TMAFK#32

20.2K 511 39
                                    

Adriana's pov.

"I'm excited to be yours." Bulong ni Dominic bago mawalan ng liwanag ang buong paligid. Naging kalmado naman ako dahil naniniwala ako na hinding hindi niya ako iiwan kahit kailan.

"Adriana"

"Miss Chubby"

"Babe"

"Asawa ko"

"Girlfriend ko"

"Marami man ang callsign nating dalawa pero I will make sure na ikaw pa rin ang magiging misis ko."

Nang lumiwanag na ang buong paligid ay laking gulat ko na makita ang mga panyong naka banderitas sa harap ko habang may iba't-ibat letra na naka dikit dito.

"CAN YOU BE MY GIRLFRIEN_?" Basa ko habang naiiyak sa mga panyong familiar sa akin.

"Wait, ito ba 'yung mga panyong binigay mo sa akin?" Hindi ko makapaniwalang tanong kay Mr. Sy Yabang habang kinikilig.

"Yeah! Wiling ka bang makinig?" Nasa isang tabi ito habang may hawak na mike. After kong umalis sa condo ay iniwan ko lahat ng bagay na may konektado sa kanya.

"Hindi man ako therapist, but I promise you....
I will always listen to you, mahal." Sambit ko na ikinangiti niya.

"Where did we first meet?"

"Mall," I answered.

"Wrong!"

"Pero una kitang nakilala sa Mall." Pinakilala ko pa nga siyang boyfriend sa harap ng ex ko. Then, I kissed him.

"Sa park tayo unang nagkita."

"Kailan?"

"Do you remember that handkerchief?" Tinuro niya 'yung panyo na may letter C dahilan para maalala ko 'yung nangyari sa Park.

"So, ikaw pala 'yung lalaking nagbigay sa akin ng panyo sa Park?" Iyon 'yung panahong nahuli ko si Kristoffer na may kasamang babae sa mall.

"Oo, ako nga."

"Unbelievable!" I can't believed na siya pala 'yung taong lumapit sa akin sa panahong nasasaktan ako. OMG! I believed that we were for each other.

"Maliit lang ang mundo para sa atin dalawa, Adriana."

"Matagal na kita hinahanap. I've finally found you." Since I met him ay may iba na akong nadama na para bang matagal ko na siyang kilala. Ngayong natagpuan na kita hinding hindi na kita pakakawalan pa. You are mine now!

"Matagal mo na akong natagpuan hindi mo lang alam." Kumindat ito para mapakagat ako sa kilig.

"Letter A, this second handkerchief makes you angry. Binigay ko iyan para punasan ang luha mo pero hindi ko sadyang mahulog sa kinakain mo. Iyan tuloy 'yung gwapo mong boyfriend napagkamalan mong bastos." Napatawa ako nang maalala ko ang pagkikita namin sa Mall. Galit na galit ako sa kanya that time pero siya rin pala ang bibihag sa puso kong sugatan.

"Do you remember that handkerchief?" Tanong muli ni Dominic doon sa letter N na panyo.

"Oo naman. Stalker kita kaya sinundan mo ako after kitang halikan at ipakilalang boyfriend ko." Sinundan niya ako dahil sa pagiging rude ko. Biruin bang pagkatapos kong halikan ay iiwan ko na lang basta.

"Sinundan kita dahil interesado na ako sa'yo." Lumapit ito para hawakan ang aking kamay habang masayang nakatitig sa'kin.

"I felt jealous. Biruin mo iniiyakan mo ang lalaking 'yon."

"Sus! Napaka seloso mo."

"Masarap magmahal ng lalaking seloso it's mean seryoso." Proud pa niyang sabi habang pinipisil ang pisngi ko.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon