Chapter 58

813 26 0
                                    


Nauna akong umahon sakanila dahil nilalamig na ako. Lamigin na ako ngayon.

Napapatingin sakin yung mga lalaking andoon. Agad akong nagpuntang gazebo at nag punas.

Napatingin ako kila Zane na papunta na din dito.

"Hindi ako sasabay sainyong kumain ngayon."- sabi ko habang nag pupunas ng basa kong buhok.

"Bakit?"- tanong ni Tyler.

"Nakita niya kasi sila Leah Seryi. Niyaya siyang sumabay kumain sakanila."- paliwanag ni Hailee.

"Mag bihis nga kayo!"- sigaw ko sakanila habang sinusuot yung swimsuit cover ko. Nag posing pa muna sila. Akala mo ang lalaki ng mga katawan.

Lumingon ako kila Leah Seryi na tinatawag na ako.

"I need to go now. Kumain na kayo."

"Mag text ka ah."- pahabol ni Primo. Tumango ako at ngumiti.

Pagpasok namin sa Restaurant sabay sabay kaming naupo at nag order. Puro meat ang inorder ko ofcourse hindi ako kumakain ng seafoods.

Pagdating ng order namin napatingin sila sakin.

"Nicole, the seafoods here is so delicious. Wanna try?"- tanong ni Mina. Tinignan ko yung hawak niya na ibibigay niya dapat ng bigla akong umiling.

"I don't ate seafoods. May allergy kasi ako jan."- sagot ko na ikina tango tango niya at nilapag niya nalang sa plato niya yung hawak niya.

"Sayang ang sarap pa naman. Ang dami namang bawal sayo."- ani ni Mina habang ngumunguya. Ngumiti lang ako at kumain. Napansin kong nakatingin si Mirco sakin. Nginitian ko lang siya na ikina iwas niya ng tingin.

"The food here is really delicious, that's why I've always been here."- sabi ni Leah habang kumakain. Nagkanya kanya ding comment ang iba. So matagal na pala silang nag pupunta dito.

"I heard na iniwan muna to ng may ari."- sabat ni Robin na ikina tingin ko.

"Yeah. Mahigit four years na ata silang wala."- sabat din ni Mina.

Ano bang nang yari sainyo Tita Celestina. Nasan si Seth? Kasama ba talaga nila? Nang matapos kaming kumain nag kanya kanya kaming alis.

Hindi na muna ako pumunta sa Cabin ko, nagtungo ako sa favorite spot ko dito sa resort nila Seth. Ang mini falls na nakatago pa.

"Kayo ba ang nagpatayo nito?"- tanong ko kay Seth habang manghang naka tingin sa malinis na tubig at magagandang bulaklak.

"No....nanjan na talaga yan. Pinaganda nalang namin. My mom loves water very much. That's why she build this resort."- paliwanag ni Seth. Naks naman.

"Ganda noh? Pero mas maganda ka."- napatingin ako kay Seth na nakangiti. Hinampas ko siya sa braso na ikina tawa niya.

Napangiti ako ng maalala ko yun. Nawala ang ngiti ko ng maramdaman kong may papalapit sakin mula sa likod kaya naman tumalikod ako at sinalubong siya ng tingin.

"Ano nanaman bang problema mo?"- tanong ko sakanya habang naka crossed arm.

Hindi siya sumagot at mas lumapit pa sakin.

"You are my problem."- sagot niya ng makalapit na siya saakin. Tumaas ang sulok ng labi ko at napairap.

"Are you happy now? Are you happy na pinag mukha mong tanga yung mga taong naka paligid sayo?"- kunot noo akong napatingin sakanya. Ano bang pinag sasabi ng isang to. Magsasalita sana ako ng magsalita agad siya.

"Sa tingin mo hindi ko mapapansin? Sa tingin ko hindi ko alam? Wag mokong gawing tanga.....Wag mo kong gawing bobo, Julia."- Huling katagang sinabi niya na nag pataas ng balahibo ko. Kahit gulat at nagtataka ay hindi ko yun pinakita, ngumisi lang ako.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora