Chapter 18: Somebody that I used to know

195 2 0
                                    

Chapter 18: Somebody that I used to know

Dear Diary,

Sabi ni Beth nagiba daw ang dating ko dahil sa buhok ko, parang hindi na daw ako yung Chloe na kilala niya. Natawa pa nga ako nung una kasi, parang ang nonsense naman yun pero napaisip din ako. Buhok ko nga lang ba ang nagbago? O pati ako na rin?

~

Dumating na ang araw na pinaghandaan ko ng isang lingo, ang birthday bash ni Jake. Kinakabahan ako.

As usual gusto ni Beth siya bahala sa pagaayos sa’kin kaya maaga na naman niya ko pinapunta sa bahay niya at pinamake-upan sa hinire niyang make-up artist. Grabe lang ang yaman ni Beth ah. 

Isa-isa naming sinuot ang costume namin, Si Pete, as Harry Potter... si Beth as Cat woman and ako, well, nahirapan ako mamili nang babagay sa’kin lalo pa’t ang daming pagpipilian pero ang kinabagsakan ko ay Vampire. Tutal naman, ang kwento ko with the Hernandez brothers ay mala “twilight ang datingan. Kaso ngayon ko lang narealize, ang sakit at ang weird pala ng feeling nang nakacontact lense. Almost half blind pa ko dahil red contacts ang suot ko.

Pagdating namin sa mismong mansion ng mga Hernandez, nashock pa kami pare-pareho dahil sa dami ng tao.

“Takte!” sabi ko, “Parang gusto ko na lang umuwi...” tumalikod ako pero hinila ako ni Beth pabalik

“Chloe! Nagpakahirap ako para ayusan ka bilang gorgeous vampire tas uuwi ka? Tsaka para matapos na paghihirap mo, kausapin mo na si Christian, once and for all!”

“Eh~ naman kasi~”

Pinalupot ni Beth at Pete ang parehong kamay nila sa magkabila kong braso.

~

Grabe lang ang bongga ng party, lahat game na game sa pagcocostume. Tinalo pa nila sa bongga si Lady Gaga.

Kaming tatlo nila Beth at Pete ay never naghiwalay sa umpisa ng party, kami lang kasi magkakakilala eh pero... well, feeling ko kaya lang nila ako hindi maiwan dahil baka iniisip nila na hindi ko kakayanin magisa na makaharap ang isa man sa magkapatid. Napakaburden naman nito para sa’kin, hindi sila nageenjoy at nakikipagkilala sa iba dahil lang sa’kin, so ang ginawa ko, nagpaalam ako sa dalawa na magpupunta ako sa restroom.

“Samanhan kita?” sigaw ni Beth dahil sa lakas ng tugtog.

“Okay lang, kaya ko naman!”

Mission accomplished. Pagkalayo ko sa dalawa, agad-agad namang may nakipagusap sakanila para tanungin sila tungkol sa mga costume nila.

Lakad lang ako ng lakad, paikot-ikot sa malaking back garden nila Christian. Napunta pa nga ako dun sa magandang tent, na mukhang medyo binago nila para umayon sa event. Hay ang tent kung saan kami naupo kasama ang Dad niya, nung una ako nakapunta rito. Then habang lutang ang utak ko sa pagtitig sa tent, biglang pumasok sa isip ko ang reason ba’t ako napunta rito, “Christian...” bulong ko sa sarili ko.

Ginawa ko ang best ko para makadaans sa dagat ng tao, para mahanap lang si Christian. Ikot ako ng ikot, lakad ng lakad pero hindi ko siya makita sa buong garden. Nasan kaya siya? Then nang nagumpisa nang magpatugtog ang DJ, nagsimula na magkagulo ang mga tao. At dun ko narealize na mukhang wala siya sa party. Mukhang iniiwasan niya ko.

Sa napakagandang party na ‘to, mukhang ako lang ang hindi nageenjoy.

~

Umalis ako sa party at umakyat sa steps ng terrace/balcony, kung saan kita-kita ko ang lahat ng taong nagsasayaw at nagtatatalon sa saya dahil sa tugtog. Napapabuntong hininga na nga lang ako sa inggit ko sa kanila. How I wish I could enjoy the party like them.

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon