Chapter 75

112 1 0
                                    


"Anong gagawin natin? Tatanga nalang ba tayo dito?"

Tanong ni Mark sa mga kasama. Hindi na siya mapakali lalo na't nalaman niyang nakuha na ni Santi ang kapatid niya. Nagkakagulo na sila dahil sa nalaman nila.

"Andoon si Dark kasama ang mga tao niya." Paalala ni Primo sa nakakatandang kapatid ng kaibigang si Nicole.

"Kahit na. Do you think kaya nila 'yon? Alam niyo kung gano kalaki at kalakas ang kalaban niyo." Sagot ni Mark. Nanatili lang tahimik si Primo at itinuon ang atensyon sa nakabukas na laptop.

Lahat sila natigil ng biglang may tumawag sa laptop ni Primo. Nagtinginan muna sila ng makita nila kung sino ang tumatawag.

Napasinghap sila nang makita nila ang walang malay na si Nicole. Napamura din ang iba.

"Anong ginawa nila?!" Sigaw ni Mark.

"Hi Primo. Kamusta." Masayang bati ni Santi sa kabilang linya. "Nagagalit naba kayo? Dahil walang malay 'tong pinaka mamahal niyo?" Malakas na tumawa si Santi at hinarap sakanila ang walang malay na si Nicole. Namumutla na ito at parang wala ng buhay. Naiiyak na ang iba dahil sa nakita nila. Ang iba naman ay napapamura na.

Nanatiling kalmado si Primo at walang reaksyon.

"Ang mga kailangan namin, kapalit ng katawan ng kaibigan niyong 'to." Pang hahamon ni Santi kay Primo.

"Oh, si Aric ang pumatay sakanya. Hindi ako." Mas lalong napamura ang kapatid ni Nicole at akmang lalabas ng pigilan siya ng mga tauhan ng Nexus.

"Ano ba bitawan niyo ako!! Yung kapatid ko!!" Nagwawala na si Mark at kalmado padin si Primo. Hindi na nagsalita si Primo, nginitian lang siya ni Santi bago patayin ang tawag.

"Ano ba?! Bitawan niyo ako! Ililigtas ko ang kapatid ko! Pupuntahan ko!" Patuloy padin sa pagwawala si Mark at pilit na kumakawala. Nilabanan niya ang dalawang may hawak sakanya ngunit padagdag ng padagdag ang mga tao na humahawak sakanya.

Natigil lang sila ng makarinig sila ng nabasag. Lumingon sila kay Primo na hinagis ang babasaging pitsel, lumapit 'to kay Mark at kinwelyuhan.

"Wag na wag kang gagawa ng move para masira ang plano namin. You and your gang will stay put. Hindi niyo 'to laban." Mariing sabi ni Aric sakanya.

"Hahayaan niyo ang kapatid ko don? Ganon ba?!" Sigaw muli ni Mark.

"Just shut your mouth! Tsaka lang kayo gagalaw pag sinabi ko. Oras na masira ang mga plano namin kasiraan na din ng lahat 'yon!" Muling sigaw ni Primo.

Humarang na ang mga tauhan nila sa Nexus kay Mark dahil mukhang hindi ito magpapapigil. Lumapit naman si Aric sakanya at tinap ang balikat.

"Trust us. Trust Primo and your Sister." Huling sabi ni Aric bago sundan ang kaibigang si Primo sa hardin nila. Mukhang may pinaplano ang mga 'yon na hindi sinasabi kila Mark.

Wala nang nagawa ang grupo ni Mark kundi ang manahimik na lamang. Kahit kay Mirco wala silang balita, hindi nila alam kung ano nang nangyari.

Kasalukuyan namang naka upo si Primo sa hardin at may kung anong iniisip.

"Pupunta ba tayo?" Tanong ng kakadating na si Tyler. Sumunod sakanya si Aric at Zane at naupo din.

"Ofcourse." Sagot ni Primo sakanila. "We will get her. She need us." Sagot muli ni Primo sa kaibigan. Tama ang nararamdaman ni Mark, may plano si Primo at iilan lang sila ang nakaka alam.

Ang mga babae nilang kaibigan ay hindi na lamang nakisali dahil alam din nilang may magiging plano ang grupo nila at malaki ang tiwala nila sa mga kaibigang natira.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Where stories live. Discover now