Chapter 9: nakakahilo... nakakalito...

180 1 0
                                    

Chapter 9: nakakahilo... nakakalito...

 

“San tayo pupunta?”

“Tinext ko na si Mama...”

“Hindi kaya magalit asawa niya sa’tin?”

“Kung ako lang baka magalit yun pero kasama kita kaya okay lang yun... tsaka mukha namang nakwento na ni Mama kung ano nangyari.”

“Sorry...”

Inakbayan ako ni Kuya at hinalikan sa noo at wala ng sinabi pa sa buong biyahe namin which is more like a torture. Hindi ako mapakali tuwing nakikita ko siyang lilingon sa’kin kasi naman, nakakaguilty. Oo nga nasabi ko nga lahat ng sama ng loob ko, gumaan ang pakiramdam ko pero parang napalitan naman ng pagsisisi after.

Sinalubong kami ni tita Jodi ng warm hug then binati kami ng asawa niya. Awkwardly, nagHi kami at nagpasalamat. Iniwan niya kami kasama si tita para itour saglit sa bahay at para makapgbilin. Iniwanan na rin niya kami ng pagkaing dinala niya mula bahay nila para may makain daw kami. May mainit sa sabaw din siyang binigay dahil nabanggit ni kuya na may konting sinat pa ko.

“Itext niyo lang ako kung may kailangan kayo ha...”

Nagpaalam na kami kela tita sa may pintuan at pagkasara ni kuya ng pinto, sinabihan na muna niya akong magpahinga sa kwarto at siya na bahala magayos. Pinagpilitan ko naman na gusto kong tumulong kaso sabi niya, magagalit siya pag hindi ako nakinig. Syempre, si Kuya na lang kadamay ko kaya ayaw ko ng magalit siya.

Pagpasok ko sa kwarto, pinatong ko ang iba kong gamit na sa mesa, pinasok ang mga damit sa cabinet at tinabi ang mga bag ko sa gilid. Umupo ang sa kama habang iniikot ko ang mata ko sa buong kwarto at dun ko nakita yung photoalbum na nasa study table malapit sa bintana. Out of curiosity, sinilip ko ang mga pictures na nakalagay dito. Hindi ko mapigilang mangiti dahil sa nakita ko, si tita Jodi, asawa niya at yung anak nilang babae, kitang-kita sakanila yung Masaya sila at talagang close. Hindi ko naman nasabi yun dahil nakangiti sila sa picture pero makikita mo naman sa mata ng tao kung sino yung nagkukungwari lang na Masaya, believe me I know. I’ve been living with that kind of family for years. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit.

~

Kinahapunan nung araw na yun, tinawagan ko si Beth and Pete para ikwento ang lahat ng nangyari sa’kin nung sabado at nung umaga. Pareho nilang sinabi na pupuntahan daw nila ko pero sinabi ko wag muna, hindi ko pa kayang humarap sakanila. Hindi naman dahil nahihiya ako dun sa nangyari pero yung parang hindi ako ready na makiharap muna, mentally and physically kasi nanghihina pa ko dahil sa sakit ko and then sa mga emotional things na biglang bumangga sa’kin, na hindi ko inexpect ever.

Then nagkwento pa ‘tong si Pete na yung lalaki daw nung sa party, yung kapatid ni Christian (which is hindi niya alam), nakasalubong daw niya sa isang kainan sa mall nung kuamin sila ng family niya sa labas. Wala daw ginawa kungdi tanungin siya about me habang nakapila sila sa counter.

Napabuntong hininga na lang ako sa kwento niya. “Thanks for telling me,” sabi ko “Bye” Pinikit ko ulit ang mata ko after ko patayin ang phone ko nang biglang kumatok si Kuya sa pinto and then may dala-dalang baskets ng fruits and flowers. “Kuya, magaling na ko...”

“I know. Pero, hindi sa’kin galing ‘to.”

“Kanino?”

“Walang sinabi eh...”

“Kuya, mamaya kung kanino galing yan. Baka bomba o ano man yan.”

Dear DiaryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora