Chapter 28: I love you... will you...? [Part 2]

143 2 0
                                    

Chapter 28:  I love you... will you...? [Part 2]

Dear Diary,

I love Christian but marriage? Hindi ba’t parang ang aga pa para dun? I mean, yeah we’ve been together for two years, almost but... marriage?

Hindi naman sa ayaw kong ikasal pero kasi, bata pa ko... I’m only 21 years old and naguumpisa pa lang ang career ko. Oo mayaman si Christian at pag pinakasalan ko siya, boom! Mayaman na ko kahit hindi na ko magtrabaho pero... this is what I love the most, doing what I do.

And to be honest, I’m scared of marriage. Well, duh, lumaki ako sa magulong marriage and ayokong mangyari sa’min yung ganun. Ayoko na, mapagod, masakal at magsawa siya sa’kin at tatawagin akong “asawa” na lang. ayoko, ngayon pa namang close na kami ni mama, she told me lahat ng naramdaman at naranasan niya being just “the wife” noon. Swerte na lang daw siya at nagkaayos sila.

Parang kami ni Christian... swerte rin. Swerte na binigyan pa kami ng chance. Pero minsan naitanung ko na rin sa sarili ko, do I deserve the chance na binigay niya sa’kin, sa’min?

Do I deserve Christian at all?

~

Yung wedding ceremony ng kasal nila kuya at ate... Wow. I mean, I was speechless talaga. Simple, romantic, nakakaiyak pero ang saya tignan, sobra! Kitang-kita mo sa mga mata nila yung love, yung spark at yung happiness. Iba talaga. Naiyak pa nga ako eh at nakita pa ni Kuya Kurt na nagpupunas ako ng luha ko nung humarap na sila sa tao para magpapicture habang nasa altar pa sila. Inaasar ba naman ako. Ang OA ko daw.

“I’m happy for you Kuya...” bulong ko nung inakap ko siya bago kami magpose para sa picturan.

“Thank you. If you’re happy wag kang umiyak, ganda mo pa naman ngayon...”

Nginitian ko na lang si Kuya, ayoko ulit maiyak noh... mamimiss ko kasi siya. Lalo pa’t one week honeymoon ang trip nila ni ate Victoria. And take note, Paris, France ang destination nila.

After magpicturan kasama ng family, ako naman ang sumugod. Kinuha ko ang camera ko sa bag ko mula sa inupuan ko kanina at click, click ... click. Kumuha ko ng snap shots, madaming snap shots, mga pictures na itretreasure ko at nila din in the future. Symepre, minsan lang ikasal at tao noh, maliban na lang kung panay analment o divorce ang gawin mo di ba?

At habang kumukuha ako ng pictures sa buong event hall, sina mama at papa, mga kaibigan at kamaganak... isang pamilyar na mukha ang nagpatigil sa’kin. Well, sino pa ba kungdi si Christian. Nakatayo siya sa may entrance ng event hall at mukhang hinahanap ako. Napatalikod ako nung nakita kong sa direksyon ko na siya nakatingin.

Shit. Ba’t naiilang ako?

Oo, ilang ako. Simula nung “marry me” thingy niya eh nailang ako. Since nga nung gabi na yun, hindi pa kami nagkausap ng maayos. Then sumabay pa yung business trip niya, dahil dun ni text o tawag wala kami. Tapos ito, ngayon lang siya nakabalik.

“Kuya...” sigaw ni Jake.

Napalingon ako sa gilid at nakita ko si Jake na nilapitan si Christian at nagsimulang magkwento kung gaano kaganda yung kasal at yung lugar.

“Excited na nga ko sa kainan... sabi ni Chloe masarap daw food dito.”

Humarap ako kay Jake. Nagulat pa ko ng makita ko na katabi na pala niya si Christian. “Yeah... masarap.” What? awkward!

Then lucky me, bigla kong nakita si Kean from a far at yung bandmates niya. So, nagexcuse muna ko kay Christian at Jake para lapitan si Kean.

I know, I’m weird doing that but gosh. I’m freaking out.

Dear DiaryWhere stories live. Discover now