Chapter 16: Twilight

147 1 0
                                    

Chapter 16: Twilight

Sobrang depress ako this past few days, ni hindi nga ako makapgconcentrate sa lahat ng ginagawa ko, tas dagdag pa yung pagiging clumsy ko. Nagaalala na nga si Kuya sa’kin eh, baka daw kung kailan malapit na kong grumaduate dun pa lalagapak ang mga grades ko dahil sa break-up lang.

Tuwing naiisip ko yung araw na ‘yun, napapailing ako sa sakit. Hindi ko inexpect yun. Ganun pala ang feeling ng break-up pag hindi mo naforesee ang mga bagay-bagay, ganun pala pag ganun mo kamahal yung tao. Ang sakit. Sabi nga ni Kuya ngayon lang daw niya ko nakita na ganun, tahimik, hindi nagkwekwento o nagagalit man lang so kinausap niya si Beth at Pete para samahan ako, whenever at wherever. Natatakot ata si Kuya nab aka isipin kong magpakamatay.

Saturday, niyaya ako ni Beth at Pete manood ng sine, twilight saga: New moon. Paborito ko ang book series nito, ilang beses ko pa ngang binasa ang set namin sa bahay nun dahil sa sobrang ganda, pero dahil sa nararanasan ko ngayon, nakaupo ako sa loob ng sinehan, hindi ako mapakali... hay. Lahat ng nasa sinehan kinikilig sa mga bawat eksena, pati nga si Pete at Beth tutok na tutok.

Gusto kong magwalkout, sobra, pero ginagawa ko ‘to for the sake of kuya at syempre para sa sarili ko. Ayoko namang maging miserable buong buhay ko dahil sa break-up na ‘to. Sinubukan kong manood, hanggang dumating sa eksenang, iniwan ni Edward si Bella sa gubat. Wow. Parang nakita ko lang ang itsura ko nung ginawa sa’kin yun nu Christian. Nakakaawa si Bella, nakakaawa ako. Tapos dumagdag pa si Jacob, na tinatawag ni Bella na Jake. What a coincidence.  

Possible nga bang magmahal din ako ng dalawa gaya ni Bella? Pero hindi ba’t parang mali dahil magkapatid si Christian at Jake.

“Punta lang ako ng CR...” bulong ko kay Beth, na napakaserious sa pinapanood na ni makatango ay hindi magawa.

Pagpasok ko sa CR, walang tao, solo ko ang kaunting katahimikan pero hindi ako makakatakas sa pelikula dahil hanggang CR medyo naririnig mo pa rin. hindi ko tuloy talaga maiwasang ikumpara ang buhay ko kay Bella, well, of course love life ko lang naman.

Pareho kaming torn between lovers pero ang akin ay realistic. Duh! Hindi ako in love sa Vampire at werewolf, pero in love ako sa dalawa... o baka akala ko lang in love ako?

Pagtapos ng sine, naglakad-lakad kami sa Mall para makahanap ng makakainan habang yung dalawa, walang ginawa kung di pagusapan yung movie. Kasama naman nila kong nanoon pero feeling ko parang naout of place ako, hindi naman sa wala akong pake sa movie pero kasi, apektado lang ako masyado siguro kaya ayaw kong pagusapan.

“Manlibre ka naman...” asar ni Pete kay Beth

“San niyo ba kasi gusto kumain?” tanong ni Beth “Chloe?”

“Huh?” lutang ata ako

“Girl, san mo gusto kumain?”

“Ahm... kahit saan.”

Si Pete pumili ng kakainan namin, isang restaurant siya, mukhang medyo pricy siya pero okay lang kay Beth yun. Hindi ko nga matandaan pangalan ng lugar eh, masyado kasing occupied ang isip ko. Basta pumasok kami at umupo na lang ako, sila na nga din pinapili ko ng pagkain ko eh.

“O-Oh...” biglang sabi ni Pete

Lumingon kami ni Beth sa tinitignan ni Pete at nakitang papasok si Christian at Jake, kasama ang Dad nila.

Tumigil ata bigla ang mundo ko, narealize ko na lang na nakalimutan kong huminga nung naramdaman kong sumikip na ang dibdib ko sa sakit.

“Gusto mo bang umalis na tayo dito?” tanong ni Beth

Dear DiaryWhere stories live. Discover now