Chapter 4

1.7K 51 2
                                    

Julia's POV

Tahimik lang kami sa biyahe hangang sa makarating kami sa HQ namin.

Nang bumaba kami gulat kaming nakatingin sa HQ namin. Para kaming mga statwa na nakatayo sa labas habang naka tingin sa HQ.

"Sinara niyo ba lahat ng ilaw dito?"- tanong ko sakanila.

"Pinatay ko lahat"- maikling tugon ni Amber. Nag simula naman maglakad sila Zane papasok sa bahay.

"Dito lang kayo"- sabi ni Zane pero hindi kami natinag at sinundan sila.

"Ang tigas talaga ng ulo niyo"- mahinang sabi ni Primo samin. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Hindi naka lock ang pinto at bukas ang ilaw sa sala at sa taas. Hindi naman maaakyat to dahil napaka taas ng Gate at may kuryento to. At lalong hindi sila makaka daan sa likod dahil sa taas ng pader doon.

"Are you really sure na pinatay mo lahat Amber?"- tanong ulit ni Primo. Napairap nalang si Amber "Oo nga! sigurado akong pinatay ko lahat!"- pabulong niyang sabi.

"Bat buhay pa kami?"- tanong ni Zane na ikinatingin namin sakanya na ngayon ay tumatawa na.

"Pumasok na nga kayo ang ingay niyo jan"- napatigil kami ng may narinig kaming nagsalita. What the!

"Minumulto na ba tayo?"- takot na tanong ni Zane.

"Who's that? Mommy! may multo!"- nagtago agad sa likod ko si Amber na natatakot. Pati si Zane ay nagtago na sa likod ni Primo.

"Ano ba Zane. Bakla ka ba? umayos ka nga"- naiiritang sabi ni Primo.

"I wanna go home! May multo ata dito"- natatakot na sabi ni Amber. Tumataas na ang balahibo ko sa sinasabi ng mga to! puro sila multo! the heck!

Nanatili parin kami sa pintuan ng bigla itong bumukas na ikinatili ni Amber at ikinapikit ko.

"Ang ingay niyo! pumasok na nga kayo"- idinilat ko ang mata ko at tinignan ang nagsalita sa harap namin.

"Ace!?"- sigaw nilang tatlo. Is this real? He's alive!

"Buhay ka?"- naluluhang tanong ko. Ngumiti lang siya at tumango. Agad ko siyang niyakap.

"Pano ka naka ligtas? Asan sila? Asan sila Charlotte? Asan si Seth?"- sunod sunod kong tanong na ikinatigil niya.

"I'm sorry. Hindi ko sila nakita. Hindi ko sila naka sama lumabas. Hindi ko alam kung naka sama sila sa pagsabog sa labas sa school. Tinulungan lang ako ni Aron lumabas at.....At namatay siya"- paliwanag niya. Hindi ko alam ang gagawin ko bigla nalang akong nanlumo.

"What do you mean? may sumabog na bomba sa labas?"- rinig kong tanong ni Primo. Bigla nalang tumulo ang luha na kanina pa gustong lumabas.

"Huling kita ko kila Nathan ay nung maghiwalay tayo Primo para idistract ang mga yun. Isasama ko na sana sila paalis ng may biglang sumabog at hindi ko na sila nakita. Nang makalabas na ako nakita ko si Seth na nanghihina na pero nakikipaglaban padin...."- tumigil muna si Ace sa pagsasalita at dun na tuluyan bumuhos ang luha ko. May tama si Seth for pete's sake!

" ......Sinabi niya sakin na umalis na ako at sumunod na sainyo pero hindi ako umalis at tinulungan ko siya. Kahit na nanghihina si Seth dahil sa tama niya ay nagawa parin niyang lumaban para hindi kayo masundan. Nang magkahiwalay kami ni Seth biglang may sumabog sa sobrang usok hindi ko na nakita si Seth kaya lumabas na ako sa gubat"- bigla nalang akong naupo sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

"Julia im sorry. Hindi ko sila naligtas"- paghingi ng paumanhin ni Ace. Kahit si Amber ay umiiyak na din. Si Zane na paulit ulit na nagmumura at sinusuntok ang pader.

Bakit ba nangyayari to? Ang saya saya namin pero ano to? hangang dun nalang ba talaga kami? Kasalanan ko to kung hindi ako nagpumilit gawin ang plano hindi to mangyayari. It's my fault!

"Kasalanan ko to....Kasalanan ko to...."- paulit ulit na sabi ko habang umiiyak. Agad naman akong nilapitan ni Ace at niyakap.

"Hindi mo to kasalanan. Walang may kasalanan ok?"- sabi niya habang umiiyak ako.

----

Nagising ako dahil sa ingay sa labas. Nakatulog pala ako kagabi kakaiyak. Pagkatapos ng pagiyak ko kagabi ay umakyat na ako sa kwarto ko para magpalit.

Bumangon ako at tinitigan ang kabuuan ng kwarto namin ni Charlotte.

"Yah! wag ka ngang KJ! manood ka nalang"- sabi niya sakin habang hinahablot ang kumot na naka talukbong sakin. Ang ingay talaga ng babaeng to.

"Alam mo kanina ka pa ang ingay mo!"- sigaw ko sakanya at binato ko ng unan na ikinatawa niya.

Lagi kaming nagkukulitan ditong dalawa. Sa pag gising at sa pagtulog.

"Ang bagal mo maligo! dalian mo nga!"- inis kong sabi habang kumakatok sa CR. Napaka bagal maligo ng babaeng to.

"Teka! nanonood pa ako ng Porn!"- rinig kong sigaw niya at tumawa. Abnormak talaga ang babaeng to.

Para siyang bata pero napaka possesive ng babaeng yun.

"Woooy! Wake up! It's Saturday! It's time for work out!"- rinig kong sigaw ni Amber. Bahala siya jan

"Nag puyat nanaman ang dalawang yan"- rinig kong sabi ni Hailee.

Natahimik sila kaya pumikit na ako. Nagulat naman ako ng biglang may dumagan sakin. F*ck this women!

"What's wrong with you! ano ba! natutulog ako!"- sigaw ko kay Amber ng daganan niya ako.

"Hailee! ang bigat mo!"- rinig ko ding sigaw ni Charlotte.

"Ayaw niyong gumising eh"- sabi ni Amber.

"Inaantok pa kasi kami!"- sigaw ni Charlotte.

"Blake! Matthew!"- sigaw ni Amber kaya agad pumasok ang dalawa dito.

"Ano nanamang problema niyo?"- pakinig kong tanong ni Amber.

Hindi ko na narinig si Amber na nagsalita at nagulat nalang ako ng buhatin ako ni Blake na parang sako at dinala sa baba. Kahit si Charlotte ay binuhat ni Matt.

Bigla niya nalang kaming binaba sa may garden.

"Ano bang Problema niyo?!"- sigaw ni Charlotte sakanila. Tumawa lang sila.

Nagulat kami ni Charlotte ng kuhain nila ang hose at basain kami.Napatili nalang kami ni Charlotte sa gulat.

"Ano ha matutulog pa kayo"- pakinig kong sabi ni Amber habang binabasa kami.

Natigil lang sila ng nakita nilang basang basa na kami.

"Aww. Ang cute niyo jan HAHA"- sabi ni Amber at tumawa. Akmang lalapit sila ng makakita kami ni Charlotte ng pitchel na may yelo.

Nang lalapit na sila ay agad namin iyong binuhos. Nagtilian yung dalawa at napamura sila Blake. Tawa lang kami ng tawa ni Charlotte.

"Ang lamiiig!"- tili ni Hailee.

Napatingin naman kami sa lumabas na si Nate at Drix na may dalang tinapay at palaman na nutella at mayo.

"Ano ba yang ginagawa niyo pata kayong mga bata"- sabi ni Nathan habang naglalakad na may dalang tray.

"Ang common ng ginagawa niyo"- walang emosyong sabi ni Drix.

"Para daw tayong bata"- sabi ko habang papalapit kila Nathan. Mukhang alam na nila Matt ang gagawin kaya lumapit na din sila.

"Penge na"- sabi ko at kumuha ng tinapay at palaman. Hawak nila ang tray kaya may pagkataon na Haha.

Dinamihan ko ang palaman para masarap HAHA ng akala niyang kakainin ko yun ay bigla kong pinahid sa mukha niya ang nutella na ikana mura niya. Dahil hawak nila ang tray wala silang palag. Para ng tinapay ang mukha ni Nate at Drix dahil sa dami ng palaman sa mukha nila.

Nang mailapagna nila ang tray ay hinabol na nila kami para ipahid ang palaman. Basaan pahidan basaan at pahidan. Naubos ang palaman namin dahil sa pinag gagawa namin.

Tumulo nanaman ang luha ko. Kelan ulit kami magiging ganon? Kelan ulit kami magkakasama? Kailangan ko ng gumawa ng paraan. Baka pinaghahanap na kami ng tauhan ni Santi. Hindi ko na hahayaan na may mawala pa sa mga kasama ko ngayon.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Where stories live. Discover now