TMAFK#58

12.2K 296 47
                                    

Adriana's pov.

Nang matapos ang mga eighteen categories ay mas lalong nagkaingay sa loob ng venue dahil nagsisimula na magparty.

"Before the night ends ay hiniling ng ating birthday girl na pumunta sa unahan ang mga kasali sa eighteen candles at eighteen roses." Utos ng Emcee dahilan para magsigawan ang mga bisita.

"Tara na Adriana." Akit ni Maxine ngunit tumanggi ako 'cause I'm really tired.

"Kayo na lang."

"Magtatampo sa'yo si Gail." Panakot sa akin ni Ava na mukhang excited na makita ang kanyang boyfriend na kasali sa eighteen roses.

"Maiintindihan niya naman ako."

"Look! Kanina ka pa tinatawag ni Gail. She wants us to join." Turo ni Maxine kay Abigail na kanina pa nagwi-wave sa amin.

"Fine!" Hinila na nila ako sa unahan kung saan bigla kaming piniringan.

"Oy! Ano ito?" Reklamo ko at pilit na tanggalin ang piring pero may isang tao ang pumipigil nito.

"Sa lahat ng eighteen roses at eighteen candles relax lang kayo. Mag-e-enjoy kayo sa game na ito." Sambit ng Emcee para kabahan naman ako.

"Puwede bang hindi sumali?" Tanong ko habang hindi ako mapakali.

"Bawal!" Sigaw ng isang babae. Alam kong boses ni Abigail iyon.

"Pasalamat ka birthday mo, Gail. Pgbibigyan kita." Lagi akong no choice sa mga kaibigan pero okay lang iyon at least napapasaya ko sila.

"Thank you for everything Karibal" Naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa akin pisngi ko.

"No problem, but after your birthday lagot ka talaga sa akin. Sinadya mo talaga 'yung pagduet kanila." Reklamo ko dahilan para mapatawa ito.

"Oy hindi ah! You're meant to be. Pinagtagpo ulit kayo." At tinusok niya ang aking bewang habang inaasar ako.

"Big yuck!"

"Don't worry Adriana mag-eenjoy ka." Niyakap mo na niya ako bago iwan.

"Girls, please step forward."

Sinunod ko ang utos ng emcee pero imbis na makapagrelax ako sa game na 'to ay mas pumangibabaw ang kaba ko.

"Boys, dalawang step naman sa inyo." Utos ng Emcee. Bumilis agad ang tibok ng puso ko nang may maramdaman akong tao na humakbang sa harap ko.

"Ang gusto ng ating debutant ay makilala ng eighteen niyang mga kaibigan ang mga nagagwapuhang mga kalalakihan mula sa eighteen roses." Paliwanag ng emcee para magsigawan ang mga nanonood.

"No talking challege mo na tayo. Girls, hold your partner's shoulders." Agad ko naman kinapa ang balikat ng aking partner habang patuloy pa rin sa pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Boys, turn niyo na." Dahan dahang hinawakan nung guy ang aking bewang. Tumaas ang mga balahibo ko na para bang familiar sa akin ang lalaking kaharap ko.

"Please, introduce yourself." Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako na may halong kilig sa mga nangyayari.

"Ladies first!" Utos ng Emcee. Huminga mo na ako ng malalim bago ipinakilala ang aking sarili.

"Hi, I am Adriana Chavez. Sorry, I'm not good in dancing." Pakilala ko. Halata naman na sweet dance ang naisip nilang ipalaro sa amin.

"What's funny?" Inis kong tanong nang marinig ko ang mahina niyang pagtawa matapos ang pagpapakilala ko.

"Don't worry ako ang magdadala sa'yo." Mas ikinagulat ko ang paghigpit niyang kapit sa bewang ko dahilan para mas mapalapit ako sa kanya.

"Pinagtagpo na naman tayo." Kahit hindi ito magpakilala sa akin ay alam kong si Mr. Sy Yabang ang kaharap ko.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon