Chapter 4: Family

219 4 0
                                    

Chapter 4: Family

Paguwi ko ng bahay, hindi ko maalis ang shock sa mukha ko. Shock kasi one, hinalikan ako bigla ni Chirstian... two, damn may boyfriend na ko! Gwapo at mayaman pa! San ka pa di ba?

“Oh anong nangyari sayo?” bungad ni Kuya pag pasok ko sa bahay. “Ba’t parang namumula ka diyan? May sakit ka ba?”

Umiling ako kaagad. “Wala... ano lang... mainit sa labas kasi...”

Kumunot ang noo niya tas sabay silip sa bintana. “Mainit eh mukha ngang uulan...”

Napatingin din ako sa bintana at natawa na lang ng bigla nang makita ko na, makulimlim nga. “Oo nga noh...”

“Siguradong okay ka lang? Nakadrugs ka ba?”

“Kuya naman eh...” Napatawa si Kuya ng mahina which caught my attention, kasi bihira lang tumawa si Kuya, lalo pa sa loob ng bahay. “Mukhang Okay ka ngayon ah...”

Ngumiti si Kuya, abot tenga ang ngiti niya. “Nakausap ko si Mama.”

Napanganga ako sa revelation na yun. “Really? When?” then hinila ko si Kuya papunta sa sofa para hingkayatin siyang magkwento sa’kin.

~

It’s been 8 or 9 years na ata since huling nakita ni Kuya si Tita Jodi, yung real mom niya. After kasing sabihin ni Tita Jodi na, anak ni papa si kuya eh nagalak si papa... kasi naman pangarap daw talaga ni Papa yung magkaanak na lalaki, noon pa man.

Nung una, pumayag si Papa na sustentuhan si Kuya hanggang makagraduate siya ng college pero habang tumatagal daw eh, masyadong napapadalas si papa sa bahay ni tita Jodi which kinagalit ni mama. Kasi napapabayaan na kami ni papa dahil doon. Naaalala ko pa nga yung mga gabi na kumakain kami ni mama ng hapunan, wala siyang ginawa kung di umiyak dahil wala si papa. Lagi pang sinasabi sa’kin ni mama nun na wag daw akong magalala kasi mahal pa rin daw ako ni papa, na bumabawi lang siya sa mga taon na hindi niya nakasama yung anak niyang lalaki...

Naintindihan ko naman yun eh, kaya nga never ako nagalit kay tita Jodi at kay kuya. Ang ayoko lang naman eh yung ginawa ni papa kay mama. Simula nun, parang hindi na asawa si mama sa kanya. Nagiging pangdisplay na lang pag may occasion or whatever. Then when tita Jodi got married at hindi tanggap ng napangasawa niya si Kuya, inampon kagad ni papa si Kuya legally. Ang saya-saya ko pa nga nun kasi, alam kong dahil dun araw-araw na ulit si papa sa bahay pero hindi pala.

Nung una, okay-okay pa... pero nung tumagal na, Si Mama, naging tahimik... sa sobrang tahimik, maririnig mo lang siyang magsalita kung tungkol sa business niya ang itatanong mo. Then si Papa naman, masyadong naging focus kay Kuya nun, na bigyan siya attention kaya... yung problem between him and Mama hindi nasolusyonan. Nahurt si Mama, hindi man inayos o kinausap ni Papa ‘bout dun. Tapos kami ni Kuya, well... ilang kami nung una, pero after niya akong iapproach naging okay kami kagad. Kami na nga nagdamayan through ups and downs naming sa pamilya. Siya tinatakbuhan ko pag iiyak ako dahil si Papa nagagalit dahil may bagsak ako o pag iiyak ako dahil nakikita kong nagaaway sila ni Mama o hindi na nagiimikan. Naging tunay na Kuya talaga siya sa’kin nun. Kaya nga now na siya naman ang naaapektuhan dahil kay Papa, ako naman kadamay niya. Gagawin ko lahat para kay Kuya.

~

“Naglakas loob akong dalawin siya kanina, bago ako umuwi. Galing lang sila ng asawa niya from America.”

“Oh my god! Ano reaksyon niya nung makita ka niya?”

“Of course nagulat siya na may stranger na tumawag sa kanyang Mama.”

Dear DiaryWhere stories live. Discover now