siya ni Aric dito. Sabi ko kasi ihatid siya dito."- sagot niya. Lumingon akong muli kay Desha na nakaupo na sa sofa habang nakatingin sakin.

"Are you happy?"- natatawang tanong ko kay Desha, masigla naman siyang tumango.

Bago pa ako mag salita bumukas na ang pintuan at nagsi pasukan sila Hailee doon.

"Omo your here baby girl!"- dali daling lumapit si Hailee kay Desha.

"Hi."- bati ni Desha. "Call me Tita Pretty. Hihi."- sabi ni Hailee kay Desha na ikina tigil ni Desha.

"Hoy wag mong turuan mag sinungaling ang bata."- sabat ni Tyler. Lumingon si Hailee sakanya at inirapan siya.

"No. Tawag ko na yan kay Mommy Pretty eh. Tita ganda nalang po."- sagot ni Desha na ikina tuwa ni Hailee.

"Nag tatagalog siya?"- tanong ni Zane. "Narinig mo naman diba."- masungit na sabi ni Seth na ikina irap ni Zane. Kahit mag barahan silang dalawa ayos lang, sanay naman na sila noon palang.

"Ako nga pre wag mong binabara jan. ibara kaya kita sa inidoro, ano?"- maangas na sabi ni Zane kay Seth at tumayo pa. Hinahamon niya si Seth. Natawa nalang si Seth sakanya.

"Wag mo nga akong ginaganyan. Bakla ka naman eh."- natawa kami sa sinabi ni Seth at sa itsura ni Zane. "Baka pakitaan kita jan."- pang hahamon ni Zane.

"Wag na. Alam naman nating maliit lang yan."- at dun na kami natuluyang natawa. Si Hailee naman habang tumatawa tinatakpan ang tenga ni Desha.

"Mga walangya! May bata dito sa loob."- sita ni Ace nang tumigil siya sa pagtawa.

"What are you talking about?"- tanong ni Desha. Medyo bulol pa ang ilang salita niya. "Nothing baby."- sagot ko kay Desha at ngumiti.

"Natigil si Zane HAHAHAHA."- nagsitawanan ulit kami. Speechless HAHAHAHA. Nasa gitna kami ng pag tawa ng bumukas ang pintuan sumilip doon ang ulo ni Primo. Napatigil kaming lahat.

"Tawag na kayo ni Lucas sa conference room. Andon na din ang iba."- sabi ni Primo at mabilis na umalis.

Sinama na namin si Desha. Nang makarating na kami sa pintuan agad iyong binuksan ni Seth at sabay sabay kaming pumasok. Naka hawak sa kamay ko si Desha. Humawak din siya sa kamay ni Seth pag pasok namin.

Pagpasok namin napatingin silang lahat. Andito pa pala si Mirco, lumingon ako sakanya, seryoso lang siyang nakatingin sakin.

"Eto na ba yon?"- tanong ni Lolo habang nakatingin kay Desha. Agad namang tumango si Seth.

"Hello Desha, apo."- yumuko ng onti si Lolo para makita si Desha. "He's Lolo Lucas."- pakilala ni Tyler at tumawa. Nag si tawanan naman kami.

"Ikaw talaga Tyler pinapa tanda mo ako. Tatamaan ka saking bata ka."- Natatawang sabi ni Lucas na ikina tawa naming lahat.

"Napaka gandang bata."- tumingin sakin si Lolo at ngumiti. "Mommy is he your father?"- tanong ni Desha na ikina tahimik nila. Napatingin sila Mirco samin. She called me mommy. Ofcourse! magtataka sila especially Mirco.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Where stories live. Discover now