TMAFK#72 [EPILOGUE]

13.9K 401 36
                                    

Adriana's pov.

"Nic, I need to finish my lesson plan. Not today!" After niyang magshower ay agad itong lumapit sa akin habang naka topless.

"Bukas na 'yan, babe." At agad niyang sinara ang aklat na pinagkukuhaan ko ng lesson.

"Tomorrow na lang kaya." Alok ko ngunit tumanggi ang asawa ko.

"Wala naman pinagkaiba kung bukas o ngayon." Pamimilosopo ni Dominic habang tinatanggal na ang butones ng damit ko.

"Hindi ka ba pagod?"

"No! Pa-premyo mo lang ito sa akin. Three cases ang naipanalo ko ngayon." Pagmamaigi ng asawa ko at tuluyan na niyang tinanggal ang damit ko.

"May klase pa ako bukas." Tumayo na ako dahil nakikiliti ako sa ginagawang paghalik ni Dominic sa leeg ko.

"Promise, one hour lang." Hindi ko napigilang hindi mapatawa nang magrequest pa ito ng oras para doon.

"Okay, madali lang ah." Pinagbigyan ko na ang asawa ko dahil lagi naman kaming busy sa work.

I am already a professional teacher, while my husband was an attorney.

"Puwede pa bang mag-extend ng time?" Tanong ni Dominic habang pinupusudan ang aking buhok dahil ayaw na ayaw nitong maistorbo ng aking buhok.

"Bawal! One hour only."

"It's okay, I'm a fast person. Kaya ko naman magmanage ng time for different positions." Natatawa niyang sabi at nagsimula na itong pumatong sa akin.

"Start na babe?" Tanong nito habang kumikindat sa akin.

"Kanina pa nagstart, Dominic. You have forty minutes left."

"Bakit nabawasan ng twenty minutes? Ang daya mo!" Reklamo niya.

"Excuse me, time is gold for me. Binawas ko na ang ginawa mong paghubad sa damit ko."

"Daya mo naman. Dapat free na iyon sa asawa mo." At nagpapacute pa ito sa harap ko.

"Thirty nine minutes left."

"WAIT!" Sigaw niya at nagmadali itong tanggalin ang short niya.

"Gahol 'yan?" Pang-aasar ko para mapatawa ito habang nagmamadali.

"Uso ang revenge." At pumatong na muli ito sa akin.

"I love you, Nic!" I can't believed na pagmamay ari ko na ang lalaking pinapangarap ko. Kalaro ko lang noon, asawa ko na ngayon.

"I love you too!" Hahalikan na sana niya ako nang may marinig kaming sunod sunod na katok sa pinto.

"Maamee! Dadee!" Tawag ng aming anak habang pinagpapalo ang naka lock na pinto.

"Istorbo!" Natatawang reklamo ni Dominic at nagmamadaling magbihis.

"Tanga! Anak mo iyon." Binato ko ng unan si Dominic nang hindi pagbukasan ng pinto ang aming apat na taon gulang na anak.

"Owpin da dor!"

"Bakit gising pa ang aming baby Apple?" Tanong ni Dominic sa aming anak at binuhat ito papasok ng kwarto.

"Where's your Nane?" Lumapit na ako sa mag-ama ko para kunin si Apple Thea.

"Ulog na nani."

She is Apple Thea M. Sy, a four-year-old kid. Apple ang pinangalan namin dahil sa apple ko ito pinaglihi. Apple rin ang dahilan kung bakit napunta kami sa fake relationship ni Dominic.

"Okay! Sleep with us anak." Humiga na kami sa kama habang gitna si Apple. May sariling kwarto ang anak ko kasama ang kanyang tagapag-alaga.

"Itutuloy pa ba natin?"

"Alin?"

"Bebe time," saad niya para mapatawa ako.

"Next year na!"

"Why?" Para siyang batang na agawan ng kendi.

"Mahiya ka nga sa anak mo."

"Apple, go to your room na. Mommy and Daddy are busy." Bulong ni Dominic sa anak namin na hanggang ngayon ay gising pa rin.

"Yaw!" Tumayo si Apple at nahiga sa tiyan ng daddy.

"Apple missed you." Madalas ako ang kasama ni Apple kesa sa kanyang daddy dahil busy sa court. Kaya nakakatuwa lang makitang naka higa ang anak ko sa kanyang ama.

"Come here!" Hinala ako ni Dominic pahiga sa kanyang braso at niyakap kaming mag-ina.

"Babe, natatandahan mo pa ba 'yung kinuwento ko sa'yo sa airplane?" Tanong ni Dominic sa akin para mapaisip ako.

"Alin?"

"Si I and U!" Pagbanggit niya ng mga pangalan para maalala ko.

"Ah 'yung ongoing story?" Alam kong buhay naming dalawa ang tinutukoy niyang kwento and that was my favorite love story.

"Complete story na ngayon." Saad ng asawa ko habang minamasahe ang aking braso.

"Do they live happy ending?"

"Yes, nagcomeback sila because they still love each other. We thought na hindi nagkatuluyan pero biniyayaan sila ng anak." Sagot niya

"Paaano na nga sila nagsimula?"

"Nagsimula sila sa pagiging childhood best friend at pinagtagpo bilang fake girlfriend and fake boyfriend. Hanggang nabuo ang pagmamahalan sa pagitan nila dahilan para maging real boyfriend and real girlfriend. They felt tired dahilan para maghiwalay ito. Pero mapaglaro ang tadhana, they met again. They became enemies hanggang sa nagkabalikan sila. Their promise to each other was fulfilled. 'U' became Mrs. Sy and 'I' became your husband." Kwento ng asawa ko para kiligin ako.

"You're my first kiss, my first love. You are my first and last, my everything." Saad ni Dominic at dahan dahang umangat papunta sa akin.

"I love you Mister ko!" At hinalikan na niya ako dahilan para makisabay ako sa pagkilos ng labi niya.

Hindi ako nagsisising maibigay sa'yo ang matagal ko nang pinanghahawakang first kiss. You are the only man I will love.

"We Met At First Kiss"

—THE END

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon