Chapter 14: Torn between two lovers

134 1 0
                                    

Chapter 14: Torn between two lovers

“Kailan ka pa naging drig adik?” tanong ni Beth

“Huh?”

“Duh~ girl look at those eye bags of yours...” hinarap niya sa’kin ang maliit niyang salamin.

“Busy lang kakaaral.”

“Aral? Chloe, kailan ka pa nagpakapuyat sa pagaaral.”

“Ano ibig sabihin mo dun aber?”

“Hindi naman ‘yun gusto ko parating, I mean, ritwal mo nang magaral ng may araw, dahil nga ayaw mo ng ganyan!” sabay dutdot sa eye bags ko.

“Pressure ng graduating na kasi eh...”

“Sabagay, sila ate nga kala mo nanalo sa lotto ng marinig hindi ako delikado ngayong sem.”

Then biglang may humalik sa pisngi ni Beth na kinagulat namin pareho.

“Jojo!” sigaw niya sabay akap sa mokong niyang BF. “Kamusta exam mo?”

“Sisiw.” Pagyayabang ni Jojo “Ikaw babe?”

Babe? O m g! I want to puke! Ilayo niyo ko sa dalawang ‘to.

“Namumutla ka ata? Okay ka lang ba Chloe?” tanong ni Beth

Nangiti si Jojo. “Hirap ng pinagaagawan ng magkapatid noh?”

Teka pano niya nalaman ‘yun?

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko, kungwari wala akong alam

Naglean forward si Jojo para bumulong. “Balibalita kahapon, galing sa mga katropa ko na, minsan daw pumasok si Jake na may sugat sa labi... sabi nakipagsuntukan nga daw. Naging issue kung kanino at may mga naginbistiga... Kuya daw niya may gawa nun dahil daw sa babae.”

“Eh ba’t ako naman naisip mo?”

“Bangag ka ba? Matagal nang may gusto sa’yo yung Jake. Naging classmate ko ‘yun ilang beses, huling-huli mo, makatitig sa’yo wagas!”

Napanganga na lang kami ni Beth sa mga sinabi ni Jojo.

“Don’t tell me hindi niyo napapansin yun?” tanong ni Jojo, habang sabay kaming tinitignan ni Beth

Umiling kami, sympre hindi namin napansin yun, hindi ko nga alam na may kapatid si Christian nun eh.

“Sipag nga niya bumili ng bulaklak halos araw-araw para padala sa’yo...”

“Siya ang secret admirer mo Chloe?” sigaw ni Beth

Great timing pa kasi andun si Jake, sa likod niya, halos kadadaan lang at narinig pa ata sinigaw ng kaibigan ko. Nginitian ko siya pero hindi siya ngumiti pabalik.

~

Paguwi ko nadatnan ko si kuya na nakakulong sa kwarto at busy nagrereview para sa finals. Nakita ko na lang note niya sa dining table na nakaready na dinner ko at sorry hindi siya makakasabay dahil tatlo exams niya bukas, habang ako, tapos na. Atat din ang mga prof ko na matapos na ang sem namin. Excited nang magtampisaw sa beach o kung san man.

After ko kumain, naisipan ko nang matulog pero tuwing pinipikit ko mata ko ang pumapasok sa utak ko ay ang mukha ni Jake kanina. Nabobother ako. Hindi ako makatulog. Pagtingin ko sa alarm clock ko, almost midnight na gising pa rin ako.

Tumayo ako sa pagkakahiga ko at pumunta ng kusina para makahanap ng gatas para makatulog ako. Kahit naman wala ako pasok nito kinabukasan eh, dapat ang tao natutulog.

Then nang pagbalik ko sa kama ko, nakita ko umiliaw ang cell phone ko. May text ako galing kay Jake, nagreply naman ako kaagad.

Jake: Tulog ka na ba?

Chloe: Hindi pa, bakit?

Jake: Sumasakit pa ba ulo mo dahil sa aksidente?

Chloe: Hindi na... thanks

Jake: Sorry.

Sorry? for what? sa kanina? Sa pagiging admirer? Sa pagaaway nila ni Christian?

Then bago pa man ako makapgreply eh may isa kagad na text. Nung una akala ko si Jake pero...

Christian: gising ka pa ba?

Chloe: Yup

Christian: Bakit gising ka pa?

Chloe: Hindi ako makatulog

Christian: Bakit?

Jake: Uy... sorry...

Chloe: para san?

Christian: Chloe?

Chloe: Ewan ko nga eh.

Jake: Nagkaroon daw kayo ng maliit na arguement sabi ni Kuya

Chloe: Ah. Medyo.

Jake: Ok na ba kayo?

Christian: Ano ba kasi ginagawa mo?

Chloe: Magkatext kami pero ewan ko kung Okay kami...  ;l

Then maya-maya, narealize ko WRONG SEND ako!

Christian: may katext ka bang iba?

Jake: Tulog ka na?

Hindi ko na alam kung sino rereplyan ko! Natataranta ko sa kanila. Napakabibilis naman kasing magreply ng mga ‘to. So naisip ko na magsend na lang ng isang message for the both of them, kaso baka magalit silang pareho.ayoko magsinungaling sa kanila...

Chloe to Christian: Oo, si Jake...

Chloe to Jake: Sorry, nalilito kasi ako, nagtext din kasi si Christian

Then no replies.

Nagaway kaya sila?

Christian: Ah ganun ba. Sige. Matulog ka na.

Oh no!

Jake: Ah. Ok lang. Sige. Good night.

Crap!

Dear diary,

Ano ba ‘tong buhay na ‘to? Hindi naman ako kagandahan pero bakit ganito? Ang hirap pala pag may mga taong parehong nagpapahalaga sa’yo at ayaw mo silang saktan in any way na pwede. Tapos ito pa, kailangan kong mamili sa kanila...

Wait? Mamili, dapat nga ba akong mamili? Eh kami ni Christian di ba? Ano ba ‘to, may nararamdaman ba kong iba kay Jake o pagaalala lang ‘to?

Hay sana lang isang araw pag gising ko magkaroon na na mga sagot sa mga tanong ko sa buhay ko. Nahihirapan na ko. Nakakadistract!

Ah! Basta! Bukas ang gagawin ko, ibibigay ko ang araw ko para sa sarili ko lang wala na, ako at ang camera ko lang. Tapos! Lalayo muna ko sa mga problemang ito, na hindi pa ko handing harapin.

Dear DiaryWhere stories live. Discover now