Chapter 40

1.1K 38 1
                                    


"Sa susunod na buwan ang Concert ng K-pop band dito sa pilipinas kaya hindi pa tayo makaka singit sa Modeling Show mo"- tahimik lang si Mirco habang nakikinig sa Manager niya.

"Stop chewing bubblegum Mirco! Makinig ka nga"- napatingin lang siya sa Manager niya at mabilis ding inalis ang tingin sa manager niya at itinuon ang atensyon sa cellphone nito.

"Nakikinig ako"- sagot ni Mirco habang ngumunguya ng bubblegum niya.

"Asan na nga ba tayo?"- tanong niya sa binata.

"Nasa Studio"- sagot ni Mirco na ikina hilot sa sentido ng Manager niya.

"Tawagan mo nalang ako. May lakad ako"- agad tumayo ang binatang si Mirco at mabilis lumabas. Wala ng nagawa ang manager niya dahil ganon naman palagi ang ginagawa ni Mirco.

Sumakay si Mirco sa motor niya at mabilis na nagtungo sa HQ nilang mag kakaibigan. Mas gusto niya ng mag motor kaysa mag sasakyan. Pag uusapan nila ang tungkol sa Restaurant nilang mag kakaibigan. Kinuha kasi sila Koreanong Hari para mag cater sa welcome party ng anak nito. Matagal tagal din kasing hindi naka balik sa pilipinas ang anak nito. Sampung taon ding hindi naka punta ang Princessa ng Korea sa pilipinas. Dito kasi sa pilipinas naka tira ang lolo nito. May palasyo din sila dito kaya pwede sila ditong mag tagal.

"Ang aga mo ah!"- bungad ni Bea kay Mirco.

"Hindi niya nanaman pinatapos ang manager niya"- sabat ni Troy na kakalabas lang galing CR.

"Ang baho naman Troy! Mag alcohol ka nga!"- sigaw ni Brian sa binata.

"Hindi ako tumae gago! Umihi lang ako wag kang tanga!"- sigaw din ng binata.

"Oy tama na yan. Naka handa na ang kakainin niyo!"- sigaw ni Peyton mula sa kusina.

Nagtungo silang lahat sa lamesa at nag siupuan sa upuan.

"May natanggap akong invitation"- panimula ni Mark.

"Galing Underground?"- natutuwang tanong ni Luhence.

"Mukha kang underground"- sabat ni Peyton habang nag susuklay.

"Welcome Party ng mga koreanong hilaw"- natatawang sabi ni Mark.

"Sino? Yung Princessa na may lahing pinay ba yun?"- tanong ni Brian habang kumakain.

"May lahi ba yun? Alam ko mas gusto niya lang sa pilipinas eh. Naalala niyo nung bata pa tayo diba nandito na yan. Tas sampung taong hindi na naka dalaw dito kaya ayun balak niya nanamang magpunta dito."- sabat ni CJ.

"At chaka may concert sila dito. Nood tayo ah"- nakangiting dagdag ni CJ.

"Hawig siya ni Julia noh?"- sabat ni Brian na ikina tahimik nila. Bigla nalang tumayo si Mirco at nagpunta sa favorite spot nito sa Gazebo sa labas ng Bahay nila. Mabilis na simaan ng tingin si Brian.

"Bakit? Oh! Sorry"- paghingi ng paumanhin ni Brian.

---------

Habang busy minimake upan si She Yi nag hahanap na ang stylist niya ng susuotin niya para sa interview nila.

"Arasseo (Okay)"- sambit ni Julia pagkatapos niyang maka usap ng manager niya.

Nagsipasukan naman na ang mga kagrupo niyang kanina pa nasa labas pagkatapos mag ayos. Napalingon si She Yi kay Amber dahil sa suot nito.

"Mwo? Wae? Waeyo? (What? Why? What is it?)" - tanong ni Amber na may halong panunukso.

Umiling iling nalang si She Yi at humarap na sa salamin. Pagkatapos niyang make upan tinawag na siya ng Stylist niya para isuot ang damit na susuotin niya.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Where stories live. Discover now