TMAFK#21

24.4K 528 79
                                    

Maxine's pov.

"The number that you have dialed is either unattened or out of coverage area, please try your call later."

"I can't contact her." Nakakailan na akong tawag kay Adriama ngunit hindi niya ito sinasagot dahilan para kabahan ako.

"Bilisin mo magdrive baka kung napapa ano na iyon." Kanina pa ako hindi mapakali simula nung makausap siya habang umiiyak.

"Relax! Mahirap magdrive ng umuulan." Sambit ni Ava habang nag-iingat sa pagda-drive.

"Lagot talaga 'yang si Dominic sa akin." May mga kumakalat na litrato sa website ng SEU na magkasama si Dominic at Eunice sa isang hotel.

Dahil sa isyung iyon ay tinawagan ko si Adriana para kumpirmahin ito. And yes, confirmed nga. Adriana was crying because of her fucking fake boyfriend.

Sinaktan niya muli ang kaibigan ko. Una, sinagawan at pinahiya nito sa room si Adriana. Ngayon naman, he left my best friend alone. Damn you, Dominic. You broke your promise. Akala ko ba, you will take care of her? But she cried again because of you.

"Ava, stop the car." Pilit ko siyang pahintuin sa pagmamaneho para tingnan sa side mirror 'yung dumaan na ambulansya.

Bakit may ambulansya? Hindi naman ito main road para magkaroon ng aksidente. Kakaunti lang naman ang mga houses dito para kaunin ng ambulansya.

"Ano 'yon? Bakit may ambulansya? Hindi kaya may nangyaring--"

"Stop thinking negative, Maxine. Walang nagyaring masama kay Adriana, okay? Call her again baka sumagot na." Seryosong utos ni Ava at pinagpatuloy ang pagda-drive.

I'm sure na nasa kapahamakan si Adriana. Bawat nararamdaman kong takot o kaba. Bawat pagbilis ng tibok ng puso ko at pagpapawis ng kamay ko. Alam kong may hindi nangyayaring maganda.

Ilang beses ko na 'tong naranasan. Tulad ng aksidente sa dating faculty room dahil kay Sir Merta at hindi pagsang-ayon sa pagkikita nila ni Kristoff during JS Prom. At ngayon, naramdaman ko ulit ito.

"Wala, unattended pa rin."

Nanginginig ako sa kaba nang madanan namin ang isang waiting shed na kung saan ay wala si Adriana. Nagmadali akong bumaba para hanapin ang kaibigan ko.

"Adriana!"

"Omyghad! Cellphone ito ni Adriana." Sigaw ni Ava nang makita ang cellphone ng kaibigan ko sa buhanginan.

"Sabi ko na nga ba may nangyaring masama sa kaibigan natin. Hindi siya aalis dito ng walang dahilan at mas lalong hindi niya iiwan ang kanyang cellphone dahil regalo 'yan ni Dominic." Dito na nagsimulang bumagsak ang mga luha ko.

"Anong gagawin natin? Tawagan kaya natin si Dominic?" Nag-aalalang tanong ni Ava na tila hindi alam ang gagawin.

"No, bakit pa natin siya tatawagan? Eh siya nga 'tong may kasalanan kung bakit nawawala si Adriana." Bakit ba kamping kampi si Ava sa lalaking 'yon? Hindi ba niya maintindihan na kasalanan ito ni Dominic.

"Okay, fine. Sa pulis na lang tayo humingi ng tulong." Suggest niya kaya dinial ko na ang numero ng pulis ngunit biglang may na receive akong tawag from unknown number.

"Sino 'yan?" Tanong ni Ava habang curious sa tumatawag.

"Hindi ko kilala."

"Answer it! Baka si Adriana na 'yan." Utos ni Ava at ini-loud speaking.

"Hello, who's this?"

"Si Kristoffer 'to," saad mula sa kaibilang linya.

"Bakit napatawag ka? Kung may sasabihin ka sa amin puwede bang 'wag mo na ngayon." I'm still mad at him. Botong boto ako dati sa kanya pero sinayang lang niya.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon