Chapter 25: That should be me

163 2 0
                                    

Chapter 25: That should be me

 

Hindi ko alam kung bakit, pero kinabukasan, bigla-bigla na lang ako nagising. Pagtingin ko sa orasan sa tabi ko, pass 2am pa lang. Hay... Hindi ako mapakali, ikot ako ng ikot sa kama ko kakahanap ng position para makatulog ako ulit pero imbes na makatulog ko, hindi ko maipikit ng permanente ang mga mata ko. Dahil sa bawat pikit ko si Christian ang nakikita ko... yung mukha niya kagabi, yung emosyon at sincerity...Yung itsura niya nung sinabi niyang minahal niya si Wilma.

Siguro sa kakatitig ko sa kisame ng kwarto ko, walang ibang pumasok sa utak ko kung di ang mga tanong na, ano kaya klase ang maging relationship nila? Masaya ba si Christian kasama si Wilma? Madalas din kaya silang nagaaway gaya namin? Ano kaya itsura nila pag nagtatawanan sila o kung madalas din ba silang maghawak kamay at magyakap? Gaano kamahal ni Christian si Wilma? At kung... mahal pa ba niya ito? Then biglang isang tanong ako nagpabangon sa’kin... kaya ba niya ko pinansin in the first place nung nagkakilala kami eh dahil kahawig ko si Wilma?

Tumayo ako at humarap sa salamin ko sa may banyo. Tinitigan ko ang bawat parte ng mukha ko, ang mga mata ko, tenga, labi... Pareho kami ni Wilma na dark brown ang buhok at brown eyes, lighter lang yung sa kanya.

Napaatras ako mula sa salamin. Ayokong isipin na nagustuhan lang niya ko dahil may pagkakahawig ako sa ex niya. Ayoko. Masakit yun.

Pag tinitignan niya kaya ako sa mga mata ko, ako ba talaga tinitignan niya oh si...

~

Pagsikat ng araw, nagulat si Kuya Kurt na nakita ako na nasa kusina kagad, nakabihis na at nagluluto na ng aalmusalin namin.

“Aga mo ata?”

Ngumiti lang ako, wala ako sa mood makipagkwentuhan muna. Bothered pa talaga ako sa mga tanong na dumadaloy sa utak ko.

“Grabeh pala talaga ang mga mayayaman ngayon... Siguro nga kung ninakawan ko sila kagabi eh di nila mafifeel.” Then napansin ni Kuya na parang tahimik nga ako, nakayuko lang habang nagkwekwento siya. “Chloe?”

“Hmm?”

“Okay ka lang ba?”

Tumango ako

“Ba’t tahimik ka?”

“Wala lang ako sa mood...”

“Bakit?” tanong niya bago humigop ng mainit na kape. “Pumunta dito si Christian kagabi ah? Nagaway ba kayo?”

“Hindi...” nakakunot ang noo ko habang nilalaro ko lang ang almusal ko gamit ang tinidor ko. “Wala lang talaga ako sa mood... hindi maganda gising ko.”

“Okay. sabi mo yan.”

Alam kong hindi naniniwala si Kuya, kilalang-kilala na talaga ako.

~

Umalis ako kagad pagkatapos kong iligpit ang pinagkainan namin. Gusto kong mapagisa muna. Pagbaba ko sa parking lot, pinatay ko muna ang phone ko para walang pwedeng umistorbo sa’kin bago ako tuluyang magdrive paalis ng building.

Nagdrive lang ako ng nagdrive ng walang patutunguhan hanggang mapunta ako sa Ocean Park. Bumili ako ng ticket ko and then nagsimula na kong maglibot-libot sa loob. Usually, kung hindi siguro ganito ang mood ko, magiinarte ako sa mga nakikita kong malalaking isda at mapapaWow talaga sa ganda at amazement pero, ito ako nakatitig sa aquarium at hindi isda ang tinitignan kungdi ang reflection ko.

Dear DiaryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora