Chapter 12: about to lose

154 1 0
                                    

Chapter 12: about to lose

Naglalakad ako sa school papunta sa library nang makita ko si Jake mula sa malayo. Ayun, balik normal na siya, alam ko at alam niya na nakita niya ko pero umiwas kagad siya ng tingin sa’kin. Hindi ko alam kung maiinis ako oh hindi ko na lang papansinin kasi tutal, ganun naman talaga siya sa’kin eh. Bumait lang siya sa’kin, one time, nung birthday ko last week.

Pumasok ako sa library at inikot ang mata ko para makahanap ng mauupuan ko pero sobrang puno ang library, hindi ako makakaidlip nito, so lumabas na lang ako ulit. At nung pagtulak ko ng pinto bigla na lang ako napaatras dahil may natamaan pala ako. Agad-agad naman akong lumabas para silipin kung sino ang nabangga ko.

“Ay sorry po.” Then nakita ko, si Jake pala.

Inantay ko ang gagawin niyang pangookray o reaction niyang malupit pero wala. Hinimas lang niya ang braso niyang natamaan ko at tinignan ako saglit. Seryoso ang mukha niya.

“Sorry.” sabi ko, pero this time, malumanay boses ko

“Okay lang.”

Ang lamig naman ng pakitungo niya sa’kin.

Sinundan ko siya ng tingin habang unti-unti na siyang nakakalayo sa’kin. Naasar na lang ako bigla.

“Tse!”

Tanda ko pa yung mga oras na palabas na ko ng school... yung para bang yung nakikita ko sa movies. Slow motion ang lahat at parang napaka-serene ng paligid ko.

Paglabas ko ng school, nakita ko si Christian na nakasandal sa itim niyang sasakyan at may kausap sa phone. Inantay ko siyang mapalingon sa’kin bago ko siya kinawayan mula sa malayo. Kumaway din siya pabalik at nakangiti pa. Then sympre, Tumingin ako sa kaliwa at kanan ko muna bago ako nagsimulang tumawid, tulad ng isang responsableng tao pero kahit sabihin mo pala na maging maingat ka, pag talagang tadhana mo na ‘yun ang mangyari sa’yo, mangyayari at mangyayari ito sa’yo.

Dear diary,

Alam mo ba ang feeling ng... wala kang maalala kungdi ang pangalan mo?

~

Bigla-bigla na lang na nagdilim ang paningin ko. Tulog ata ako? Naramdaman ko na lang na parang umaalog ang katawan ko then unti-unti kong naririnig ang sigawan ng mga taong hindi ko kilala. Para silang natataranta, may sumisigaw pa ng pangalan ko...

Dinilat ko ng dahan-dahan ang mata ko pero wala akong makita kung hindi puti, masyadong maliwanag, hindi ko kaya ang liwanag, mahapdi sa mata.

“Nasan ako?” bulong ko

Walang sumagot. Huli ko na lang atang narinig ay sinabihan ako ng isang babae na huminahon daw ako at gagawin nila ang lahat iligtas lang ako basta, wag na wag daw ako matutulog.

Sinubukan ko, pero hindi ko kinaya. Tuluyang kong pinikit ang mata ko para magpahinga. Ang sakit-sakit ng katawan ko na kahit hanggang panaginip ata nararamdaman ko pa rin.

“Kamusta naman po siya Doc?” tanong ng isang babae

“Wag po kayong mag-alala misis at okay naman po ang anak niyo.”

“Pero bakit hindi pa rin siya nagigising?” tanong ng isang binata

“Ganyan po talaga ‘yun. Magugulat na lang po kayo niyan at magreresponse na po siya...”

Sino kaya sila?

Tumahimik bigla, bigla rin akong nagising.

Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang isang lalaking nakapolo, nakahiga sa sofa at mukhang tulog na tulog. Inikot ko pa ang mga mata ko at nakita kong nasa hospital ako at balot ng kung anu-anong wire at dextrose.

Dear DiaryWhere stories live. Discover now