TMAFK#36

17.6K 486 76
                                    

Adriana's pov

"May bagong transferee."

"Babae or lalaki?"

"Babae dude!"

"True, she's so pretty." Sigaw ng mga babaero kong kaklase habang nagkakagulo kasisilip sa bintana.

"Don't worry Adriana, you're the most beautiful in my eyes." Bulong ng boyfriend ko habang nakasandal sa balikat ko.

"Talaga ba?"

"I have never seen anyone as beautiful as you. You always make my heart melt." And he kissed me on my forehead.

"Adriana, may naghahanap sa'yo." Sigaw ng mga kaklase ko habang nagkakagulo sa labas. Sino naman estudyante ang maghahahanap sa akin?

"Istorbo!" Bulong ni Dominic para mapatawa ako. Lumabas ako ng room para harapin ang taong naghahanap sa akin habang ang boyfriend ko ay sumubsob lang sa kanyang table.

"Adrianaaaa!" Napatahimik ang lahat sa ginawang pagyakap sa akin ng isang estudyante.

"Anong ginagawa mo dito, Belle?" Hindi ko makapaniwalang tanong nang makita ko ito na suot suot ang aming uniform.

"Lumipat ako ng school para makasama ka." Ibang iba si Belle ngayon dahil sa makapal na make up na pinatong sa kanyang mukha at maikling palda.

"Adriana, kilala mo siya? " Tanong ng mga kaklase ko habang hindi makapaniwala sa nalaman.

"Oo," maikli kong sagot.

"Magkaibigan din kami." Proud niyang sambit at umakbay sa akin.

"Wow! You are both beautiful. Magkaibigan nga talaga kayo." Saad ng babaerong si Allander.

"Adriana, please help me to find my crush. Dito rin siya nag-aaral kaya nagpalipat ako." Kinikilig nitong kuwento sa akin.

"Do you know his name?"

"Hindi, pero tanda ko 'yung handsome face niya." Biglang nagbago ang expression niya nang lumingon ito sa akin. "Kaso lang...."

"Kaso ano?"

"I saw him earlier with another girl." Napa 'aww' naman ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ni Belle. Naku! Baka nga may jowa na 'yung iniibig niya.

"Hindi pa naman huli ang lahat, Belle. You can talk to him. Sabihin mo 'yung nararamdaman mo at malay mo ikaw ang piliin."

"Okiee! Noted! Sabi mo 'yan ah." And she hugged me.

"Babe, who's that?" Pagkahiwalay ko kay Belle ay agad akong lumapit sa boyfriend ko para ipakilala sa kaibigan ko. "She was my childhood best friend."

"I am Anabelle Celocia, Belle for short." Tinanggap naman ng boyftiend ko ang pakikipagshake hands ni Belle.

"I am Dominic Giles Sy, Adriana's boyfriend" Pakilala ng boyfriend ko at inakbayan ako dahilan para kiligin ang mga kaklase ko.

"Gwapo!" Bulong ni Belle para mapatawa ako sa naging reaksyon nito.

"Belle, sila naman ang mga kaibigan ko." Pinakilala ko na rin ang mga kaibigan at kaklase ko para naman hindi mailang itong si Belle.

"Hi/Hello!"

Napansin ko naman 'yung dalawa kong kaibigan na si Ava at Maxine na hindi nakipag shake hands kay Belle. Masyadong ma-attitude kapag hindi nila trip ang isang tao.

"I'm hungry, babe. Let's go!" Akit ng boyfriend ko habang hawak ang kanyang tiyan.

"Belle, please excuse us. Gutom na kasi mga kasama ko." Paalam ko kay Belle ngunit agad niyang niyakap sa braso.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon