Chapter 27: I love you... will you...?

173 2 0
                                    

Chapter 27: I love you... will you...?

3 days na lang before the wedding. Now, ang paghahandaan ko naman ngayon ay yung bridal shower...

Ang bridal shower party ni Ate Victoria ay ginanap sa hotel. Simple lang ang motif, white, black and pink. Long tables ang napili niyang gamitin para sa event kasi gusto niya, lahat magkakaharap at nagkakausap talaga. Ayaw niya magkaroon ng others.

Bawat table, it consists of 8 black chairs, 3 sa each sides and 1 in each end. Tapos ang center piece na pareho naming naisip na bagay ay yung glass layered center peice tapos may pink and peach flowers para fresh ang dating, Para romantic din tignan dahil plain creamy white ang table cloth. Pati nga kutsara at tinidor ay nakikimotif din dahil ang may touch of black ang mga ito.

Then for the souvenirs, isang box na may lamang cupcake na nakasulat ang name ng bride and groom plus isa pang mini box kung saan may lamang pink lipstick. Cool noh? Ako kaya? Pag kinasal ako, san at ano gagawin ko sa bridal shower ko? Hmm...

“Chloe,” sabay akap sa’kin ni ate. “Thanks for helping my mom to prepare all this.”

“Wala yun...”

“No, really, akala ko hindi na masusulusyunan yung location...”

“Nagkataon lang naman kasi na nagkagig ako dito dati, naging acquiatance ko yung manager.”

Napangiti siya at niyakap ulit ako, “Thank you talaga...”

Then habang paalis na ko sa akap ni ate, biglang umikot ng mabilis ang mundo ko ng masilayan ko si Wilma. As usual, lahat napapatigil at titig sa kanya pag dumarating siya, nagpapakaimportante kasi... gusto pa atang talbugan si ate V.

And as usual, maganda na naman siya. Nakapony tail lang siya pero ang sophisticated tignan. Ganun ba talaga pag model?

“Ma’am!” bati ni ate Victoria sabay beso kay Wilma at sa dalawa pa nitong kasama.

Charlie’s angel?

“Ma’am Wilma, meet my future sister-in-law... Chloe Mercado.”

Nilipat ni Wilma ang tingin niya sa’kin. “We meet again.”

Ngumiti lang ako, pakitang respeto para sa girlfriend ni Kuya, pero kung wala siya baka deadmahin ko ‘tong babae na to.

“Where is Chris?”

Arte namang magsalita nito. “All girls party kasi so...”

“Ah.” Then bigla niya kong tinalikuran.

“May hindi ba ko alam?” tanong ni ate

“Well, ex...” bulong ko

“Oh my... I’m so sorry I didn’t—”

“It’s okay. Don’t mind me. It’s your party.”

~

Habang nagpapatuloy ang party sa may garden, pumasok muna ako sa hotel para magpunta sa restroom.

Dear Diary,

I don’t know with me and restrooms... kasi tuwing papasok ako may nagchichismisan na mga babae then mostly tungkol pa sa’kin. Ano ba meron?

Pagsara ko ng cubicle may pumasok na mga babae. Nagtatawanan at pinupuri yung party na, well, kasama ako sa mga nagarrange. Then biglang...

“Ang ganda ni Wilma noh...”

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon