Chapter 3: Kiss

209 3 1
                                    

Chapter 3: Kiss

O m g! I can’t take this. It’s been 2 weeks since nangyari yung “incident”. And what I mean about the word incident was, Mr. Ray-ban... holding my hand... under the fireworks...

It’s been 2 weeks damn it! Pero hanggang ngayon naaalala ko pa rin yung moment na yun.

[School corridor *locker*]

Alas dose na nung matapos yung second class ko, dumaan ako sa may locker ko para iwan lahat ng books ko dahil sabado naman bukas at wala kaming homework for this weekend. Balak ko sanang yayain magmall ulit si Beth bukas pero nung tinawagan ko siya, habang nilalagay ko yung mga books sa locker, hindi daw siya pwede dahil maga-out of town daw silang buong family kasama yung family ng napakasalan ng ate niya.

Nakakainggit.

Pagtingin ko sa relos ko, 12:30pm pa lang at mamayang 3pm pa next class ko, kaya naisipan ko munang pumunta ng library. Sinara ko yung locker ko sabay lagay ng cell phone ko sa bag ko. Hindi ko tuloy nakita dinadaanan ko kaya ayun, nakabangga tuloy ako.

“Ay sorry po!” nasabi ko. Pagtingin ko, sa kung sino nabangga ko, nagulat ako. “Pete?”

Napakunot ang noo niya ng binanggit ko pangalan niya, hindi niya ko siguro matandaan.

“Pete... si Chloe to!” paliwanag ko. “Classmate tayo nung... grade 4 or 5 tayo... Chloe Mercado!”

Napapitik siya nang maalala na niya ko. “Oo! Chloe... yung siga!”

“Oo ako nga yun!”

“Dito ka pala nagaaral... ba’t parang ngayon lang kita nakita?”

“Well... ewan siguro conflict schedules natin.” Napapailing siya habang nakatingin sa’kin, nakangiti. “Oh bakit ka nakangisi diyan?”

“Eh kasi naman... gumanda ka na... hindi gaya nung dati...” asar niya

“Ang yabang mo! Kaw din naman eh...”

Niyaya kong kumain ng lunch si Pete sa may canteen namin. Nagkamustahan kami, about sa family namin, sa school, sa mga namiss namin sa buhay ng bawat isa. Wala kami ginawa kung di tumawa ng tumawa, lalo pa’t kapag napaguusapan namin yung mga kalokohan nung mga bata pa kami tsaka yung mga nakakahiyang moments sa school. Nabansagan pa nga kaming pareho nun eh. Ako tinatawag nila akong siga kasi ako laging mahilig makipagaway noon sa mga lalaki pero hindi dahil trip ko lang, nakikipagaway ako kasi pinagtritripan ako, inaasar. Si Pete naman, tinatawag nilang iyakin o duwag, kasi hindi niya pinapatulan yung mga nangaaway sakanya kasi alam niya hindi mabuti yun.

Weird noh, magkaiba kami pananaw nun pero nagkasundo kami, kasi parehas kami nun ng problema, Parents. Ang magulang ko, well kung ano sila ngayon, ganoon din sila noon. Sa kanya naman, hiwalay ang magulang niya. Kinukutya kami about dun na hindi ko maintindihan kung bakit. But what can I say, bata pa naman kami nun.

“So kamusta na Mama mo?” tanong ko

“Okay naman... ayun single but happy. Eh kayo? Kamusta na?”

“As usual. Dad is being himself. And Mom... ayun... lalong natahimik na.”

“Eh ang kuya mo?”

Napabuntong hininga ako ng malalim.

“Hindi ba pinagtatanggol ng Mama mo ang kuya mo?”

Dear DiaryDove le storie prendono vita. Scoprilo ora