Chapter 59

857 27 0
                                    

Kinabukasan nag bihis na ako ng susuotin ko para sa pagpunta sa Nexus. (Sa mga hindi alam yan. Nag skip kayo ng chapter noh? Haha.)

Hindi ko alam kung bakit kami pinapapunta ni Lolo doon.

Nagsuot lang ako ng gray na dress na pinartneran ko ng black boots na hangang ankle ko lang. Pagbaba ko nadatnan ko sila Aric kasama sila Mimi na nanonood ng TV sa sala.

"San punta mo?"- tanong ni Mimi habang kumakain ng V-cut. Aba ginawang sine ang bahay.

"Jan lang."- maikling sagot ko na ikina tango niya.

"Papahatid ka?"- tanong ni Aric. Umiling ako at inayos ang suot kong sleeveless na dress.

Tumango lang siya at hindi na ako pinansin. Nagpaalam ako kay Butler George na lalabas lang saglit kasama sila Zane.

Tumango lang siya sakin kaya agad na akong umalis. Isang oras din akong bumyahe hangang sa makarating na ako sa pupuntahan ko. Ipinarada ko ng maayos ang sasakyan ko sa tapat. Kinuha ko yung leather Jacket ko sa backseat. Napangiti ako. Masusuot nanaman kita. Ilang taon na ba kitang hindi nagamit? Dito nila ako nakilala. Etong jacket na to ang palagi kong suot sa tuwing may laban.

Agad napatingin ang mga guard na nasa labas ng makita nila ako. Gulat silang tumingin sakin. Nginitian ko lang sila at nagpatuloy sa paglalakad hangang sa maka akyat ako sa 2nd floor. Natigil ang lalaking nakasalubong ko. Kahit yung mga gumagawa doon ay gulat. Gulat siyang tumingin sakin ako naman ay ngumiti. Maya maya pa ay napangiti na din siya at niyakap ako.

"Welcome back! Namiss kita!"

"Namiss din kita, Jacob."- nakangiti kong sabi ng humiwalay ako sa pagkakayakap.

Sabay kaming sumakay sa elevator. Napangiti ako. Namiss kong sumakay dito at tignan ang kalangitan. Binigyan ako ni Jacob ng daan ng bumukas ang elevator.

"Lieutenant!"- sigaw ni Genesis at agad tumakbo para yakapin ako.

"Nasan sila?"- tanong ko sakanya.

"Aba gumaganda ka ah."- nakangiting sabi ni Ash na ikina ngisi ko.

"Aba bolero ka na ah."

"Dun muna tayo. Wala pa naman yun iba."- aya ni Jacob. Nagpunta kami sa kwarto ni Ash. Hindi to literal na kwarto na may higaan. Bago kami makapasok nag pindot muna si Ash ng passcode at hiningi din ang Touch ID niya. Masyadong secure to gaya ng Nexus Heart. There's a lot of cameras here. Magaling din mang hack si Ash gaya nila Blake. Naka konekta ang iba sa iba't ibang bansa. Naka konekta din to sa bawat sulok ng building na to.

Naupo ako sa swivel chair at lumapit sa mini ref ni Ash at kumuha ng coke in can.

"I miss this room"- sabi ko habang pinapaikot ang sarili ko sa swivel chair. Habang nag iikot ay biglang tumunog yung pintuan at lumabas ang mukha nila Ace sa tablet na naka dikit sa gilid ng pintuan. Anjan na sila. May pinindot si Ash na naging dahilan ng biglang bukas nito. Agad silang pumasok at naupo sa Sofa.

"May kinakausap pa si Lucas sa Conference Room. Tatawagin niya nalang daw tayo."- sabi ni Tyler pagpasok nila.

"Sinong kausap niya? May bisita? Si Genesis ba yun?"- sunod sunod kong tanong sakanila.

"Nope. Wala si Genesis dito. Yung ibang dibisyon ata ang kinakausap niya."- sagot ni Amber habang nakayakap kay Primo. Napairap nalang ako. Iw masyadong cheesy ang dalawang to. Napangiwi ako ng mag kiss ang dalawa. Batuhin ko kaya ang dalawang to. Pero mabalik tayo. Kausap ni Lucas ang ibang dibisyon?

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Where stories live. Discover now