TMAFK#71

13.8K 407 47
                                    

Adriana's pov.

My three-year relationship with my boyfriend is one of the biggest achievements for me. I've learned a lot from him.

Inaamin kong naging masaya ako sa tatlong taon naming pagsasama ni Dominic. Kahit para kaming aso't pusa ay nandoon pa rin 'yung love and respect sa isa't isa.

"Let's welcome our SSG President, Miss Monreal." Umakyat na ako sa stage upang ipahayag aking natutunan at experiences bilang isang estudyante.

"Good morning everyone. I am Adriana Joyce Monreal, a fourth year college student."

Love is powerful because it covers our weaknesses and imperfections. It also gives me strength upang makapagtapos ng pag-aaral.

"Minsan masasabi natin na unfair ang mundo dahil sa problemang pinagdadaanan ng isang tao. Maling kaisipan iyon because everything happens for a reason. God put you in that situation because he wants to teach you a lesson. God believes that we can overcome the challenges in our lives."

"To all my co-students, congratulations to all of you. May honor man o wala, hindi basehan ang talino sa paghahanap ng trabaho kundi sa sikap at diskarte ng isang tao. Remember, do not compare your abilities with others. All of you can do something and don't base your intellect on learning, dedication and hardwork are more needed." Payo ko tungkol sa kakayahan ng isang estudyante pagdating sa pag-aaral.

"To all girls out there. Huwag basta basta magtitiwala dahil baka masaktan lang kayo sa bandang huli. Mapaglaro ang tadhana, 'di mo na alam ikaw na pala ang napaglalaruan. Sa mga taken d'yan, trust and respect are very important to have a healthy relationship. Sa mga single naman d'yan, huwag magmadali. Na-late lang ang taong para sa inyo."

"I believe you get hurt first bago maging masaya. You will experience a lot of pain bago mo mahanap ang taong para sa'yo. Mapupunta ka mo na sa maling tao bago ka makarating sa tamang tao. Like me, nasaktan man ako sa ibang tao pero natagpuan ko naman ang lalaking naging inspirasyon ko. No other than my boyfriend, Dominic Giles Sy."

"I want to share this inspiration quotes na nabasa ko sa online."

"If you fail, never give up because F.A.I.L means FIRST ATTEMP in LEARNING. End is not the end, END means EFFORT NEVER DIES."

"Thank You!" Nagbow muna ako sa harap ng mga estudyante bago bumaba ng stage.

"Congratulations, babe!" And he kissed me on my forehead kasabay ng pag-abot niya ng pink roses.

"Thank you for attending my graduation. Soon, ako naman ang a-attend sa graduation mo, love." Dahil law student ang boyfriend ay marami pa siyang taon na bubunuin bago magkaroon ng graduation.

"Soon, tayo naman ang attend sa graduation ng anak natin." Bulong ng boyfriend para mapangiti ako habang kinikilig.

Hinila na niya ako palabas ng SEU kahit hindi pa tapos ang event. "Saan mo ba ako dadalhin?"

"In the place where we first met." He kissed my hand bago niya higpitan ang pagkakapit sa kamay ko.

"Mall?"

"Sa Park kung saan tayo madalas maglaro noon. Doon din kita unang nakita ngayon malalaki na tayo. We are destined!" Tumatakbo na kami habang hawak ang aming mga kamay.

"I love you so much!"

I can't believe na ang childhood best friend ko noon ay ang lalaking pagmamay-ari ko na ngayon. He was my first kiss and first love na never kong pinagsisihan.

"Oy bakit may paganito pa?" Natatawa kong tanong nang i-blind fold ako ng boyfriend ko.

"I have a gift for you. Malapit na tayo, Adriana." Hindi ko mapigilang hindi kiligin sa mga kinikilos ng boyfriend ko.

"Babe, what if hindi tayo nagkakilala? What will happen to us?" Seryosong tanong ng boyfriend ko habang inaalalayan ako.

"If I didn't know you baka siguro tumandang dalaga ako." Sagot ko para mapatawa itong boyfriend ko.

"Why naman matandang dalaga?"

"Okay lang maging matandang dalaga kesa mapunta sa lalaking hindi kayang maging tulad mo." Narinig kong tumawa ito na tila kinikilig sa naging sagot ko.

"Ikaw, ano ka?"

"I will be your husband. Hindi man ito ang magiging storya natin pero I will make sure na magtatapos tayo sa happy ending." At tinanggal na niya ang piring sa aking mata kung saan tumambad sa harap ko ang malalaking litrato namin ni Dominic.

"Will you make me the happiest man alive? Can you be my wife?" Nagulat ako nang lumuhod ito sa harap ko habang may pinapakitang singsing.

"Seryoso?"

"When we were young nangako ako na papakasalan kita kahit na anong mangyari."

"Can I keep you and never let you go? Babe, will you marry me?" Tanong niya para mapaiyak ako sa kilig.

"Of course, I want to start a family with you. Let's spend the rest of our lives together, Dominic Giles Sy." Agad niya akong niyakap at ilang beses hinalikan sa labi habang tuwang tuwa.

"I now know that you and I are truly meant to be together. I love you Adriana Joyce Monreal Sy."

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon