Chapter 60

932 33 7
                                    

Three days. Three days na ang lumipas pero andito padin ako at hindi mahanap ang cellphone ko. Siguradong nag aalala na sila Aric sakin. Baka ipahanap na ako non sa tauhan ni Lolo. Mas mahirap na kung matatagpuan nila ako na kasama si Mirco siguradong gulo to at pagkakamalan si Mirco na kidnapper.

Kasalukuyan kaming kumakain ni Mirco. As always sabay nanaman. And as always Poker face nanaman siya. Napasimangot ako.

"May pupuntahan tayo mamaya. May maliit na okasyon sa labas mamaya."- pambabasag niya sa katahimikan. Tumango lang ako.

Pagkatapos kumain ay naghugas at nagantay ako ng ilang minuto bago maligo at magbihis. Nag suot lang ako ng Black plain dress at sandals. Parang kay Cassy nga ang mga to dahil kasya sakin. Minsan na akong pinahiram ni Cassy ng damit. Dito nakalagay sa kwarto na to ang damit ni Cassy? Hindi kaya.......No comment.

Bumaba na ako pagkatapos kong magbihis. Nadatnan kong nakaupo si Mirco sa sofa. Napalingon siya sakin ng bumaba ako. Hindi niya ako pinansin at naunang lumabas. Napairap nanaman ako.

This time we ride a car. Akala ko maglalakad nanaman kami. Sa backseat dapat ako uupo pero ayaw niya kaya sa front seat ako.

Ilang minuto din ang binyahe namin hangang sa makarating kami sa destinasyon namin. Manghang mangha akong napatingin sa mga binibenta dito.

"Akala ko party ang pupuntahan natin?"- tanong ko kay Mirco.

"It's not a party. May konting salo-salo lang dito na hinanda ni Gina."- sagot niya. Gina the great. Napairap ako sa naisip ko.

Ang gaganda ng mga damit. Namiss ko tuloy bumili sa mga ganto. Lumapit ako sa maliit na stall doon at sinilip yung mga tinitinda niya. It's a antique, hinaplos ko yung mga kagamitan doon.

Tumigil ang mga mata ko sa parang tali lang pero sing sing. Manipis lang siya at napaka ganda.

"Bagay yan sayo ija at sa boyfriend mo."- for couples pala to. Teka?....napalingon ako sa likod ko at hinanap ng mata ko si Mirco. Fudge. Asan na ang isang yon.

Umalis ako sa stall na yon at hinanap si Mirco. Nawala ang kaba ko ng makita ko agad siya.

"San ka ba galing? Let's go."- kunot noo niyang tanong. "Jan lang."- sagot ko. Hindi niya na ako pinansin at nauna ng naglakad.

Huminto kami sa parang bahay at may mga lamesa sa labas. Ang lakas ng tugtug nila at may mga pagkain ng nakahain. Parehas kaming napalingon ni Mirco ng may tumawag sakanya. It's Gina.

Lumapit siya samin.

"Hi there, Julia."- bati ni Gina. Julia?! Pinakilala niya ako bilang Julia?

"Come with us para naman hindi ka ma bored."- nakangiting sabi ni Gina.

Nasa harap ko silang dalawa habang ako andito sa likod nila. Tumigil kami sa isang upuan kung saan may mga nag tatawanan doon. Parang mga kasing edad lang din namin.

"Woah! You're back Ico.....Oh who's this girl? She's pretty. Hi———hey stop. Kaibigan ni Ico yan. She's Julia."- pakilala ni Gina. Nagpakilala rin sila sakin. Shy attact. Habang nag uusap sila lumayo na muna ako sakanila. Ma oop lang ako sakanila.

What kind of alcohol is this? Kumuha ako non at nilagok. Ilang minuto din akong andoon sa may upuan habang umiinom. Medyo nararamdaman ko na ang hilo at sakit ng ulo. Habang umiinom ay may lumapit saking lalaki.

"Hey there, Julia. I'm Dem the handsome one."- pakilala nung lalaki at kinindatan ako. "You know me?"- tanong ko habang umiinom. 2 bottles down. Hindi pa sapat ang dalawang bote. Kumuha pa ako ng isa at binuksan yon. Ramdam ko na ang hilo. Tch.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Where stories live. Discover now