Chapter 22: Baby Austin

137 2 0
                                    

Chapter 22: Baby Austin

Okay, it’s been 7 months since umalis kami ni Beth mula sa Pinas at okay naman kami. Akala ko nga nung una, mahihirapan kami ni Beth mamuhay sa dayuhang bansa pero dahil maganda ang naging trabaho niya kagad pag dating namin sa LA, eh bongga din kagad naging buhay namin. Medyo malaki-laki sweldo niya kaya nabili niya kami ng napakagandang bahay na hindi man kasing laki ng mga bahay ng mga artista dito pero ayos talaga. A 2 story house, na may garden muna pagpasok mo ng gate then meron din sa likod kung san pwede ka rin magunwind o picnic, tas may pool pa. And then para sa loob naman, gaya pa rin ng normal na bahay na may sala, kusina at kung ano-ano pa, kaso American style syempre.

Tsaka ano ba, dalawa lang naman kami eh, at magiging tatlo pag dumating na si baby boy kaya hindi need ang bonggang bahay.

“Chloe,” tawag ni Beth habang pababa sa hagdan “Aalis muna ko saglit.”

“San ka pupunta?”

“Wag kang OA, sa doctor ako pupunta...”

“Teka, sasama ako...” sabi ko sabay tanggal ng apron.

“Wag na... may gig ka pa mamaya di ba? Kaya ko naman magtaxi noh, tsaka kung manganganak ako, nasa hospital naman ako.”

“Beth, mahihirapan ako magdrive from south to north baka hindi kita mapuntahan kagad pag bigla kang nanganak.”

“Chloe, dream gig mo yan... kuhanin ng isang sikat na magazine to be their photographer—that’s big.”

Napabuntong hininga ako sabay sandal sa counter top. “Okay, just text me right away okay?”

“Yes Ma’am!”

“Ingat kayo ni Baby Austin ha?” sabi ko habang hinihimas ang bilugang tyan ni Beth, na parang sasabog na any minute. “Beth ha, tawagan mo ko.”

“Oo na nga, kulit! Sige bye!”

~

After ko icheck lahat ng kuryente, tubig and locks umalis na rin ako after 30 minutes. Dala-dala ang mga gamit ko para sa photoshoot, nagdrive ako papunta sa location, sa West Studio. Pagdating ko dun, wala pa halos tao, puro mga staff pa lang na nagaayos ng set and then nung ako na ang nagreready, isa-isa na rin dumating yung mga damit and props na gagamitin.

Hindi ko maiwasang mangiti, dahil after how many months na puro weddings, birthday and commercial photography, ito na, mararanasan ko na maging photographer ng isa sa sikat na magazine na, Seventeen Magazine. How cool is that!

Buti na lang, matyaga si Beth na tulungan ako sa pagaaral ko pa ng mga dapat kong matutunan about photography. Malayo sa kursong kinuha ko sa college pero, what can I say, I enjoy doing this.

“Ms. Mercado, they want to talk to you about the shoot.”

“Okay,” ayun, kakausapin ako ng editor in chief ng mag. “Hi...good morning.”

“Ms. Mercado,” nakangiti siya, Phew! “Let’s talk inside.”

After ng meeting, paglabas ko, andun na yung mga models at inaayusan na sila. At habang nagaantay ako, hindi ko maiwasan kumuha ng ilang candid shots nila habang inaayusan sila ng make-up artist at hairstylist nila. Ang iba sakanila, ngumingiti sa shots ang iba, serious dahil bawal sila magexpress ng emotion dahil baka magkamali ang make-up artisit nila sa pagmamake-up sa kanila.

Dear DiaryWhere stories live. Discover now