Chapter 22

1.3K 45 0
                                    

Hi kay Claudine Cajandoc mwah!

Julia's POV

It doesn't matter kung andito sila Brian basta may gagawin ako. Pinaglololoko ba ako ng mga to? Underground daw pero nasa tahimik na high way kami.

"Anong ginagawa niyo dito?"- takang tanong ni CJ samin.

"May gagawin?"- Hindi siguradong sabi ni Zane na.

"Kayo bat kayo andito?"- tanong ni Seth sakanila.

"Illegal battle"- napalingon ako ng sabihin nila iyon.Alam ba nilang delikado yun?!

"Illegal battle?! Alam niyo bang delikado yun?"- mukhang hindi nga nila alam.Magsasalita na sana ulit ako ng may dumaang kotse tinignan ko ang suot kong relo at nakita yung Red Dot.Dumaan na si Shi Ho!

"Ano pang ginagawa niyo?!"- galit kong sigaw. Ano bang gagawin?! Aish! Nambibigla kasi sila eh!

"Sila yung kalaban natin"- agad napalingon sila Troy doon.

Hindi ko na inintay magsalita sila at bigla kong inagaw kay Seth yung susi ng motor niya.

"Julia!"

"Sundan niyo siya!"- rinig kong sigaw ni Amber bago ko paandarin yung motor.Buti nalang at marunong akong mag drive ng motor.

Hindi ko maiwasang mapalingon sa likod ng makita ko ang sasakyang sumusunod sakin.

"Wag ka ngang tumingin sa likod! Baka maaksidente ka!" - rinig kong sabi kabilang linya.Naisuot ko pala to.

"Sh*t!"- nasan sila?! Nahinto ako at tinignan yung relo ko.Wala yung red dot.Teka don't tell me...

"Bumalik ka na Julia! Nawala sila.Nawala na din yung inilagay mo sakanya"-  napasapo nalang ako sa ulo ko.

Hindi na ako nag antay pa ng sasabihin at bumalik na ako nasan sila.

"Crap! Ano bang pinag gagawa mo Julia?!"- napangiwi nalang ako sa sigaw ni Amber.

"Napaka tigas ng ulo mo! Wala kang dalang helmet Julia!"- galit na sigaw ni Ace.

"Oo na! Can we just go home?!"- singhal ko.Hinagis ko kay Seth yung susi ng motor niya magsasalita sana si Seth ng agad akong pumasok sa sasakyan ko at pinaharurot ito.

Sa Pavillion Ville na ako dumiretso dahil wala din namang tao sa bahay.Pumasok na ako sa HQ at ibinalibag ang sarili sa Sofa.

----

"Julia wake up"- rinig kong nagsasalita.Sino ba yun? Pano siya naka pasok sa kwarto ko.

"Give me 5 minutes please"- muli akong tumagilid at nagtalukbong ng kumot.

"Tumayo ka na jan"- ang aga pa.Uurong sana ako ng mafeel kong parang may harang agad akong napamulat at napabalikwas ng makitang nasa sofa ako.

"Anong oras na?"- tanong ko.

"It's saturday po. 8:00 AM"- muling naglakad si Amber at binuksan yung TV.

"Nakatulog pala ako"- kinusot kusot ko ang mata ko at nahiga habang nakatingin sa kisame.

"Teka sabado ngayon ah bat---Wala pa sila Seth nasa Nexus"- putol niya sa sasabihin ko.

Aakyat na sana ako sa taas ng magsalita si Amber." Nasa Training Ground na ang mga damit na gagamitin natin baka nakakalimutan mo"- natawa siya sa sinabi niya.Aish! Oo nga pala nilipat namin sa mas malaking kwarto yung mga gamit namin maganda na siya.Pinagsama na namin yung mga gamit pang ensayo sa pang gym.

Naglakad ako papunta sa may Training Ground nasa baba pa ito ilang hagdan lang ang bababain.

Ang napakalaking Training Ground namin na ito ay napapalibutan nang mga salamin na siyang nagpapakita nang bawat galaw namin,may apat na punching bag na nakasabit, tatlong bag bundle at iba't iba gym equipments. Well naipon lang namin ang mga kagamitang to. Wala talaga kaming balak na mag lagay nito noon. Bigla lang naming na realize na kailangan din namin ng ganto.

Sa may kanan nito ay may itim na mahabang lamesa kung saan nakalagay ang ibat ibang klaseng patalim at baril. Sa kaliwa naman ay ang mga damit na susuotin namin at mga safety things nadin gaya ng gloves.Nagpalit na ako agad at sinimulan ng mag ensayo.

Nasa kalagitnaan ako ng pag eensayo ng may dumungaw sa pinto nakangiting Seth ang nandoon.

"Hindi ka pa kumakain?"- tanong niya ng makapasok na siya.Umiling naman ako at sinipa yung bag bundle.

"Kumain ka na muna.Tama na yan"- nakapamulsa niyang sabi.Napansin ko lang.Panay na ang pag ngiti ng isang to.

"Hindi ka ba nalason?"- napangiwi siya sa sinabi ko.

"Bakit nanaman?"- kunot noong tanong niya.

"Lagi ka na kasing nakangiti"- sagot ko na ikinangiti niya nanaman.Nakaka panibago.

"Naninibago ka noh?"- tanong niya ulit at napa tango ako.Hinagis niya naman sakin yung towel na nasa tabi niya at agad naman akong nagpunas.

"Tara na kumain kana at umuwi ka na"- hinila niya na ako palabas.

Nadatnan namin sila Amber na nasa kusina kumakain na teka hindi ko to napansin kanina ah.May lutong pagkain na pala at may gatas pa kami ni Amber.

"Eat"- sabi niya kaya umupo na ako.Nagsimula na din akong kumain.

"Magpahinga na muna kayo pabayaan niyo na muna yang Shi Ho na yan.That's an Order from your Commander"- nakangiti niyang sabi. Maka Commander to akala mo talaga. Mga pauso talaga ni Lucas. Wala naman dapat yang Commander Captain Lieutenant na yan eh. Ang sakit sa tenga pakinggan.

"Yes Commander"- sabay sabay naming sabi.Napasimangot nalang ako sa pag ngiti ngiti niya.

Nang matapos akong kumain ay nagbihis na ako.

"Aalis na ako"- paalam ko sakanila tinignan lang nila ako at walang ganang nag babye sila.Anong problema ng mga to?

Lumabas na ako at pumasok na sa sasakyan ko at pinaharurot ito.Wala nanaman sigurong tao sa bahay.San naman ako pupunta? Sa HQ kaya nila kuya? Doon na lang.

Agad akong nagparada sa Gate ng HQ nila kuya.Bumaba na ako at binuksan yung gate.Hindi ba sila nag lolock? Dirediretso akong pumasok hangang sa....Hindi nga sila nag lolock ng gate pero pinto nag lolock sila.Alam ko ang pasikot sikot dito kaya sa likod na ako dumaan.Nagulat ako ng may biglang lumabas.Napahawak nalang ako sa dibdib ko dahil sa gulat.

"Papatayin mo ba ako?!"- sigaw ko.

"Malay ko bang anjan ka"- walang emosyong sabi ni Mirco.

"What are you doing here?"- tanong niya na ikina taas ng kilay ko.Bawal na ba ako dito? Dark Venom daw ako ah.

"Bawal na ba ako dito?"- tanong ko sakanya at umirap.Papasok na sana ako ng magsalita siya.

"Naka lock yan.Mga tulog pa sila"- rinig kong sabi niya at naglakad.Eh siya san natulog.

"Dito ka natulog sa labas?"- tanong ko sakanya habang naka sunod.Agad naman siyang tumango at pumasok sa Gazebo.Seryoso? Hindi siya nilamig?

Papasok na din sana ako ng magulat ako dahil may kumot siya dito at jacket na nagsisilbing unan niya.

"Welcome to my room"- sarcastic niyang sabi.

"Dito ka nila pinapatulog?"- tanong ko ulit na ikinailing niya.

"Anong oras na kasi ako umuwi nilakan nila ako"- paliwanag niya at naupo.Hindi siya nilalamig?

"Suspended ka padin?"- tanong niya.Oh yeah! bwesit na mga clown pinahamak nanaman ako.Psh.Tumango nalang ako.

"Hindi ka naman maboboring kasi anjan ang mga kaibigan mo"- seryoso niyang sabi.

"I hope we can go back like what we have before"

------

Add me on facebook: Jelsea Evans

https://free.facebook.com/jela.wp.7?v=info&ref_component=mfreebasic_home_header&ref_page=%2Fwap%2Fhome.php&refid=7&ref=dbl

U can add me dont worry i'll confirm u. Iniba ko lang yung pangalan ng acc ko hehez! Mwah! Lvlots!

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon