TMAFK#37

19K 516 26
                                    

Adriana's pov.

"I am glad you found your childhood best friend." Masaya kong sambit sa boyfriend ko kasabay ang mahigpit na yakap mula sa akin.

I hope no one can change us.

"I will be right back."

Gusto ko itong pigilan alamin ang result ng imbestigasyon kaso ayokong maging madamot at maging unfair para sa kanila. I'm his girlfriend pero bakit natatakot ako na makilala niya ang kanyang childhood best friend.

"Dominic!" Humiwalay agad ako sa boyfriend ko nang biglang sumulpot si Belle sa harap namin.

"Bakit?"

"I lost my necklace inside your car. Please, makikihanap. It was very important for me lalo na't bigay iyon ng parents ko." Nagmamakaawang sambit ng kaibigan kong si Belle.

"Sige! I'll look for it."

"Saan ka pupunta?" Tanong pa nito sa boyfriend ko.

"Belle, I'm just going somewhere."

"See you later!" Lumapit sa akin si Dominic and he kissed me on my forehead bago tuluyan nang umalis.

"Sweet niya talaga." Kumento ni Belle habang pinagmamasdan si Dominic na naglalakad palayo sa amin.

"True! That's why I loved him."

"Ang tanong mahal ka ba niya?" Nawala ang ngiti ko dahil sa naging tanong ng kaibigan ko.

"What do you mean?"

"Adriana, no offense ha. Ayaw lang talaga kitang masaktan because you were my bff. Pero pansin ko lang mabilis siyang magsawa. So, be ready." Tinapik tapik pa niya ang balikat ko habang nag-aalala sa akin.

"He can't do that to me."

"Do you want to be hurt again?" Tanong nito para mapailing ako.

"Ayoko!"

"So, iwan mo." Nagwave mo na siya sa akin at mabilis na naglaho sa harap ko.

"Ba't ko naman iiwan kung mahal ko?" Bulong ko sa sarili ko at isinantabi ang sinabi ng kaibigan ko.

Nadatnan ko sa room ang mga kaklase ko na nagkukwentuhan tungkol sa childhood best friend ng boyfriend ko. Alam na ng lahat ang tungkol sa paghahanap sa nawawalang Ana dahil anak nga ito ni Mr. Monreal.

"Nag-aaral daw sa SEU 'yung kaibigan ni Dominic." Kuwento ni Maxine habang pinapakita sa akin ang message ng kanyang boyfriend.

"Sino raw?" Hindi ko mapigilang hindi kabahan sa nangyayari. Kung dito siya nag-aaral, sino siya? And what section?

"Ewan! Hindi pa sinasabi ni Airon pero hawak na ni Dominic ang result."

"Good!" Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Natatakot ako na makilala ang kaibigan ni Dominic pero may nararamdaman din akong excitement na para bang ako ang hinahanap.

"Are you happy?" Tanong ng kaibigan kong si Ava na mukhang wala pakialam sa nangyayari sa paligid.

"Happy saan?"

"Masaya ka ba dahil nahanap na ni Dominic ang kanyang girl best friend?"

"Oo, super happy." Maikli kong sagot para pagtaasan ako ng kilay ang mga kaibigan ko.

"Hindi halata gurl."

"I'm so happy for them. Sa wakas mame-meet na ng boyfriend ko ang kanyang kaibigan para magka- time na ulit siya sa akin." Madalas kasing busy si Dominic dahil sa case na 'yan. Laging wala sa condo dahil may dini-discuss ang abogado nilang si Mr. Tan.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon