TMAFK#48

16.9K 370 64
                                    

Adriana's pov.

"Ako na pong bahala sa kanya, Doc. I will take care of my little sister." Nagising ako dahil sa malakas na boses ni Kuya Alex habang may kausap sa kabilang linya.

"Kuya?"

"Are you okay? Kamusta na pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ng kapatid ko sa akin. Ang huling naalala ko ay nawalan ako ng malay dahil sa mga nalaman ko.

"I'm okay kuya, don't worry."

"Dapat pala hindi ko na lang sinabi sa'yo ang lahat kung ganyan pala ang mangyayari sa'yo." Halata kay kuya Alex ang pagsisisi ngunit kung hindi niya ito sasabihin ay mas malala pa ang maaring mangyari sa akin.

"OA ka naman kuya Alex. I was tired yesterday kaya siguro nagbreak down itong katawan ko."

"Tss! Nagpapalusot ka na naman, Ana." Bumilis ang pintig ng puso ko nang tawagin ako ni Kuya Alex sa real name ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala na ako talaga ang batang matagal nang hinahanap ni Mr. Monreal at Dominic ngunit mas pinili nilang manatili sa tabi ni Anabelle.

"Iiwan mo na rin ba ako pagkatapos mong malaman ang totoo?" Seryosong tanong ni Kuya Alex.

"Naku kuya! I will never leave you. You are my only one in my heart at hinding hindi ko iyon ipagpapalit kahit na kanino." Kahit ilang beses kong isipin na ako ang tunay na Ana Monreal ay hindi ko talaga madama dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong alaala na magpapatunay na ako talaga ang babaeng hinahanap nila.

"Adriana, unti-unti na bang bumabalik ang alala mo?"

"Still, wala pa rin kuya. Tanging panaginip lang ang nakikita ko pero agad ko rin nakakalimutan." Sana bumalik na iyon at baka sakaling makalimutan ko rin ang alaala ko ngayon para maka move on ako sa mga taong tumalikod sa akin.

'Don't worry Adriana, babalik din iyan. Not now but soon. Kaya huwag mag-o-over think para hindi ka ulit mawalan ng malay."

"Kuya Alex, bakit apelyido mo ang pinagamit sa akin?" Curious kong tanong sa kanya para maupo ito sa kama ko.

"Alam mo naman na hindi gusto ng parents ng daddy mo si Mama because they were rich. While ang ina natin ay hindi naman kayamanan at meron anak kundi ako. But he chose mom over his fiance pero sa huli inawan rin tayo because of money."

"Mabait ang daddy mo dahil tinuring din niya akong anak gaya mo. Lahat binibigay niya sa akin, ultimo pagmamahal ng isang ama binigay din niya sa akin. Simula nang umalis siya laging umiiyak si mama at gano'n ka rin."

"Hanggang sa nalaman ko na may nagmamanman sa tinitirhan natin. Masyado ka pang bata nun, maybe you were seven. Gusto kang kunin ni Daddy para ilayo sa amin kaya tinago ka ni Mama. Nasa school ako nang nalaman ko na aksidente kayo dahil may humahabol sa inyong kotse. Kasalanan nila kung bakit namatay si Mama at napahamak ka."

"Bago mawala si Mama ay binilin niya na ilayo kita sa Daddy mo. At pagsapit mo ng labing pito ay hayaan daw kita na mag-aral sa SEU dahil may posibilidad na makilala mo siya but he chose Belle than you. It's okay Adriana, kuya always here for you."

"Pinalabas kong patay ka na upang hindi na tayo guluhin ng mga taong humahabol sa atin. Umalis tayo sa dati nating bahay upang magbagong buhay dito sa tulong ng kapatid ni Mama. Ngayon aalis muli tayo upang magbagong buhay sa malayo." Kuwento ni Kuya Alex. Ang dami palang nangyari sa buhay ko na hindi ko man lang matandaan.

"Kuya salamat."

"Para saan naman?"

"Hindi mo ako pinabayaan. Binigyan mo ako ng bagong buhay at minahal mo ako bilang isang kapatid mo." Masaya kong sambit at niyakap ito.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon