Chapter 7

1.4K 44 0
                                    

7
Julia's POV

"Ano to Julia? ano bang ginagawa mo sa sarili mo?! Kelan ka pa natutong sumagot sa Dean at sa Prof?!"- sigaw ni Kuya.Lumapit naman si Ate Serina kay Kuya at hinawakan ito sa braso para pakalmahin.

"Dalawang beses na pala to Julia!Dalawa! hindi lang nila sinasabi sakin dahil akala nila last mo na yun. Pero inubos mo yung pasensya ni Mrs.Atienza at sinagot mo!"- sigaw niya ulit pero tahimik lang akong nakikinig.

"Hindi ko sila sinagot. Nagsabi lang ako ng totoo"- proud kong sabi.

"Yan jan ka magaling! Nagiba ka na Julia. Hindi ka na yan! ano bang nangyari sayo.Anong nangyari sa pinasukan niyo?"- tanong ni Kuya na nakatingin kila Amber. Tinignan lang nila ako at tumahimik.

"Anong connect ng sarili ko sa dati kong school?"- naka crossed arm kong tanong. Napa hilot nalang si Kuya sa Sentido niya.

"Julia. Wag mo nalang muna sagutin ang kuya mo"- sabi ni Cassy.

"Hindi ko siya sinasagot!"- inis kong sigaw. Bat ba siya nangengealam.

Hindi ko nalang siya pinansin at nakita kong pumasok si Zane na may dalang dalawang plastic. How did he get in here? Tahimik siyang lumapit samin.

"Ace? kasama ka ba niya?"- tanong ni Kuya kay Ace.Hindi nagpapakita si Ace kay Kuya dahil magtatanong si Kuya kung bat nawala si Ace At ngayon lang nagpakita. Napatango nalang si Ace dahil sa wala din siyang maisagot.

"Saan kayo lumipat? Anong nangyari sainyo?"- tanong ni Kuya.

"Bat ba kailangan mo pa yang malaman Kuya"- iritado kong sabi kay Kuya.

"Bakit ba ayaw mong sabihin?! Bat ayaw mong malaman ko? May tinatago ka ba? Nabastos ka ba ng mga kaibigan mo kaya ayaw mong sabihin sakin?! May ginawa ba sila sayo?Bat ba ayaw mong sabihin!?"- agad naginit ang ulo ko sa sinabi ni Kuya.

"Teka nag kaka personalan na ata tayo dito"- sabi ni Primo dahil sa naririnig niya.

"Oo magkakapersonalan talaga tayo dito!"- galit na sabi ni Kuya. Agad akong napatingin kay Primo na nagigting panga.

"Primo calm down"- rinig kong sabi ni Amber para kumalma si Primo.

"Simula ng dumating ka kasama yang mga kaibigan mo naging ganyan ka. Naging masama na ang ugali mo! Naging bastos ka na. Na impluwensyahan ka na ng mga kaibigan mo. Julia Bad Influence sila sayo!"- sabi ni Kuya. I can't take this!

"How many times do i need to tell you na mabait sila! Wala kang karapatang sabihin yan sakanila dahil hindi mo naman sila kilala. Sila yung kaibigan na gagawin ang lahat mapasaya lang ako! Hindi mo alam kung anong ginawa nila mailigtas lang ako. Sinugal nila ang buhay nila mailigtas lang ako! Oo Bad Influence sila! Dahil na impluwensyahan nila ako! Naging matapang din ako katulad nila! Oo natuto ako sakanila! Natuto ako kung pano labanan ang lungkot! Natuto ako kung pano maging matapan. Natuto ako kung pano maging masaya! Sila ang nagturo sakin kung pano ngumiti. Hindi nila ako iniwan. At hinding hindi nila ako iiwan. Hindi lang sila kaibigan para sakin kasi......Kasi Pamilya na ang turing ko sakanila...."- unti unti ng tumulo ang luha ko ng mag flashback sa isip ko ang mga masasayang araw na ginawa namin sa DU.

Hindi ko na inintay ang sasabihin ni Kuya at lumabas na. Naramdaman ko namang naka sunod sila Ace sakin. Napaupo nalang ako sa damuhan dahil sa sakit na nararamdaman ko. Sinugal nga nila ang buhay nila para lang mailigtas ako. They fight for me. Bakit ngayon ko lang narealize! Para sakin ang ginawa nila! Sinugal nila ang buhay nila para lang sakin for pete's sake!

Naramdaman ko nalang na niyakap nila ako.

"I'm sorry. Kasalanan ko lahat. Kasalanan ko...."- This is b*llsh*t! Napaka sama ko!

"Wala ka sabing kasalanan Julia. Ginawa lang nila ang tama. Mahal ka nila. Mahal ka namin Julia"- pakinig kong sabi ni Amber.

Hindi ko sasayangin ang pagkakataong to. Hindi ko sasayangin ang sakripisyong ginawa nila.

----

Kasalukuyan akong nakahiga sa Kama ko. Ilang beses akong tinatawag ni Yaya Shiela para kumain pero sinasabi kong busog ako. Ayokong kasabay kumain si Kuya. Hindi ko nagustuhan ang mga lumabas sa dila ni Kuya kanina. Kahit na kuya ko siya wala padin siyang karapatang sabihin yun

Hindi ko alam kung pano natapos ang ginawa kong pag iyak kanina. Tumayo ako sa pagkakahiga at kinuha ko yung bigay na Katana ni Seth. Nadala ko to dito kaya lagi ko siyang nilalagay sa ilalim ng unan ko. Hindi naman to mawawala eh.

----

Mabilis lumipas ang araw at friday nanaman. Ilang araw ko ng hindi pinapansin si Kuya kaya pinapagalitan ako nila Primo dahil akala ko daw ay may ipagmamalaki ako dahil ilang araw ko na ngang hindi pinapansin si Kuya. Pinipilit nila akong pansinin na si Kuya pero binabalewala ko lang ang mga sinasabi nila.

Natapos din agad ako sa pag aayos at agad ng lumabas. Alas syete na ng gabi. Kinuha ko na ang cellphone at wallet ko at chaka lumabas. Naka Black na Jeans ako at White na V-neck at white na rubber shoes.

Pababa ako ng hagdan ng mapansin nila ako. Andito lahat ang mga kaibigan ni Kuya. Lahat sila.

"San ang punta mo Julia?"- tanong ni CJ nagsitinginan naman silang lahat.

"Mag sleepover ako kila Amber"- maikli kong tugon at naglakad na palabas.Nakita ko naman agad ang kotse ni Ace at agad akong sumakay.

"Asan sila?"- tanong ko ng paandarin niya na ang kotse niya.

"Pilipino ka talaga"- natatawa niyang sabi agad namang kumunot ang noo ko.

"Alam mo na ngang nasa Pavillion Ville magtatanong ka pa"- sabi niya napailing. Inirapan ko lang siya. Wala akong panahon sa kalokohan ng lalaking to.

Nakarating agad kami sa Pavillion Ville kung saan nakatayo ang aming HQ. Bumaba na ako sa sasakyan ni Ace at pumasok na sa loob. Nadatnan ko sila Amber na kumakain ng Pizza. Nagpa deliver nanaman ang mga to.

"Walang katapusan sa pag papadeliver?"- natatawa kong tanong. Tumango lang sila at tamad na tumingin sakin.

Umupo ako sa sofa at kumuha ng pizza. Nakabusog din naman to. Namiss ko to. Lalo na ang donut.

"Wag niyo akong ubusan! ako ang nag bayad niyan. Sabi niyo ambagan tas ako din pala pagbabayadin niyo"- parang batang nagmamaktol si Ace kaya natawa nalang kami.

Kumuha na siya ng dalawang slice ng Pizza at isang coke in can at naupo na.Maya maya pa kami aalis. Ngayon ang celebration ng Dark Venom.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Where stories live. Discover now