Chapter 8: Numbness

179 1 0
                                    

Chapter 8: Numbness

Hindi ko tinext or tinawagan si Christian after the party. Bale 2 days din yun. Punong-puno na ang inbox ko sa phone at Email dahil sa kanya. Hindi naman sag alit ako sa kanya, yung bang, hindi ko alam paano ko siya kakausapin after nung meet up ko with his “Brother” na never niya nakwento, well… wala naman siyang ibang nakwento sa’kin about sa kanya, maliban sa work niya. Hay… ang sakit sa ulo.

Pagbaba ko mula sa kwarto ko, nadatnan ko sila Mama, Papa at Kuya na nakaupo sa dining at naghahanda ng kumain. Inaya ako ni Kuyang kumain pero sabi ko wala akong gana at dumiretso na lang ako sa may likod ng bahay sa may garden naming, malapit sa pool. Dun ko inumpisahang, titigan yung mga kinunan kong litrato nung party after ko makausap yung kapait ni Christian. Kitang-kita sa pictures kung gaano ako kaproblemado. Not facebook worthy ang mga iyon.

Wala siguro ako ginawa kungdi bumuntong hininga na lang buong araw. Kinakabahan kasi ako pero alam ko dapat kaming magusap ni Christian ng magkaalaman na. so I texted him to meet me up this afternoon. Sa coffee shop kung saan kami unang nagkape together noon.

~

Dumating ako sa coffee shop 15 minutes earlier. Umorder na ko ng maiinom ko habang nagaantay sa kanya. At habang umaandar ang bawat Segundo, nararamdaman ko na pumipintig yung ugat ko sa ulo. Ewan ko ba, kagabi pa tong ulo ko. Pinikit ko saglit ang mata ko para magrelax… at nang idilat ko ulit ito, nakita ko na si Christian from a far, papasok na ng pinto ng coffee shop.

He walked towards me with a smile. Kinawayan ko siya, nginitian habang palapit siya.

“Hi.”

“Hi din.”

Pinatong niya sa upuan sa tabi niya ang leather bag niya. “What’s the matter?”

“Hmm?”

“I’ve been texting, emailing and calling you for the past 2 days…”

“Ah. Eh kasi medyo… naging busy.”

“Busy?” tanong niya. At mula sa tono ng boses niya, mukhang hindi siya naniniwala sa excuse ko. Hindi siguro ako magaling magsinungaling. “Tell me.”

“Ha?”

“Okay ka lang ba? For sure may reason why ka nakipagmeet sa’kin ngayon, especially after ignoring me for the past 2 days.”

Huminga ako ng malalim marelax. “Gusto ko lang malaman kung… ano ba tayo?”

“Tayo?”

“Tayo… ikaw… ako… tayo…”

“Bakit mo naman naitanong yun? Boyfriend mo ko… Girlfriend kita…” he leaned forward. “Bakit? Feeling mo ba hindi ganun ang trato ko sa’yo? Dahil ba ‘to dun sa napagusapan natin sa inyo?”

Tumango ako. “Kasi… the past few days… I mean weeks… I’m so confused talaga. Ewan.”

“Don’t make things so complicated in your head okay.” Sabi niya. Mukha pang hindi niya ko siniseryoso.

“Make things complicated?” Tanong ko. “Christian… things are already complicated. Me lying to my family na may boyfriend na ko… you not telling anyone…”

“Bakit hindi mo sabihin sa kanila?”

“Paano ko sasabihin? You don’t even encourage me too. Christian alam mo naman kung anong klaseng family meron ako. I told you everything about it.”

Dear DiaryOnde histórias criam vida. Descubra agora