TMAFK#20

24K 575 70
                                    

Adriana's pov.

"I don't like it." Reklamo ni Dominic sa suot kong brown skirt at blouse na white.

Nandito kami sa Margaret's boutique habang namimili ng susuotin ko para sa dinner date namin ni Dominic.

Okay na kami ni Mr. Sy Yabang. Wala talaga akong balak pansinin kaso no choice ako dahil lumuhod ito sa harap ko habang inaabot 'yung panda bilang pang peace offering. Ang mas nakakahiya pa ay nasa harap kami ng maraming estudyante.

"Bagay naman sa akin."

Nakaka ilan na akong palit ngunit walang pumapasa sa taste niya.

"Oh ito?" Nagmodel pa ako sa harap niya habang may paikot effect pa.

Lahat naman ng sinuot ko ay fit sa akin. Si Dominic lang talaga ang maarte.

"Masyadong maikli, 'yung mahaba haba naman."

"Nang-iinis ka ba? Ako naman ang magsusuot hindi ikaw." Reklamo ko nang hindi niya magustuhan ang type kong damit.

"Hindi ko lang type 'yang mga sinusuot mo. Kung hindi maiikli ay kita naman 'yang cleavage mo. You look stunning in those clothes. But your safety is my top priority. Ayokong nababastos ka dahil lang sa suot mo." Tumayo ito at may inabot na kulay white na dress.

"Wearing a simple dress makes you prettier." Agad kong kinuha sa kamay niya ang white dress at nagmadaling pumasok sa dressing room habang kinikilig sa mga sinabi niya.

"Simplicity is beauty." Nagulat ako nang makita ko si Dominic na nakasilip sa puting kurtina ng dressing room.

"Kanina ka pa?"

"Ang tagal mo!" Reklamo niya at hinawi ang buong kurtina.

"Kahit kailan ang manyak mo. What if nakahubad pa ako?"

"I'm not interested in you." Saad niya at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.

"Sorry! Let's stop this fucking date." At nagwalk out na ako sa harap niya. Akala ko ba date namin 'to bakit panay pang-aasar ang ginagawa niya sa akin.

"I'm just kidding! Sa totoo lang I'm excited to see you kaya sumilip na ako." Napatigil ako sa paglalakad nang sabihin niya 'yon.

"Pasalamat ka fake monthsary natin ngayon." Three months na kami as fake girlfriend and fake boyfriend.

"Correction, monthsary natin ngayon. Adriana, kahit ngayon araw lang 'to magpakatotoo ml na tayo sa isat-isa." Gaya ng sinabi niya ay kakalimutan ko mo na ang pagiging fake boyfriend at fake girlfriend namin. We will celebrate our monthsary as a real couple.

"Let's go, my gorgeous girlfriend." Hinawakan niya ang aking kamay at hinila na palabas ng boutique.

Hindi ko alam kung ikaw ba ang tinitibok ng puso ko o hanggang ngayon ay si Kristoff pa rin. Litong lito na ako sa nararamdaman ko. But you are one of my source of happiness.

"Adriana, nandito na tayo." Pagkatapos niya akong ipakilala kay Chairman Sy kanina ay dinala niya ako sa isang sikat na restaurant.

"Nicole's Prim Restaurant," basa ko habang namamangha sa ganda at lawak ng restaurant.

"Happy third monthsary, Adriana." Inihagis niya sa tapat ko 'yung bouquet ng pink roses dahilan para obligado kong sambutin iyon.

"Until now, bastos ka pa rin but sweet." Kinikilig kong sambit habang pinagmamasdan ang favorite flower ko. Hinawakan na niya ang aking kamay at tinungo namin ang loob ng restaurant.

"Mamimiss ko 'tong mga kamay mo kapag naghiwalay na tayo." Saad ko habang masayang pinagmamasdan ang magkahawak namin kamay.

"Bakit maghihiwalay pa ba tayo?"

They Met At First KissWhere stories live. Discover now