Chapter 72

117 5 3
                                    


Tahimik akong nakatingin sa telepono ko, inaantay ang tawag ni Aric. Nang marinig ko yon mula kay Mirco hindi na ako mapakali at inaantay ang tawag ni Aric.

Ayokong pag isipan si Aric ng masama dahil malaki ang tiwala ko sakanya. He became my brother and my protector kaya alam kong tama ang gagawin niyang desisyon.

Narito padin ako sa tagong HQ namin, inaantay na makarating sila Ace. Nabanggit nila na hinahanap na ako ni Desha kaya naman ivivideo call ko nalang mamaya pagdating nila. Umalis na muna si Genesis at Jacob dahil may kailangan pa silang gawin at babalik den sila mamaya. Samantalang si Mirco nagpaiwan at sasamahan daw ako, pero andon lang siya sa labas naka upo. Naiilang paden siguro sakin.

Bumaba ako ng hagdan at sinilip sila, kanina pa kasi hindi pumapasok si Mirco kasama niya ang mga nagbabantay, balak ata niyang maging tagabantay nalang. Sinilip ko siya mula sa bintana. Naglalaro naman siya kaya naman tumalikod na ako at aakyat na sana ng makarinig ako ng mga paparating.

"Hey." Bati sakin ni Ace. Kasunod niya naman si Hailee, Tyler, Zane at Primo. Mukhang si Amber ang naiwan para Kay Desha.

"Susunod ang Kuya mo dito." Tumango lamang ako kay Primo. Pumasok na din si Mirco at lahat kami naupo na.

"Dito ka muna pansamantala, dahil alam na nila na andito ka na. Huwag ka munang mag lalalabas at kung maaari huwag den muna magpa gala gala ang iba." Lahat kami ay nakikinig lang Kay Primo. Sa ngayon si Primo lang muna ang pakikinggan namin, kung buhay si Seth, siya ang magiging leader namin bukod kay Primo.

"Anong plano niyo? Anong plano mo?" Lumingon kami sa nagsalitang si Kuya na kakarating lang. Sakin siya nakatingin hanggang sa maka upo siya.

"Hindi ko pa alam ang Plano ko sa ngayon. Ang tanging gusto ko munang malaman ngayon kung kasali naba sila Santi sa mga taong kontrolado na ni Santi." Lahat sila nanahimik lalong lalo na Sila Primo.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kilala niyo ang Hari, malaki ang naitulong satin. Naisip niyo bang imposibleng mapa kampi siya kila Santi?" Lahat sila walang imik, iniisip ang susunod na sasabihin ko.

"Alam niya kung gano kademonyo si Santi, kakampi ba siya agad don? Hindi ba't isang beses na tayong tinulungan para maiwasan si Santi at mapabagsak?"

"Hindi maaari..."

Yan na lamang ang lumabas sa bibig ni Primo.

"Posibleng na drug sila?" Hindi makapaniwalang sabi ni Hailee.

"Tama si Nicole. Imposibleng bigla nalang tumiwalag sila satin, imposibleng magkaroon sila ng malaking galit." Ani ni Tyler.

Tinignan ko sila isa isa. Mukhang alam na nila ang ibig ko sabihin, nagegets na nila ako.

"Ang makakasagot lang ng katanungan ko ay si Aric." Sabi ko sakanila, napatingin sila sakin. Tumango tango lang si Zane.

"Alam mo feel ko hindi kasali si Aric sa mga nadroga niyan or what ni Santi." Lumingon ako kay Ate Serina, kahit sila Primo ay napatingin din.

"Kasi tignan niyo ha, kung kontrolado na din yan si Aric hindi siya mag uupdate saten ng dapat nating gawin." Tama si Ate Serina.

Si Aric na ang naging mata namin sa palasyo at sa mga ginagawang hakbang ng ama amahan ko at ni Santi, kaya malabong kontrolado na den si Aric. Guminhawa ang paghinga ko dahil sa sinabi ni Ate Serina. Alam ko naman den na hindi ako o kami tatraydurin ni Aric.

Matapos ang pag uusap namin sa Sala pinagsalu saluhan na namin ang dalang pagkain nila Kuya. Pinauna naming pakainin yung mga tauhan namin bago kami.

"Sino ang maiiwan dito?" Tanong ko habang kumakain. "Ikaw." Sagot naman ni Hailee, bigla namang tumawa ng mahina si Tyler. Wala namang nakakatawa don, may sariling mundo nanaman ang isang to.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Where stories live. Discover now