Chapter 71

114 7 0
                                    

Lahat kami ay nagsama sama muna sa sala para mag usap usap ng plano mamayang gabi. Ang alam ko lang na gagawin niya ay magpapanggap na mag iinspect ng buong warehouse.

May mga nakuha na silang equipments at kung ano ano pang gagamitin. Sasama ako sakanila pero mananatili ako sa sasakyan.

Nang mag gabi na ay sabay sabay kaming kumain at natapos. Nang mag ten na ay agad na kaming nagsi kilos.

"Nicole you will stay at your Brother's van. All of you open your earpods."- Utos ni Primo na agad naman naming sinunod. Si Primo na ngayon ang magiging pinaka lead namin dahil wala na si Lucas at Seth.

Nauna na sa lugar sila Ace kasama ang ibang kaibigan ni Kuya upang mag masid. Maiiwan sa HQ namin si Amber kasama si Desha at ibang tauhan na nang galing sa Nexus. Kailangan padin ng mag babantay dahil baka umatake dito ang mga tauhan ni Santi. Tahimik pa namang kumilos ang isang yon.

Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan. Sa pinaka malayo kami nag park pero tanaw na tanaw dito ang buong warehouse dahil nasa may ibaba lang ito.

"Papasok na kami."- Rinig kong sabi ni Zane, sila na ni Tyler ang nagpunta doon kasama ang mga tauhan namin.

Pinagmasdan kong maigi ang buong warehouse. Tahimik akong lalaban Santi. Yang pinag hirapan mong gawin mawawala din sayo gaya ng ginawa mo samin. Hinding hindi ka magtatagumpay. Hindi kayo magtatagumpay.

Sinuot ko ang itim kong jacket at face mask na itim at lumabas. Madilim ang high way na to at walang masyadong dumadaan na sasakyan dahil pinaka tagong lugar to. Baka nga kila Santi na to. Naramdaman ko namang naka sunod sila Kuya sakin. Tumabi sakin si Hailee at sinabayan ako sa pagmasid sa buong lugar.

"Alam na alam talaga ni Santi kung saan niya itatago ang pag mamay ari niya."- Naiiling na sabi ni Hailee.

"Ganto katago din yung DU."- Dagdag pa ni Ace na sinang ayunan ni naman ni Hailee.

Makalipas ang ilang minuto natanaw na namin na naglalabasan na ang mga tauhan at kaibigan namin. Hindi pa sila masyadong nakakalayo ng mabilis na nag apoy ang kalahati ng warehouse.

Sinira mo ang kaisa isang pinaghirapan ni Lucas, Santi. Ngayon sisirain ko den ang iyo. Gagawa ako ng paraan para masira lahat ng plano mo. Ipaghihiganti ko sila Seth. Ilalagay kita kung saan ka nararapat.

"Let's go, siguradong may dadating na mga pulis dito at dadating sila Santi. Baka maabutan pa tayo."- Pag aaya ni Kuya.

Habang paalis ang sasakyan namin ay pinagmasdan ko ang warehouse na kinakain na ngayon ng apoy. Sayang at wala sa loob si Santi.

"Do you think this is right?"- Tanong ni Mirco saamin.

"I mean sa ginawang to mag iisip si Santi na si Julia ang may kagagawan, dahil si Julia at tayo lang naman ang kaaway niya. Baka mamaya bigla nalang siyang magpadala ng mga tao sa HQ niyo at hanapin ka."- Paliwanag ni Mirco saamin.

"May point si Mirco."- Dagdag ni Kuya.

"Yun nga ang gusto ko. Siya mismo ang maghanap sakin."- Sabi ko habang naka tingin sa labas ng bintana ng sasakyan.

"Hindi lang si Santi ang naghahanap sayo. Pati nadin ang mga tauhan ng tatay tatayan mo. Alam mong ikaw ang tinuturong may kagagawan. "- Dagdag pa ni Kuya.

"Mas lalo akong sisisihin kung magtatago ako. I have my plans."- Sagot ko. Wala na siyang naisagot pa at nanahimik na lamang.

Nang makarating kami sa HQ agad akong umakyat sa kwarto at nagkulong doon. Hindi ko na muna sila isasali sa susunod na plano ko. Ayokong madamay sila.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu