TMAFK#12

30.5K 502 48
                                    

Adriana's pov.

Third day of SEU Foundation ngayon ngunit ito ako nag-iisa at walang kasama dahil hinuli si Maxine para sa mystery booth, si Ava naman nakipag blind date at si Yuri ay nasa confession booth. Habang si Dominic naman ay maagang umalis sa condo without my permission at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita.

"Adriana, may naghahanap sa'yo." Tawag ng kaklase ko dahilan para agad akong lumabas. Nagbabakasakaling si Mr. Sy Yabang na iyon.

"Ikaw pala, Maxwel."

"Movie date tara. Busy ka?" Akit niya sa akin para mapangiti ako.

"No, actually kanina pa ako naghahanap ng kasama. Lahat ng kaibigan ko ay busy sa kanilang date." Buti na lang dumating siya kung hindi baka maghapon akong nakatunganga.

"Don't be sad. Kasama mo naman 'yung pinaka pogi mong best friend." Kahit kailan tulad din niya si Dominic na mayabang. Kaso itong si Mr. Sy Yabang nasubrahan na.

"Pogi, saan banda?"

"Lahat! Kaya nga maraming nai-in-love sa'kin." Kumidat ito dahilan para maalala ko na naman si Dominic.

"Yabang!"

"Hindi ba magagalit ang boyfriend mo kapag nakita tayong magkasama?" Tanong ni Maxwel dahilan para mapatawa ako.

Magagalit, for what? Ako nga ang dapat magalit sa kanya dahil hindi ito nagparamdam. Pagkatapos niyang maging sweet kahapon, babalik na naman siya pagiging mayabang.

"Hindi 'yan! Kanya kanya na kami ng buhay." At hinila ko na siya sa movie booth.

"Bawal sumigaw dito. Tahimik lang!" Bulong nito habang bumibili ng ticket naming dalawa.

"Bakit, sobra bang nakakatakot ang movie?" Ayoko pa man din sa horror kaso no choice ako kesa naman nakatunganga lang sa room.

"Slightly! Kasi once na sumigaw ka mamatay ka."

"Kapag natakot ka, just hold my hand." He added.

"Ano bang title ng movie? Baka masindak ako," tanong ko habang kinakabahan. Okay lang sana kung si kristoff ang kasama ko for sure hindi ako matatakot dahil puro usap lang ginagawa namin.

"Quiet Place!"

Title palang nakakatakot na.

"Guys, pasok na kayo." Pinapasok na kami ng mga estudyanteng huma-handle ng booth.

"Aray!" Sa sobrang dilim ay hindi ko namalayan na may bangkong nakaharang sa dinadaanan ko.

"Dahan dahan lang!" Hinawakan na ni Tutubi ang kamay ko upang hindi na makabangga ng bangko.

"Kapag ako namatay sa takot mumultuhin kita." Biro ko at naupo na kami sa bakanteng upuan.

"Don't worry kasama mo akong mamatay. Hindi ko hahayaan na ikaw lang." At binigay na sa akin ang binili niyang drinks at pop corn.

"Whaaaaa!" Napalingon kami pareho ni Maxwel doon sa babaeng sumigaw nang magsimula ang movie.

"Over acting naman," bulong ko kay Maxwel.

"Hayaan mo na!"

"Mamatay 'yan!" Kuwento ni Maxwel habang tinuturo 'yung bata na may hawak na laruan.

"Napaka spoiler mo"

"Sinasabi ko na para 'di ka na masyadong matakot." Pagdadahilan niya para mapangiti ako.

"Ahhhh!" Hiyaw ng mga tao sa loob dahil sa takot. Hindi ko na rin mapigilang mapakapit sa braso ni Maxwel.

"Hindi naman nakakatakot," bulong ni Maxwel dahilan para tingnan ko ito ng masama.

"My ghad! I'm scared!"

"Labas na tayoooooo!"

"Wahh! I can't take this anymore." Nasa kalahatian na kami ng movie nang may sumigaw na babae sa unahan namin dahilan para maiyamot ako. Okay lang sana kung nakiki sabay siya sa sigaw ng lahat pero laging delay at maarte pa.

"Nakakatakot talaga," sambit ng babae. Kung natatakot talaga siya e di sana hindi na lang siya pumasok sa booth.

"Matutong manahimik," parinig ko habang malagom ang boses upang hindi makilala.

"Pre, ikaw ba 'yan?" Bulong ni Maxwel habang tumatawa.

"Nakakainis e!"

"Can you please shut up your mouth. Nakakahiya sa iba," reklamo ng katabi ng babae para magulat ako dahil familiar sa akin ang boses.

"I'm scared!"

"Just relax and hold my hand." Hindi talaga ako maaring magkamali dahil kilalang kilala ko ang boses na 'yon. Pilit kong tingnan 'yung lalaki sa unahan ngunit hindi ko makita dahil sa sobrang dilim.

"Dominic, labas na tayo." Laking gulat ko nang marinig ko ang pangalan ni Dominic habang kasama 'yung babaeng kanina pa sigaw nang sigaw.

Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng inis dahil dito ko lang pala matatagpuan si Mr. Sy Yabang habang nakikipaglandian sa iba.

"Are you okay?"

"Okay lang ako Maxwel. Bakit?" Sinadya ko talagang lakasan ang aking boses upang marinig ni Dominic. Kung may ka date siya, may ka date din ako.

"Ganyan ka ba matakot pinanggigilan ang pop corn?" Tanong ni Maxwel para mahiya ako.

"Nilalamig lang ako." pa-simple akong sumilip sa pwesto ni Dominic kung saan ay nahuli ko rin itong nakatingin sa akin ng seryoso.

"Use my jacket," hinayaan ko na si Maxwel ang magsuot ng jacket sa akin habang iniinggit si Dominic.

"Thank you, Maxwel." Malakas kong saad para iparinig kay babaerong Dominic.

"No worries! Alam mo naman malakas ka sa'kin." At dahan dahan niyang inayos ang magulo kong buhok. Nagulat ako nang may tumalbog na bote ng mineral sa amin.

"Who did this?" Tanong ni Maxwel habang inaalam kung sino ang may ari ng bote.

"Hayaan mo na lang Maxwel. Kulang lang 'yon sa pansin." Tumingin ako ng masama kay Dominic ngunit tinaasan lang niya ako ng kilay. Siya na nga 'tong may kasalanan siya pa 'tong may ganang mamato ng bottle.

"Syra, do you feel cold?" Tanong ni Dominic sa kanyang ka date para makaramdam ako ng inis.

"Yes, masyadong malakas ang aircon."

Kitang kita ko kung paano ni Dominic suotan ng jacket 'yung babae. At talagang nagdala ka pa ng jacket para lang ibigay sa ka date mo. Babaero ka talaga!

"Whaaaaa, 'yung baby." Sigaw muli ng babae ni Dominic.

"OA, uso naman ang lumabas." Parinig ko dahilan para mapalingon sila sa akin.

"Who are you?" Tanong ng babae kaya bigyan ako ng masamang tingin. Ako ko lang naman 'yung girlfriend ng ka date mo.

"Don't mind her. Nagseselos lang 'yan because you're my date." Saad ni Mr. Sy Yabang sa babae para mainis ako. Selos daw, mukha niya!

"Tired?" Tanong ni Maxwel nang mapansin akong hindi mapakali.

"Medyo"

"Here's my shoulder, you can lean on me." Niyakap ko ang braso ng kaibigan ko at sumandal sa balikat niya. Tingnan lang namin kung sino sa amin ni Dominic ang magseselos.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon