Chapter 26: it's my Insecurities...

Start from the beginning
                                    

“As you can see ma’am, may wood floors po tayo dito. And then may stairs po tayo both side kung saan pwede umakyat at bumaba para papunta sa beach. Ang balak po namin, after the wedding, dito po kakain ang lahat then at this platform,” turo niya sa maliit na stage sa may gilid. “diyan po tutugtog ang banda...habang kumakain ang lahat.”

“Saan gaganapin ang sayawan?” tanong ni Christian

“Ay oo, gusto ng mga ikakasal magparty.” Dagdag ni Mama, sabay himas sa braso ni Christian. Gesturing na buti pinaalala niya.

“Sa mismopong tabing dagat. As you can see, the stage po for the music is at the side where kita rin siya kahit asa baba ang lahat. Magtatayo po kami ng mga post for lights and all the works to  make it fun po.”

“Good, I like the idea.” Bulong ni Mama habang sinusulat din niya sa note ang bawat sinasabi ng planner ng event na nagtotour sa’min.

After namin makipagusap sa planner eh, dumaan muna kami sa restaurant kung saan sila ang magluluto ng food para sa wedding. Yey! Tikiman time.

“Excited?” tanong ni Christian

“Naman!” natawa siya.

Then pagpasok namin sa restaurant, binati kami nung chef at guess what, napagkamalan kami ni Christian na kami yung ikakasal which was embarrassing. Well, para sa’kin oo, ewan ko kay Christian. Kasi nung napagkamalan kami, bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan ito. Oh my god, me? ikakasal? No! not yet.

~

Nabusog ako masyado sa kakatikim namin ng pagkain, kaya pagkahatid sa’kin ni Christian sa condo, na solo ko na, eh napatakbo ako sa banyo para, you know. Narinig ko pa ngang natawa si Christian ng isara ko na ang pinto sa banyo.

“Takaw mo kasi!” sigaw niya

“Shut up!”

Of course, success naman ako afterwards, paglabas ko sa banyo, nakita ko si Christian na nakatayo malapit sa may bintana at may kausap sa cell niya. Mukhang serious ang topic kaya hindi ko siya inistorbo, pumunta na lang ako sa kusina para kumuha ng maiinom.

At habang umiinon ako ng tubig, biglang lumapit sa’kin si Christian, “That was Wilma...”

What? Nagkamali ako ng lunok ng tubig ng marinig ko ang pesteng pangalan na yun, kaya nabilaukan ako. Naubo ako ng bongga. Lumapit naman kaagad sa’kin si Christian para himasin ang likod ko.

“Okay ka lang?”

“No.”

Natawa siya, “Well, I know kung bakit...”

“Ano kailangan niya sa’yo?” tanong ko habang pinupunasan ko ang bibig ko.

“She wants us to talk.”

“About what?”

“She never mentioned.”

“Makikipagkita ka?”

“Gusto mo ba?”

Kumunot ang noo ko, “Gusto mo ba?”

“Ikaw...”

“Ba’t ako?”

“Ayaw mo o okay lang sa’yo?”

“Christian, kung gusto mo... go... ikaw bahala.” Sabay balik ko ng pitsel ng tubig sa ref

Dear DiaryWhere stories live. Discover now