Chapter 2

2.1K 59 0
                                    

Julia's POV

"Asan ang ID niyo? at bat may kulay ang buhok niyong dalawa?"- turo ng guard saming dalawa ni Amber. Gaya ng kulay ng buhok ni Erris. Nagpakulay kami ni Amber ng Gray sa pinaka likod ng buhok namin makikita mo siya pag hinahangin yung buhok ko at pag nakatali.

Napalingon naman ako kay kuya na nasa likod namin.

"Goodmorning po Sir Mark"- bati ng guard kay kuya. So hindi ako kilala ng guard na to?

"Isang taon at kalahati lang siya nawala hindi mo na siya kilala. Si Julia yan Manong Guard"- sabi ni Kuya na ikina gulat ng guard.

"Pasensya na po! Ikaw pala Miss Julia. Gumanda ka po kasi kaya hindi kita nakilala. Pasensya na po"- agad na paumanhin ng Guard.Hindi ko nalang ito pinansin at humarap sa nagsasalitang si Zane.

"Dito na ako ah. Tawagan niyo nalang ako pag may kailangan kayo paliliparin ko yung kotse ko"- sabi niya at tumawa.

"By the way baka mapa trouble ang dalawang to Primo ah. Just call me"- sabi ni Zane at nag wink.

"Umalis ka na nga"- pagtataboy ni Amber. Natawa naman kami sa itsura ni Zane.

"Ako ng bahala sa dalawang to"- nakapamulsang sabi ni Primo. Naaalala ko sakanya si Seth.

"Ingat sila sayo"- sabi ko bago siya maglakad palayo

"Tekaaaa! Nasan ang yakap ko?"- tanong ko na ikinalingon nila saking lahat. Natawa naman si Zane at lumapit sakin.

"Baka magtampo ka eh hahaha. Tawagan mo lang ako ha. Magpaka bait ka."- tumango lang ako kay Zane.

Pagkaalis niya pumasok na kami at hindi pinansin sila Kuya.

"Kami nalang ang pupunta sa Dean's Office"- walang emosyon kong sabi.

"Sigurado kayo? "- tanong niya samin. Tumango naman ako.

"Sige dumiretso agad kayo sa room niyo"- bilin niya samin bago kami tumalikod at umalis.

Agad kaming kumatok sa may Dean's Office. Naaalala ko nanaman yung sa DU gantong ganto din.

"Goodmorning Julia"- nakangiting bati ng Dean.

"Eto ang schedule niyong tatlo"- sabi ng Dean at ngumiti. Hindi ko na inintay na magsalita pa siya at umalis na.

"Hindi natin kaklase si Primo"- tuwang tuwa na sabi ni Amber. Magagawa niya na ang gusto niya dahil hindi namin kaklase si Primo.

"Pwede sigurong magpalit tayo Julia para lang hindi kayo magkaklase dalawa"- sabi ni Primo pero agad namin siyang hinila.

"Wag na tara na. Baka malate pa tayo niyan eh"- sabi ni Amber habang nakahawak sa braso ni Primo.

"Ihahatid ko na nga kayong dalawa"- wala ng nagawa si Primo.

Agad ding umalis si Primo ng ihatid niya kami. Agad namang kumatok si Amber sa pintuan na nasa harap namin.

Wala pang ilang segundo ng bumukas ito at bumungad ang lalaki na nasa mid 40's na.

"You must be the new student. Come in"- pagpapasok niya samin.

Pumasok na kami at pina stay muna sa harap. Nahagip naman ng Mata ko ang hindi dapat mahagip. Hangang dito ba naman magkasama sila. Mirco and Cassy. Kumaway naman si Cassy sakin pero hindi ko ito pinansin.

"Mr. Kang may nakaupo ba jan sa tabi mo?"- don't tell me jan ako uupo.

"You. dun ka umupo and You sa likod ka that's final"- what the hell.

"Amber can we change seats?"- tanong ko kay Amber habang naglalakad pero patay malisya lang siya at dirediretso lang sa upuan na tinuro sakanya.

I have no choice kaya umupo na ako. Buti nalang hindi malapit ang mga upuan dito kaya hindi kami masyadong magka dikit.

Naaalala ko nanaman pag magkakatabi kami nila Seth napaka ingay namin.

Tahimik akong naka upo habang hawak ang kwintas ko.

Lumipas ang ilang oras at Break Time na

"Julia wanna go with us? Sabay sabay kami nila Kuya mo"- Aya ni Cassy sakin habang naka hawak sa braso ni Mirco. Hindi makatingin ng diretso sakin si Mirco well sila na siguro.

"May kasabay ako"- maikli kong tugon at lumabas na kasama si Amber.

"Ang tagal niyo"- maikling sabi ni Primo habang naka pamulsa.

"Primo can you.....Uhm....Can you just ...."

"Can you what?"- tanong niya ng mapatigil ako. Why am i being like this bigla ko nanaman siyang na miss.

"Can you.....Stop doing that it reminds me something"- mahina kong sabi na agad niyang tinignan ang kamay niyang nasa bulsa niya.

"I'm sorry Julia. Kahit kami namimiss na si Seth"- sabi ni Primo at ngumiti. Naramdaman ko nalang na pumatak ang luha ko. Agad namang lumapit si Amber sakin.

"Hey. Namimiss din namin siya sila. Sabi ni Seth gusto ka niyang maging masaya diba? Be Happy Julia"- nakangiting sabi ni Amber. Agad ko namang pinunasan ang luha ko at humarap sakanya at tumango.

"Tara na gutom lang yan kumain na kayo"- sabi ni Primo at inakbayan kami habang naglalakad.

"Ikaw kasi ang may kasalanan"- sabi ni Amber sabay hampas kay Primo.

Natawa nalang kami ni Primo.

Third Person's POV

Sabay naglalakad papuntang Cafeteria si Cassy at Mirco. Hindi mawala sa isipan ni Cassy ang nakita niya na parang umiiyak si Julia.

"Umiiyak ba si Julia?"- takang tanong ni Cassy kay Mirco.

"Malay ko"- cold na sabi ni Mirco.

"Malay ko malay ko ka jan! Nagaalala ka lang sakanya eh"- Pang aasar ni Cassy kay Mirco na nakuha pang tumingin sakanya.

"Oh ano bakit? Hindi ka kaya makatingin sakanya"- Sabi ni Cassy sakanya at tumawa.

"Kausapin mo kasi. Sabihin mo I miss you HAHA"- pang aasar ni Cassy agad naman siyang tumakbo ng hahampasin sana siya ni Mirco tumakbo din ang binatang si Mirco para habulin ang dalagang si Cassy.

Sa hindi kalayuan nakatayo si Julia kasama ang dalawa niyang kaibigan. Biglang nag iba ang paningin ni Julia at nakita silang dalawa ni Seth na nagtatakbuhan. Ganting ganto din sila noon.

Samantala,ang dalawang naghahabulan ay nasa Cafeteria na kasama ang mga kaibigan nila.

"Asan si Julia?"- Tanong ng Kuya ni Julia na si Mark.

"May kasabay daw siya eh"- Maikling sabi ni Cassy at umupo na.

"Pansin ko lang. Pansin ko lang talaga. Parang lumalayo na ang loob niya satin hindi na siya ganon ka close satin. Tas parang ang cold na niya"- paliwanag ng kaibigan nilang si Troy.

"Ayun si Julia oh with her friends"- turo ni Thea.

Julia's POV

Naglalakad kami papuntang Cafeteria ng makita ko sila Cassy na naghahabulan. Parang kami lang ni Seth.

Nang mawala na sila ay agad na kaming naglakad at pumasok sa Cafeteria.

"Maghanap na kayo ng table natin ako na ang mag oorder"- nakangiting sabi ni Primo.

Naghanap na kami ni Amber ng table at sa wakas ay nakahanap agad kami. Nahagip ng mata ko sila Kuya na nakatingin sakin. Hindi ko nalang ito pinansin at umupo na.

"First time na mag rerecess na hindi kumpleto"- nakapalumbabang sabi ni Amber.

Wala pang ilang minuto ng dumating si Primo dala ang mga pagkain namin.

"Let's eat"- sabi niya at umupo.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Where stories live. Discover now