Chapter 15

1.3K 50 0
                                    

Julia's POV

Naalerto ako ng biglang dumating ang mga inaasahan ko.Wala na akong inintay pa at binaril na ang mga ito.Sabay kaming bumabaril ni Genesis.Magaling na Agent ang isang to.

"Lumabas na kayo"- sabi ko sa kabilang linya.Wala na akong narinig pa bukod sa putok ng baril ko.Nang mawalan na ako ng bala agad ko itong pinalitan.

Bago pa man bumaril ang isa ay may bumaril na sakanya.Parehas kaming napatingin ni Genesis sa likod namin.

"Tara na nasa labas na sila"- sabi ni Ace at inalalayan ako hangang palabas.Nang nasa labas na kami ay chaka ko lang nakita ang mga tauhan sa Nexus.Hindi ko sila nakita sa likod kanina.Chaka na ako mang sesermon.

"Thank God your safe Julia"- sabi ni Kuya at agad lumapit sakin.

"Dalhin na natin sa Ospital si Julia"- sabi ni Ate Serina kukunin sana ako nila Kuya ng harangan to ng mga tao namin.

"What?! Dadalhin ko sa Ospital ang kapatid ko"- pagpupumilit ni Kuya.

"Kaya ko ang sarili ko Kuya.Ayos lang ako.Hindi mo na kailangan mag alala.Hindi ko kailangan ang Ospital"- sabi ko at inalalayan nila akong umakyat ng Van.

Damn! Ngayon ko lang naramdaman ang kirot ng sugat ko!

----

Nagising ako ng may marinig akong usapan.Bat ba ang ingay!

"Aish! kaya ayokong buksan ang cellphone ko eh! Binungangaan ako ng Commander natin"- pakinig kong maktol ni Zane.Sinong Commander? Si Lucas o yung  Commander talaga namin? Kilala nila ang Commander namin?

"Sasabog yun sa galit"- rinig kong sagot ni Ace.

"Hindi lang sasabog"- sagot ni Primo.Ako lang ba ang hindi nakaka kilala sa Commander na yan.

Nagbabangayan sila dahil walang gustong kumuha ng pagkain.

"Ang ingay niyo ano ba!"- sigaw ko sakanila na ikinagulat nila.Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil kamuntik ng mahulog si Zane sa upuan niya ng uupo na sana siya.

"Bat ka ba nang gugulat!?"- sigaw din ni Zane.

"Ano kulang pa ang tulog mo? Aba dalawang araw ka ng natutulog jan.Tawag na ng tawag ang kuya mo"- sabi ni Amber at inabot sakin ang phone ko.Ang dami ngang missed calls ni Kuya.

Iginalaw ko ang hita ko at laking tuwa ko ng magaling na ito.

"Kung ano ano ang ipinalagay jan sa hita mo para lang hindi magkapeklat yan"- sagot ni Primo.

Hindi ko na sila pinansin at tumayo na.

"San ka pupunta?"- tanong ni Amber.

"Uuwi na"- sabi ko at nagpunta sa CR para magpalit ng damit.

"Bago ka umuwi may gagawin ka"- sagot ni Amber at ngumiti ng makalabas na ako sa CR.

Dinala nila ako sa Nexus Heart.Nexus Heart ang tawag dito dahil ito ang gitna at iniingatan namin. Puro Fiber glass ang nakapalibot dito. Holograms. Steel. White. Black. Yan ang mga makikita dito. Eto ang pinaka secured na parte ng Nexus. Walang pwedeng ibang makapasok dito. Only us. Using our fingerprints or password. Napabuga ako ng hangin ng maalalang may gagawin nga pala ako. Bakit ba ako ang laging inuutusan ng Lucas na yun? Lumapit ako sa hologram na nasa taas at may inilipat na data sa kabilang hologram.

Habang iniintay matapos nakatanggap ako ng mensahe mula sa Hologram. Binuksan ko iyon at bumungad ang mga mukha nila sa screen.

Dalian mo naman Juls.
Naiinip na kami dito.
Myghad!

Inirapan ko lang sila at pinatayan. Bat ba nila ako inaantay? Eh may kotse ako dito. Naiiling akong tumingala ng konti at napangiti ng makitang tapos na ang ginagawa ko.

Bumukas ang glass door at lumabas ako doon. Kusang bubukas yun dahil may sensor doon. We'll just stand there and the sensor will recognize me--us.

Pagkalabas ko sa glass door doon ay naglakad na ako papunta sa metal door. May sensor din doon kaya bumukas din agad yun. Taas noo akong naglalakad hangang sa makarating ako sa elevator dito sa Nexus Tower. Using my fingerprint ay bumukas din ito.

Mabilis akong nakarating sa baba.

"Ano tapos ka na?"- tanong ni Amber na ikina tango tango ko.

"Ba't niyo ba ako iniintay? Eh may kotse naman ako dito"- napangisi ako sa huling sinabi ko. Kotse ko. Woah.

"Don't tell me gagamitin mo ang kotse mo?"- napairap ako sa sinabi ni Zane. Mga nag aaral naman ang mga to pero ba't ba ganto sila?

"Isn't obvious?"- iniwan ko sila at pumunta sa may garahe. This is not just a garage na pinag paparkingan ng mga kotse namin pag dumadating.

Lots of cars are here. Pwede na nga ata naming ibenta ang mga to. All cars here are Black. Why? Para alam daw ni Lucas na kotse ng Nexus yan. At lahat ng sasakyan ay may nakalagay sa may plate number na Nexus. Maliit lang yun kaya hindi masyadong nakikita.

Naglakad ako hangang sa huminto ako sa itim na kotseng nasa harap ko. Aw imiss my baby. Kinuha ko yung susi ng kotse at pumasok agad ako doon. Napangiti ako ng makitang ganon padin ang ayos ng loob ng kotse ko. Andun yung baril na lagi kong ginagamit. Yung tablet na naka connect sa Nexus at sa mga sasakyan din nila. Earpods ko. Trackers. At iba pa.

Pinaandar ko na ang kotse ko at lumabas. Bigla lang din bumukas ang metal na labasan doon. Huminto ako sa tapat nila Primo at binuksan ang bintana ng kotse ko.

"Ang ganda naman po ng kotse niyo. Magkano po yan?"- panloloko ni Zane na ikina tawa nila. Inirapan ko lang siya.

"Una na ako sainyo"- paalam ko. Hindi ko na sila inintay magsalita at sinara na agad ang bintana ng kotse ko at pinaandar ito.

Naghanap muna ako ng pagpaparkan ko. Andito ang mga kaibigan ni Kuya dahil may mga kotse nanaman dito.

Pinark ko na ang sasakyan ko at bumaba na. Tahimik kong binuksan ang gate at pumasok doon. Napalingon silang lahat sakin ng makapasok na ako.

"Julia thanks god your here!"- agad lumapit sakin si Kuya at niyakap ako. "Are you ok? May masakit ba sayo? Should i bring you to the hospital?"- sunod sunod na tanong ni Kuya na ikina ngisi ko. Ang OA ng Kuya ko kahit kelan.

"Calm down Mark. Ok lang si Julia. Look nakaka lakad siya."- natatawang sabi ni Ate Serina.

"I'm just worried"- nginitian ko lang si Kuya. "I'm ok Kuya"

"Sumabay ka na samin kumain"- nagtungo kaming lahat sa kusina.

"Nasan sila Manang?"- tanong ko. Pinauwi na ni Kuya?

"May emergency sila"- maikling sagot ni Kuya at ngumiti.

"So---Tricksters ka?"- tanong ni Kuya na ikina hinto ko.

"Ah---yeah"- kibit balikat kong sabi. Nakatingin silang lahat sakin.

"Why you didn't tell me. Matagal ka na palang nagpupunta sa Underground. Lumalaban. "- Nakatingin lang si Kuya saakin. Hindi naman siguro siya galit.

"Ah--yeah"- sagot ko at pilit na ngumiti.

"Just please---wag mo ng hahayaang masaktan ang sarili mo"- seryoso akong tumingin kay Kuya. Matagal na akong nasasaktan Kuya. Hinding hindi ako matatahimik hangat hindi ko nahahanap ang mga kaibigan ko.

Hindi ko na pinansin si Kuya at tinapos na ang kinakain ko. I hate dramas for pete's sake.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon