Chapter 6: Ano nga ba?

171 1 0
                                    

Chapter 6: Ano nga ba?

Nakakaasar, after ng wonderful date ko with Christian pakiramdam ko lalo pa kong naguluhan sa kung ano kami. I know na kami pero pakiramdam ko hindi, kasi I never told it to anyone, even to Beth.

Why? Hmm... why nga ba hindi?

Wah! Nakakaguilty naman ito. Gutong-gusto ko iopen na ang topic about me and Christian ngayon kay Beth pero natatakot ako. What if sabihin niya na ang bilis ata? O na hindi kami magwowork kesyo ganito ganyan... Pero siya din naman nagencourage sa’kin... well sinabi lang naman niya age is a number pero kahit na.

Bwisit! Ang hirap naman ng ganito! Bakit ba ang gulo ng utak ko. Ganito din kaya si Christian? Napapaisip din kaya siya about us or ako lang?

Ano bay an, parang ang labas nito ako tong patay na patay sa kanya, namomoblema about sa’min and siya... “he likes me”

~

“Chloe!” sigaw ni Beth sabay tapik ng noo. “Lutang ka ata ngayon? Ni hindi mo nga ginagalaw yang salad mo... are you okay?”

Bumuntong hininga lang ako, hindi ko alam ang sasabihin sa kanya.

“What’s wrong with you ba ha? Family again?”

“Never naman nawala yun eh...”

“Eh ba’t ganyan mukha mo? Para kang nalugi.”

I wrinkled my nose. “Nah! I’m not in the mood lang siguro.”

“Wait. May tinatago ka ba sa’kin? Chloe?”

“Wala... W-Wala...”

“Kaibigan mo ko at matagal na kitang kilala and I know pag may tinatago ka so... spit it out!”

Huminga ako ng malalim na malalim bago ko umpisahan na iopen sa kanya ang about sa’min ni Christian pero biglang may nakaagaw ng attention ko from a far. Naglalakad si Pete papunta sa table namin ni Beth sa canteen, carrying a bouquet of flowers.

“What’s with... the flowers Pete?” tanong ko.

“Here.” Sabay abot sa’kin ng bulaklak. “Don’t think na sa’kin galing yan coz’ hindi... basta ang alam ko, may batang lumapit sa’kin sa pagpasok ko ng school and sabi iabot ko daw sa’yo.”

“Bata?” tanong ko, sabay hanap sa card na pwedeng magsabi kung kanino galing. “S.A?”

“Secret Admirer!” biglang sabi ni Beth

“W-Wait. What?” sabi ko. “Ay... by the way, Pete ... si Beth and Beth si Pete. He’s a old classmate of mine and she’s my best friend.”

“Nice to meet you.” sabay nilang sabi habang nagkamay.

“Nice Chloe! Finally may someone nang nakaappreciate ng beauty mo.” Asar ni Beth

Habang nagkakakilanlan sina Pete and Beth, sinubukan kong itext si Christian par asana magthank you pero bago ko pa man pindutin yung SEND, nagdalawang isip ako.

Paano kung hindi siya ang nagbigay nito? At bakit Secret Admirer pa gagamitin niya? Does this mean na, ayaw niyang ipaalam yung about sa’min? Hmm...

“Ayan ka na naman Chloe...” sabi ni Beth “Tumutulala ka lang naman ng ganyan pag may nagbobother sa’yo.”

Dear DiaryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora