Chapter 77

278 5 1
                                    


2 YEARS LATER

"Mamaaa!!" Masiglang sigaw ng batang babae habang dala dala ang bag niya na naglalaman ng mga gamit sa eskwela. Napalingon naman si Amber sa bata ang ngumiti.

"Be careful Desha!" Sigaw ni Amber dahil muntikan ng madapa ang bata. Sinalubong niya na ito at niyakap. Sa likuran naman nito ay naglalakad ang Tita Selina niya, nakangiti ito habang pinagmamasdan ang bata. Nag iimprove na kasi si Desha, kung noon ay napaka tahimik at hindi masigla ngayon ay mas sumigla siya at bibo.

"Ate Selina, salamat sa paghatid kay Desha dito." Tumango lamang si Selina at ngumiti, inabot na nito ang mga gamit ng bata. Si Selina ang nakakatandang kapatid ng yumaong si Seth. Nakasanayan kasi nila na dumadalaw dalaw ang bata sakanila kahit na hindi nila ito kadugo. Mas naaalala kasi nila si Seth kay Desha pag dumadalaw ito sakanila.

"Napaka bibo na ng batang yan, tiyak na natutuwa si Seth na nakikita siyang nag iimprove, mas matutuwa din si Julia kung sakali." Napalitan ng lungkot ang masayang mukha ni Selina ganon den si Amber.

"Kamusta na nga pala kayo?" Tanong ni Selina kay Amber. Napalingon naman sila sa sasakyan na kararating lang. "Dada!!" Tumakbo si Desha papunta sa kanyang tatay, mabilis naman siyang binuhat ni Primo at niyakap.

"You're so heavy Anak." Tumawa naman ang batang si Desha, mas lalong naging malapit ang mag ama simula ng mangyari ang trahedya. Mas lalo na din silang naging malapit ni Amber at itinuturing na itong Nanay. "May mga araw na hinahanap niya si Julia." Pagsisingit ni Selina sa lambingan ng mag ama.

"Can we visit Daddy Seth? I wanna show him my awards at school, i also wanna show this to Mommy Nicole." Dire diretsong sabi ng bata, hindi padin nawawala ang pagiging englishera nito, minsan naman ay nagtatagalog siya. Napangiti naman si Amber at kinurot ang mataba niyang pisngi.

"Okay then, we'll go to them and show your awards and we're going to Tita Hailee's Birthday." Masayang tumango naman ang bata. Nagpaalam na si Selina dahil may meeting pa 'to. Nakangiti si Desha habang naka upo sa backseat, hindi niya inaalis ang tingin niya sa papel niya na nakalagay ang mataas na score.

"It seems like your excited ha." Pang aasar ni Amber sa anak anakan. "I miss them, i really wanna show this to them especially Mommy Eris!" Mas lalo itong sumigla ng banggitin ang Mommy niya. Habang lumalaki siya pinapaliwanag ng maayos ni Primo ang mga nakaraan nila ng anak niya at ang tunay na Nanay nito, noon kasi si Seth ang madalas magpaliwanag kay Desha sa mga bagay bagay.

Nang makarating na sila sa Sementeryo dali daling bumaba si Desha at tumakbo papunta sa puntod nila. Tumigil saglit si Desha sa pagtakbo at inantay sila Primo. Hinawakan nila Primo ang magkabilang kamay ni Desha.

"Mommy! Mommy!" Napabitaw ang bata at dali daling tumakbo papalapit sa kanyang Ina. Itinaas niya ang papel na hawak niya.

"I got an award, i am the highest look!" Pagmamayabang niya, halatang halata sa mukha ng bata ang saya dahil bukod sa naka kuha siya ng mataas na marka nakita niya pa ngayon ang Mommy niya.

"I'm so proud of you always mahal." Hinawakan niya ang mga pisnge ni Desha at hinalikan ang noo. "Proud din sayo si Daddy Seth." Bahagya siyang lumingon sa puntod ng pinaka mamahal.

"Andito kana pala, kelan kapa dumating? nagtatampo na sayo si Desha." Bahagyang tumawa si Amber, lumingon naman siya kay Desha at kinindatan. "Ilang taon kang hindi nagpakita sakanya."

"Naging busy ako, i'm sorry." Paghihingi niya ng paumanhin kay Desha, tumango lang si Desha at ngumiti. "It's okay! Im happy today Mommy i already saw you, Daddy Seth and Mommy Erris also." Lumapit si Desha sa puntod ni Seth at ni Erris para halikan ito. Inilapag niya doon ang dala niyang dalawang bulaklak.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Where stories live. Discover now