Chapter 6

1.5K 46 0
                                    

6

Julia's POV

Nacurious siguro si Ace kung bat kami lumabas.Bahala na.

Dumaan muna kami ni Amber sa Cafeteria para bumili ng coke in can. Kung sa DU puro C2 water SmartC ang binibenta dito naman puro softdrinks. Dapat nga hindi sila nagbebenta ng softdrinks dahil baka magkasakit ang estudyante. Sabihin ko nga yun kay Kuya Tutal may karapatan din naman ako sa school na to. Anak kami ng may ari nito.

"Ayoko munang bumalik room baka antukin lang ako"- sabi ni Amber habang umiinom ng Coke in can.

"Kahit din ako. Nakakaboring ang tinuturo ng Prof natin"- sabi ko din. Pagkatapos kong inumin ang iniinom ko ay agad ko yung tinapon.

Dinala nanaman kami ng Paa namin sa may Garden kung saan walang tao at kami lang.

Habang naglalakad kami ay may nakita kaming apat na babae na nagkakalat.

"Para silang bata na nagkakalat"- sabi ni Amber ng makita niya din yun apat na babae. Tumingin naman yung apat sa gawi namin. Ano nanaman ang problema ng mga to.

"Bat kayo nakatingin Ha?"- maangas na tanong ng isa sakanila.

"Bawal na ba ngayon tumingin? Bat pa tayo biniyayaan ng Mata kung bawal naman pala tumingin"- seryoso kong sabi na nagpatawa sakanila.

"Napaka Talino mo naman.Scholar ka no?"- nakangisi niyang tanong. Ang kakapal ng make up ng mga to.

"Ako magiging scholar? Sa ayos kong to scholar ako? Baka magulat kang kung sino ang kaharap mo"- cool kong sabi at nagawa ko pang sumandal at magcrossed arm.

"Kauuwi niyo lang ba?"- Pilyang tanong ni Amber na ikinakunot ng noo ng apat na babae.Mukhang alam ko na ang sinasabi ni Amber.

"Nakadami ba kayo?"- tanong ulit ni Amber.

"Mukhang kauuwi niyo lang galing bar ah"- natatawang sabi ni Amber. Nainis naman yung babae at sasampalin niya dapat si Amber ng maunahan siya nito at sinampal ito.

"How dare you!"- sigaw nung babae at hinila ang blazer ni Amber at sasabunutan sana ng maunahan nanaman to ni Amber at tinulak ito hangang sa mapahiga ito.

"Kayo? Anong tinatayo niyo jan? bumili na kayo ng popcorn dahil masayang panoorin ang kawawa niyong kaibigan"- sabi ko at nginitian sila. Masyado akong mabilis kaya nahawakan ko ang kamay ng dalawang to. 2vs1 huh?

Sinipa ko yung isa at sinampal.Naiirita na talaga ako sa mga to. Napadaing naman ako ng maramdaman kong kinalmot ako ng isa sa may leeg. Pilit kong sinasalag ang kamay nila dahil pag natamaan ang mukha ko lagot sakin ang mga to.

Dahil sa lakas ko ay naitulak ko silang dalawa. Nang lalapit na ako ay bigla nanamang may pumito. Pag sinuswerte ka nga naman oh. Lagi nalang kaming na tyetyempohan na ganto kaya napagkakamalan kami na kami ang nauna.

"kayong dalawa nanaman! pumunta kayo sa Dean Office! Lahat kayo!"- sigaw nung teacher samin kasama niya ang guard.

Tahimik nanaman kaming nakaupo ni Amber at kapwa nakatingin sa daliri namin.

"Kayong dalawa nanaman. Ano bang pinag gagawa niyong dalawa?"- pakinig kong sabi ni Mrs. Atienza.

"Nasa Garden nanaman kayo. Favorite spot niyo ba yun? Kaya kayo wala sa room niyo dahil lumabas kayo at sinagot ang Prof niyo. What kind of attitude is that?"- pakinig ko nanamang tanong ni Mrs.Atienza.

"At kayong apat anong ginagawa niyo sa garden? oras ng pasok diba?"- tanong niya sa apat na clown.

"Wala po kasi kaming Teacher nun. Na volunteer po kami na maglinis sa garden tas nagkakalat po sila"- The hell! napatingin kami sa babaeng nagsalita. Sampalin ko kaya to ng kaliwa't kanan?

"Sinungaling. Nagkakalat kaya kayo"- sabi ni Amber.

"Kayo ang sinungaling!"- dipensa ng isa sakanila.

"Hindi naglilinis ang clown. Ay! mali. Hindi naglilinis ang nagtatrabaho sa club"- sabi ko naikinainis nila.Bigla namang hinampas ni Mrs.Atienza ang table niya.

"Enough! Anong klaseng bibig yan Ms.Mendoza!? Mag sorry ka!"- utos ni Mrs.Atienza.

"No way! Isumbong niyo nalang ako pero hinding hindi ako magsosorry sa mga clown"- sabi ko narinig ko naman ang mahinang tawa ni Amber.

"Kayong apat you may go. Gusto kong makausap ang parents niyo. Kayong dalawa maiwan dito"- sabi niya samin.Mataray na umalis yung apat na para bang walang nangyari.

"Lagi nalang kayo ang nakikita naming nakikipag away! At sumagot pa kayo sa Prof niyo. Anong klaseng estudyante kayo?! Napaka bait ng Kuya mo Ms.Mendoza pero ikaw? anong nangyari sayo ha!?"- sigaw niya pero nanatili kaming naguusap Ni Amber.

"Anong magandang Nail Polish? Pink? Red? or Purple?"- suggest niya napa asim naman ang mukha ko sa sinabi niya.

"Iww. Masyadong girly. Black nalang it's b-------Mga walang respeto! Kahit sa harap ko ay napaka walang galang! Hindi ko alam na may gantong side ka Julia"- putol niya samin.Napairap nalang ako.

"Tapos na po ba kayo? Inaantok na po kasi ako"- sabi ko at naghikab.

"Ako din po. Pwede po bang matulog dito? "- pakinig kong tanong ni Amber.Kitang kita ko ang inis sa mukha ni Mrs.Atienza.

"Mga walang modo! Detention! 1hr!"- Sigaw niya samin. Tumayo na kami at lumabas na.Pagkalabas namin nadatnan namin si Primo at Ace na nasa labas nagaantay. Agad silang napatingin sa gawi namin at dali daling lumapit.

"Hay! ano bang pinag gagawa niyo!"- inis na ginulo ni Ace ang buhok niya. Hindi ko nalang ito pinansin at naglakad na papasok sa Detention nasa tapat lang naman ng Dean's Office ang Detention.

Lumapit si Primo kay Amber at chineck ang mukha nito. Napasapo nalang ng noo si Primo.Lumapit din sakin si Ace at hinawi ang buhok ko.

"Tigre ba ang kaaway niyo? May kalmot kayo"- sabi ni Primo habang nakatayo.

"Hindi sila Tigre. Clown sila. Clown"- mataray na sabi ni Amber na ikinatawa ko.

"Amber!"- saway ni Primo at Ace. Napa 'what-look' nalang si Amber.

"Ang titigas talaga ng ulo niyong dalawa"- sabi ni Ace. Napa ngisi nalang kami ni Amber.

"Kung andito si Nathan binungangaan na kayong dalawa"- sabi ni Ace. Mabunganga pa naman si Nathan.

"Kung andito si Seth. Siguradong magagalit yun"- sabi ni Amber na ikinatahimik ko at ikinatingin nila kay Amber.Isa din ang lalaking yun.

"Napaka daldal mo Amber ha"- sabi ni Ace habang nakaipit ang ulo ni Amber sa Braso ni Ace at ginugulo to habang umiikot sila.

"Ace ano ba!"- rinig kong sigaw ni Amber.

"Hindi talaga kayo nagiingat.Ang titigas padin ng ulo niyo"- pangaral samin ni Primo. Tumawa lang kami ni Amber.

Nasa gitna kami ng pagtatawanan ng bumukas ang glass door at iniluwa nito si Kuya at ang mga kaibigan niya. Sigurado akong si Cassy ang nagsabi na sinagot ko ang Prof namin.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon