Chapter 15: Jake

150 1 0
                                    

Chapter 15: Jake

 

“Saturday, please be good to me.” bulong ko after ko marealize na umaga na.

Paglabas ko ng kwarto ko, nadatnan ko si kuyang nagtitimpla ng kape. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ko, “May party ba na hindi ko alam at mukha kang si tarzan diyan?”

Gusto ko man mainis sa pangaasar niya sa buhok ko, wala, ayoko, wala ako sa mood.

“Aalis ka ba?”

“Oo, gusto ko muna magmuni-muni...”

~

Una kong pinuntahan ay ang Rizal Park. At ang una kong napansin eh yung dami ng tao nung umaga pa lang na ‘yun. Balak kong umiwas muna sa problema tapos ito pa ang ingungudngod sa mukha ko, ang mukha ng mga pamilyang Masaya at kumpleto? Umalis na lang ako.

Pagakyat ko sa may LRT station, may mga nakasabay akong dalawang babae na mukhang schoolmates ko. Hindi ko naman sila kilala, nakita ko lang yung ID laces nila.

Mga freshman siguro.

Maya-maya, napansin ko na parang habang nagaantay sa may female area, nagbubulungan silang dalawa at nakatingin pa sa’kin. So inassume ko na ako pinaguusapan nila. Nagiba tuloy ang feeling ko, nailing ako at parang hindi mapakali. Tapos pagdating nung tren, agad-agad akong pumasok at umupo sa malayong pwesto sa kanila. Sinubukan kong wag silang pansinin sa buong byahe kaso sa tuwing mapapatingin ako sa direksyon nila, nahuhuli kong numanakaw sila ng tingin.

Nabanas na ko, so wala pa ko sa station na dapat kong bababaan eh lumabas na ko. Sakto namang pagbaba ko eh nakabangga ako. Napareact ang lahat ng pareho kaming natumba ng nabangga ko, Siya napahiga siya ng patalikod habang ako, napasaluobsob. Tinulungan kami ng ibang pasahero na pasakay.

Nakakahiya soooooooooooooooobrrrrrrrrra!

 

“Ano ba ‘yan Chloe,” biglang sabi ng lalaki “Ba’t ka ba nagmamadali, hindi naman siksikan...”

Pagtingin ko si Jake pala nakabangga ko. Natameme ako kasi after 100 years, kinausap ulit ako ni Jake.

Pagkatayo naming pareho, hinila niya ko papunta sa tabi dahil nakaharang kami sa daan, then kinuha niya ang panyo niya sa bulsa at sunod na pinunasan ang kamay at tuhod ko na nadumihan sa pagkakasubsob ko. Nagulat ako sa gesture niyang ‘yun, ang sweet, pero nakakahiya sa kanya after nung sulat and all. Awkward. Pero ang nagpalala pa ng sitwasyon eh ang pagrereact na naman ng madlang people sa LRT station, “AWWWWWWWWWWWWWWW”

Natingin ako kagad kay Jake, nakita ko na napangiti siya which made me smile to kasi ang weird.

“Nasaktan ka ba?”

Umiling ako

“San ka ba papunta at nagmamadali ka?”

“Pauwi sana...?”

“Eh ba’t ka bumaba dito eh hindi naman dito ang papunta sa inyo?”

“Wala lang?”

Natawa siya. “Adik ka ba?”

“Eh ikaw, adik ka din ba? Hindi mo kaya ko kinausap ng matagal... ano bang meron?”

Nangiti siya. “Busy.”

“Busy, busy ka pa diyan.” Pagtataray ko. Nang sumimangot ako, bigla niyang kinurot ang pisngi ko. “Aray naman!”

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon