Chapter 2: Fireworks

255 5 2
                                    

Chapter 2:  Fireworks

Nung sumunod na araw, gumising na naman ako ng tahimik ang sa bahay. Si Papa panigurado nasa trabaho, Si Mama naman nandun sa Bake shop, ginagawang busy ang sarili at Si Kuya naman, ayun nagkukulong sa kwarto, nagaaral. 24/7 pa atang nakabantay si Manang Lourdes sa kanya. Hay, kawawa naman si Kuya at si Manang, walang magawa kung hindi sumunod sa utos ni Papa.

Kakatukin ko sana si kuya sa kwarto niya, para mangamusta pero nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto. ”Manang!”

“Naku pasyensya na Chloe.” Sabay kandado ng pinto.

Napasimangot ako. “Manang... bakit niyo nilolock ang pinto?”

“Bawal pumasok iha, utos ban g Papa mo.”

“Si Papa nagsabi na ikulong si Kuya diyan?”

“Hindi ko man gusto eh...”

Napabuntong hininga na lang ako habang naiisip ko kung gaano kalupit ang Papa k okay Kuya.

“Magaalmusal ka ba?”

“Hindi na po. Nawalan na ko ng gana.”

Paalis na sana ako para pumasok nang biglang tumunog ang cell phone ko. At nang makita ko kung sino ang tumatawag, napatakbo ako sa kwarto ko at kinandado ang pinto bago ko sagutin.

“Kuya... ano ba nangyari?”

“Shh... wag ka maingay... tinakas lang ni Manang ‘tong cell ko. Gusto lang kita i-goodluck sa exam mo...”

“Kuya...”

“Wag ka magalala... okay lang ako. At least I’m Dad free sa kwarto ko.”

“Ano ba kasi nangyari?”

“The usual. I told him what I want and he didn’t listen to me.”

“Sinaktan ka ba ni Papa?”

“Yeah... he hurt my feelings pero Chloe... ok lang. Malapit na kong mamanhid sa masasakit niyang salita...” tapos biglang narinig ko na may bumagsak na libro sa kabilang linya. “Sige na. malalate ka pa. Bye.”

“Bye.”

~

Hindi ko maalis sa isip ko si Kuya. Naaawa ako sa kanya... nagdudusa siya dahil sa’ming pareho. Siya kasi ang nagsasalita para sa kanya at sa akin. Naalala ko tuloy nung araw bago ako nagcollege. Sinabi k okay Papa na gusto ko ang photography pero of course sabi niya, “Anong mapapala mo sa pagkuha-kuha ng litrato ha! Hindi kita pinagaral ng ilang taon para kumuha lang ng litrato!”

Tuwing naaalala ko yun nasisira ang mood ko. Kaya ayaw na ayaw kong makita si Papa. Naiingit nga ako kay Beth kasi, kahit hindi naman sila mayaman, yung tama lang, nagagawa niyang magenjoy. Tapos close pa siya sa parents niya. Natatakbuhan niya pag may problem siya, nakakausap niya about sa mga bagay-bagay na gusto niyang iopen. In short, healthy ang relationship nila.

[School corridor]

Naglalakad ako palabas ng classroom ko nang marinig kong tinawag ako ni Beth mula sa likod ko. At nang lumingon ako, nakita kong tumatakbo siya papunta sa’kin at umiiyak. Tinanong ko siya kung anong problema pero hindi siya makapgsalita, Humihikbi lang siya ng humihikbi so dinala ko siya sa ladies room, para magkaroon kami ng konting privacy nang makapagopen-up siya sa’kin.

Dear DiaryМесто, где живут истории. Откройте их для себя