Chapter 11: "Ama"

146 1 0
                                    

Chapter 11: “Ama”

Hinila ko ang kamay ko palayo sa kanya sabay atras na rin. tapos bigla ko na lang narinig ang biglang katahimikan sa sala. Hindi ko na naririnig ang malakas na tawa ni Beth. Nagtinginan kami ni Jakes saglit bago kami tuluyang pumunta sa sala para tignan kung ano nangyari.

“Kuya...?” napatigil ako ng lakad nang makita ko si Mama at Papa, nakatayo sa door way at kaharap si Kuya, na gaya ng lahat ay nagulat din sa pagdating ng magulang namin. “Anong ginagawa niyo dito?”

“Bakit pa nga ba?” sabi ni Papa “It’s my only daughter’s 20th birthday.”

“Paano niyo nalamang andito kami?” tanong ni Kuya

“Sino pa ba pwede niyong lapitan?” sagot ni Papa habang pumasok siya ng condo ng hindi iniibita na pumasok. “Mukhang dapat pala inagahan natin ang dating.”

“Sinong may sabing pwede kang pumasok?” sabi ko, then bigla ko naramdaman ang kamay ni Christian na humawak sa kamay ko. Pinipigilan niya siguro ako na magwala.

“Ma... Pa... please.” Sabi ni Kuya “Hindi pa ayos ang lahat sa atin kaya...”

“Kaya ano?” sabat ni Mama

“Kaya ano?” nagpintig tenga ko sa boses ni Mama. “Ang lakas ng loob mong pumunta rito after mo makipaglandian sa lalaking...”

“Tama na Chloe!” sigaw ni Papa

“Pareho lang kayo!” sigaw ko

“Nandito kami para magkaayos-ayos na tayo tapos ginaganyan mo kami?”

“Makipagayos? Wow! Ano nakain niyo?”

“Chloe...” bulong ni Mama, sabay subok na hawakan ako, pero nilayuan ko siya at tinignan ng masama.

“Hindi na maaayos ang pamilya natin! Wala na tayong pagasa!”

“Kaya nga kami nandito...” dagdag ni Mama

“Bakit? Porket ba kumain tayo ng sabay-sabay maaayos na ang lahat? Ma, for how many years kumakain tayo ng sabay-sabay once or twice a month, may naayos ba? May nabago ba?”

“Ano bang gusto mo gawin namin para hayaan mo kami na ayusin ang lahat? Sinusubukan namin na ayusin ‘to.” Sabi ni Mama

“Ngayon niyo pa naisipang ayusin ha... ni simpleng Sorry nga hindi niyo nagawa.” Tinalikuran ko sila at sinigaw. “Umalis na kayo! Wala kayong mapapala sa pagpunta niyo dito!” sunod, bagsak ng pintuan ng kwarto ko.

~

Dear Diary,

Ano ba ang nagwa ko sa diyos at pinahihirapan ako ng ganito? Sa araw-araw na lang, lagi na lang naguumapaw ang psuo ko ng lungkot, sakit, regret at kung ano-ano pa...

Ano ba nagawa ko para maging ganito kamala sang buhay ko? Hindi na ko nawalan ng problema. May nagawa ba ko sa nakaraang buhay ko para maging ganito ako?

Sa taon-taon na lang na nabuhay ako, laging ganito birthday ko, puno ng luha... bakit?

Kailan kaya ako magcecelebrate ng birthday ko ng walang problema... ay hindi kailan ba ko gigising sa umaga na walang iniisp kung hindi ang exam o h.w ko sa isang pa-major na subject... kailan kaya yun?nakakamiss yung ganun... gigising ako ng Masaya as in ubod ng saya...

Dear DiaryWhere stories live. Discover now