TMAFK#61

14.8K 459 324
                                    

Maxine's pov.

"Bad mood?" Tanong ni Ava sa akin habang tinuturo si Adriana na nanahimik sa kanyang permanet seat.

"Kahapon pa 'yan." Matipid itong magsalita kaya halatang masama ang timpla niya ngayon.

"Halata naman sa pagserve ng bola kahapon." Bulong ni Abigail habang inaakto pa kung paano pangigilan ni Adriana ang bola.

"Bibili lang ako ng drinks at ice cream niya." Paalam ko sa mga kaibigan ko.

Ice cream ang pampawala ng bad mood ni Adriana mula noon hanggang ngayon kaya sanay na kami.

"Baby?" Napangiti ako nang makita ko ang boyfriend ko sa counter.

"Anong binibili mo?"

"Ice cream." Sagot ko bago yumakap sa kanya. Agad naman niya akong niyakap pabalik.

"For whom? Hindi ka naman mahilig sa sweet."

"Para sana kay Adriana. Bad mood kase ngayon." Kwento ko para mapatawa si Airon.

"Really? Si Dominic din wala sa mood."

Seriously? May something na nangyari sa kanila na hindi namin nalalaman.

"Ano bang nangyayari sa dalawang 'yon."

"Baka LQ!" Pang-aasar ng boyfriend ko para mapasang-ayon ako.

May bumato ng bola kay Adriana after the volleyball game kahapon. Pero mabilis na humarang si Dominic para hindi matamaan ang kaibigan namin. Imbes na kiligin si Adriana ayon mas lalong nagalit kay Dominic.

"May nagawa ba si Dominic na ikinagalit ni Adriana?" Tanong ko habang umiisip ng paraan para magka ayos muli sila.

"Hindi ko lang alam pero alam ko kung bakit bad mood si Dominic."

"Ano?" Tanong ko na tila curious sa nangyayari between them.

"He was jealous because of Maxwel. Mas pinili ba naman si Maxwel kesa sa kanya."

"How did you say so?"

"Hindi naman ito seloso pagdating kay Belle. Iba talaga ang tama niya kay Adriana." Paliwanag niya para makaisip ako ng plano para pagbatiin ang dalawang 'yon.

"Samahan mo ako sa talk-booth. We need to do something."

Adriana's pov.

"Nawawala ang mga jewelry ko. Regalo iyon sa akin ni mommy before she left me." Sumbong ng kapatid ko habang pinapakita ang kanyang litrato na suot ang kwentas.

"Since when?"

"Kahapon! Malakas ang kutob ko na si Belle ang pumasok sa kwarto ko." Nakaramdam ako ng inis sa ginawa ni Belle sa kapatid ko. Sa dami ng puwedeng nakawin bakit pagmamay-ari pa ni Yuri.

"Don't worry, mababawi ko iyon. Naka-ready na ang plano ko Yuri. Malapit na!"

"Kunin mo na kaya ako?" Pagmamakaawa niya pero agad akong umiling.

"Yuri, this is not the right time."

"Ayoko na sa bahay." Naiiyak niyang sambit para maawa ako.

"May ginawa ba siya sa'yo? Tell me, sinaktan ka ba niya?" Sunod sunod kong tanong habang hawak hawak ang pisngi niya.

"Sinabihan niya akong ampon dahil pangalawa akong anak ni Daddy sa ibang babae."

"It is not true! Kasal ang mommy mo at si daddy." Paliwanag ko.

"Kapag pinagtatanggol ko ang sarili ko o ikaw ay sinasampal niya ako." Nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa sinapit ng kapatid ko. Bwesit ka talaga Belle. I will never forgive you.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon