Chapter 30: Surprise!
I got back home na from Palawan. Sobrang pagod na pagod ako kaya wala ako nagawa kung di magcollapse sa kama ko. Grabe ang saraaaaaaaaaaaaap ng feeling. Parang nasa langit lang.
Masarap na yung pwesto ko sa kama ko at nararamdaman ko na ang antok ko na unti-unting dumarating nang biglang nagring ang cell phone ko. Dahan-dahan akong kumilos, maabot lang ang cell phone ko mula sa bag ko na nilapag ko sa sahig, sa tabi ng kamay ko.
“Oh, Kuya napatawag ka?” halatang tamad na tamad ako sa boses ko.
“Wala lang...”
Napakunot ako ng noo. “Eh? Di nga bakit? May problema ba?”
Parang hindi niya narinig ang sinabi ko, “Nakauwi ka na ba...?” tanong niya. Parang aligaga pa ang tono ng boses niya.
“Bakit?”
“Nakauwi ka na nga ba?”
“Hmm...”
“Nasa bahay ka na?”
“Hmm...”
“Ano ba Oo o hindi?”
Napabangon ako sa kama habang nagkakamot ng ulo, “Malamang Oo, natawagan mo na ko di ba? Ano ba meron...?”
“Ah ganun ba...?” then natahimik siya saglit. “Sige... Bye!” sabay baba niya ng phone
Ang gara ah... Ano kaya problema ni Kuya?
Humiga na ko ulit sa kama ko sabay patong ng unan sa mukha ko, ready na ready na kong makatulog nang bigla namang may nagdoorbell. Naibato ko sa sahig ang unan sa inis ko lalo pa’t makapindot ng doorbell yung kung sino man yung nasa labas ay napakaWAGAS. Kala mo walang bukas.
“Andyan na!” sigaw ko. “Bwisit naman...” sabi ko sa sarili ko.
Pagbukas ko ng pinto ng nakasimangot, binungad sa mukha ko ang isang bouquet ng pink roses. Tinulak ko palayo ang mga bulaklak. “Ano ba—”
“Welcome back!”
“Jake?”
Nginitian niya ko sabay abot ng bulaklak. “Bye!” then bigla siyang tumakbo papunta sa elevator.
What the fudge? Ano yun?ang weird naman ata ng mga tao ngayon?
Tinignan ko ang bulaklak habang sinsara ko ung pinto. May letter na nakakabit rito pero imbes na gaya ng mga dating padala ni Christian o Jake na nakaenvelope, yung sulat ngayon ay nakarolyo na may nakataling silver na ribbon. Pinatong ko sa counter top yung bulaklak sabay kuha nung sulat. Hinila ko ang ribbon at binasa ang sulat.
Akala ko isang special message na naman from Christian to, akala ko ito na yung surprise niya sa’kin na sinasabi niya para sa pagdating ko... pero hindi pala. Dahil ang letter ay naglalaman ng instructions. Ang nakasulat pa sa itaas nito ay, to-do list.
Naguguluhan ako sa mga nangyayari pero feeling ko ito nga ang surprise sa’kin ni Christian. Baka may dinner date kami or something? ewan... basta kahit pagod ako, gagawin ko ‘to. Ang sweet eh. A for Effort.
Wear white dress [Check]
Wear white shoes [Check]
Go to your school [Check]
YOU ARE READING
Dear Diary
Teen Fiction( tagalog story ) ang dating ng kwento nito ay parang pagkwekwento lang kasi first person ang gamit ko so... i hope maenjoy niyo dahil after how many year ngayon lang ulit ako nakasulat ng tagalog :)
